Chapter Fifteen
"Ano yun?" Umupo ako sa tabi niya not taking my eyes off the sunset.
"Star is my ex girlfriend--"
"I know." I swear, bigla na lang lumabas sa mga labi ko yon.
"Smart girl." He rolled his eyes at me. "So, ano naman ang connection mo sa kanya?"
"You don't have to know that." Mabilis kong sagot at iniwasan ko agad siya ng tingin. Lumakas ang ihip ng hangin. Maririnig mo ang tawanan ng mga bata.
Ang saya nila. Parang wala silang mga problema. I wish I was like them when I was a kid. Sana hindi parang isang competition ang buhay ko noon. Sana hindi ako nahiwalay kina mom at dad.
"I'll give you a deal." Napalingon ako sa kanya. Mahilig talaga siya sa mga deal-deal na yan eh.
"What deal?"
"You tell me what your connection with Star is and I'll tell you one secret or one thing you want to know about me." My face brightened up.
"Deal!" Nag thumbs up pa ako sa kanya. "Well, ewan ko sa kanya pero parang lagi siyang galit saakin."
"And?"
I told him the whole story. Tahimik lang siyang nakikinig. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa galing um-acting ni Star kaya napaniwala niya sina mom at dad na ako ang nambubully sa kanya. Na ako ang dahilan ng mga pasa niya at sugat. Well, hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga iyon pero wala akong paki.
I hate her.
"Pang MMK pala ang kwento mo." He smirked. Nag indian seat siya sa bench at ini-spread ang mga kamay sa sandalan. Parang inaakbayan ako ng mokong na to ah.
"Hoy, tigilan mo nga ako." Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.
"Do you want to meet my parents?" Nagulat ako sa tanong niya at nanlaki ang mga mata ko habang hinaharap siya. "No, it's not--oh, c'mon."
I laughed awkwardly. Nag assume naman ako na ipapakilala niya ako dahil may 'something' na namamagitan sa aamin. That wont happen. Sarreh. Sarreh.
"A-ah. Ok, ok. Sige, why?"
He shrugged then smiled. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinawakan ito. I suddenly felt an electric shock from his touch. Hindi ako tumingin sa kanya. It will be awkward for the both of us.
"Tara na." I stood up. Hawak pa din niya ang kamay ko as we went home.
~*~
Tulugan na. And this time, sa sahig na ako matutulog. Well, hindi na umalis si alien sa kwarto ko. Ang hirap daw kasi maglipat ng mga damit niya kaya ayun, stuck siya sa kwarto ko until may mahahanap kaming makakapagbuhat ng lahat ng gamit niya na nasa kwarto ko.
Mukhang hindi naman mabibigat ito at sa katawang yan ni alien, (na parang 'work-out-all-day') kayang kaya niya buhatin pero ewan. Hay nako.
"Hoy! Alisin mo yan!" Aba! Magdikit daw ba ng poster ng Silent Sanctuary sa dingding ko!
"Bakit?" Pa-innocente pa ang mokong.
"Teka nga! Kung maka-SSanctuary ka parang mellow music lover ka ah! Hindi ba isa kang gangster?" That was a conclusion of mine. Nakita ko kasi sa internet kahapon na ang mga gangsters madalas may piercings sa mukha at iba pa. Yun pa lang naman ang napapansin ko.
"I'm only allowed to answer one secret about me. Sigurado ka ba na yan ang gusto mong itanong?" Oo nga pala, kasama pala sa deal yung switch secrets.
"Oo." I said without heaitating.
"No, I'm not."
"Eh bakit may mga piercings ka sa mukha? Bakit pala tinanggal mo na? Bakit mukha kang adik noon tapos mukha ka ng mati--"
"Sorry, one question only."
»»»»»»»»»»»»»§«««««««««««««
BINABASA MO ANG
She Married A Gangster
Fiksi RemajaThis is the story of an egoccentric girl forced to marry a bipolar gangster. She didn't expect to feel 'this' way and he isn't the man he seemed to be. *Warning: Super Cheesy and Corny with many bad words. Please read at your own risk.* R-15