Chapter 3

456 9 0
                                    

Chapter Three: Together in the same room

"A-ah... Mahabang kwento kasi eh... Umm... Ahehehe..." Namumula na ang buong mukha at katawan ko sa sobrang hiya.

"Hahaha! Wag ka mag alala. Hindi mo na kailangan mag explain." Nag thumbs up siya. "Teka, ngayon lang kita nakita ah. Kaano ano ka ng mga Quizen?"

Quizen ang 'family' name namin. Wow, big word yun ah. Family. Haha.

"Hahaha. Anak nila 'ko." Nawala ang mga ngiti ko. Anak? Lol. "Sort of." I smiled again.

"Hindi ko alam na may anak pa sila na ganyan kaganda," Nanlaki ang mga mata ko. Pinupuri niya ba ang kagandahan ko? Omaygash. "Kaganda, ay este... Hahaha!" Nakipaghand shake na lang ako.

"Ahahaha..." awkward akong tumawa. "Ako nga pala si Katy."

"Skylar." Tumango siya at ngumiti. Emeghed. Eng Gwepe Telege... >__<

"Ehem." Napatulala ako ng bigla akong hawakan ni alien sa balikat. Nakaharap pa din ako kay Skylar ng bigla siyang sumingit sa eksena.

"Problema mo?" Pinanlisikan ko siya ng mata.

"Ah, sige Katy. Una na ko ah." Tumalikod na si Skylar. Mukhang disappointed siya pero guni guni ko lang ata yun. Lumalala na talaga ang imahinasyon ko.

"Flirting with other guys when you are already engaged is not a very good idea Ms. Quizen." He looked very serious. What the fudge.

I looked down. Malapit lang ang paa niya.

"ARAAAY!" Nagtatatalon siya sa sakit habang hawak ang tuhod ng paang tinapakan ko.

"Hindi tayo engaged. Enraged pwede pa. Plus, wala akong pakialam. I can go out on a million dates with or without you!"

~*~

"Gamutin mo yan! Nako naman anak!" Pabalik balik ng lakad si dad habang minamasahe ang noo niya.

So ito ako. Nakaupo sa harap ng mahal na alien. Eew. Hate na alien at nilalagyan ng bondage ang paa niyang namamaga.

"O-ouch..." Saad ni alien. Hindi naman ganun kasakit ang ginawa ko pero kung maka-acting wagas na wagas. "Aray, aray! Dahandahan..."

"Nakakaasar ka na..." I whispered. Obviously, siya lang ang nakarinig.

Pinisil ko ng sobra ang namamaga niyang paa. Pero ganon pa din ang expression ko hanggang sa hinatak niya ang paa niya.

"Aray!!!" Hinipan hipan niya ito. Haha. Like that will do something.

"Ok, that does it!" Napalingon ako kay dad at mom na parehong nakatayo. Highblood kasi si dad kaya inaalalayan siya ni mom. "Ace will stay in your room until he can walk properly!"

"But--"

"No buts. You will be the one to put bondage in his foot because it's your wrong doing!" Bumaling naman ang tingin niya kay Ace. "As for you, young man. You're not going to do anything stupid with my daughter and tell me if she's bothering you."

"Bed stage." Nag shrug si mom.

"Yes, absolutely." Halata sa mukha niya na may binabalak siyang masama.

»»»»»»»»»»»»»§«««««««««««««

She Married A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon