Chapter 7

498 9 0
                                    

Chapter Seven

"Ok, bukas ipagdadrive kayo ni manong sa Abbeville University. Rex, ikaw na ang gumising kay Katy. Oh, anak? Bawal ma late don, ok?"

"Mom. You don't have to remind me a million times. I know. I also have an alarm clock. Ayoko ng mapalo ulit ng unan para lang magising ako." Paulit ulit. Kakaloka.

"Sus! Kayo talaga! Nagpipillow fight pa kayo. Nakakakilig naman!" I rolled my eyes.

"Sige, goodnight." Naglakad na ako paakyat sa kwarto ko.

Nakakaasar. Gusto kong mag aral ng culinary arts. Badtrip yan. Kulang na lang sila na din ang kumontrol kung kailan ako tatawa o uutot eh. Asawa ko, course ko, buong buhay ko sila na lang ang nagdedesisyon. I swear. One of these days I will try to be my own self without them lecturing me about everything.

Fortunately, nakatulog naman ako kahit nakabukas ang ilaw. That stupid deal of ours is killing me.

To my surprise, nagising ako.

I looked at my clock sa side table ko. 3:30 am pa lang. Anong ginagawa ko at bakit gising ako? Also, bakit nakapatay ang ilaw? At nasan si alien?

Triny kong matulog ulit pero hindi ko magawa. Feeling ko may mga nangyayari ngayon na kailangan kong masaksihan.

But what the heck would be that event at exactly 3:30 am?!

Bumangon ako at bumaba. Hindi naman madilim dahil laging nakabukas ang ilaw namin sa hallway sa second floor at sa kusina. Pinasadya yan ni daddy para hindi daw mahirap mahuli kung may magnanakaw man. Pero I still don't get it. Parang wala naman siya masyadong use.

Bumaba ako at lumabas sa garden mag uunat sana ako at mag sisight seeing ng magandang kalangitan sa dami ng stars pero nagulat ako ng may marinig akong nagsasagutan.

"Stay away from her, Sky!"

"Teka, si Ace yun ah. Sinong Sky?" I whispered to myself. Nakatago ako sa isang corner ng bahay namin habang pinapakinggan ang sagutan nilang dalawa.

"Why would I?"

Si Skylar yun ah. What the hell is happening?

"Pumili ka, lalayuan mo siya o lulutang ang katawan mo sa ilog Pasig."

"Kahit kailan ang brutal mo talaga."

"Lalayuan mo siya, naiintindihan mo?!"

"Hindi ko lalayuan si Katy, Ace."

"Para mo na ring sinabi na gusto mo ng sakit sa katawan."

"Ano ba kasi ang meron? Nakikipagkaibigan lang naman ako sa kanya ah."

"I know what you're up to, Sky."

That's it. Ayoko nang makinig. Wala akong paki. Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Ace dahil bumalik na ako sa kwarto ko.

He is such a paranoid alien.

»»»»»»»»»»»»»§«««««««««««««

She Married A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon