Chapter 6

341 8 2
                                        

Chapter Six

"Kawawa naman yung garden niyo." He frowned. Mababa lang ang fence na naghihiwalay saaming dalawa. Nasa bewang lang. Katulad ko, nakapajamas lang din siya.

"Kakagising mo lang din?" I asked out of the blue.

Tumango siya at ngumiti. "Gusto mo taniman natin ng bagong mga bulaklak yan?" Tinuro niya ang lugar na pinagsisipa ko.

"Ha? Wag na. Bahala na sila diyan. Nakakabwisit sila." Bumalik naman tuloy ang galit ko.

"Ano bang nangyari sa'yo? Parang galit na galit ka sa kanila?"

"Pinipilit nila akong ipakasal sa taong hindi ko gusto." Pinilit kong ngumiti. Ayokong sirain ang araw niya at bahagian siya ng bad mood.

"Hahaha!" Tumawa siya. Napatitig ako na parang tanga. Problema neto? Bat tumatawa 'to? "Pareho lang pala tayo ng pinagdadaanan eh."

"Ha?!" Napahawak ako sa balikat niya at kinalogkalog ko siya. "Talaga? Talaga?"

Tumawa naman siya pero mas mahina kaysa sa kanina. "Yep. Pero wala akong magagawa eh."

"Excuse me." Kumunot ang noo ni Skylar at tumango siya at nagpaalam sakin. Nandito nanaman kasi si alien.

Hinatak niya ako papunta sa backyard. "Oy! Bitawan mo nga ako! Ano bang problema mo, ha?!" Inagaw ko ang braso ko sa kanya.

"I'm warning you, Ms. Quizen. The next time you talk to that guy he'll end up in the nearest hospital." palapit siya ng palapit saakin hanggang sa tumama ang likod ko sa semento.

Oh no. I'm trapped.

"B-bakit ba?! Hindi ba pwede makipagkaibigan, ha?! Don't act like you're my boss! Wala kang pakialam sa buhay ko!" Tinulak ko siya pero wala itong nagawa. Nilagay niya ang mga palad niya sa gilid ng dingding. Na trap na pati ang mukha ko.

"Oh, really?" Seryoso pa din ang mukha niya.

"R-really! Wait wag mo sabihing..." He tilted his head to the side. "Nagseselos ka ba?!!"

"Maybe or maybe not." Nilapit niya ang mukha niya. Wala na ang piercings niya sa mukha. Pero meron pa din sa tenga. "You're my wife. Stop talking to that guy." Kinakain niya ako sa tingin niya. Masyadong madilim ang mga mata niya, kitang kita ko ang kinakabahan kong expression.

Bumitaw siya saakin. Pay back time, loser.

"I-I'm not your wife..." Tumingin siya saakin ng masama. Oh my gosh. "Yet..."

I bit my lip.

"Good." Teka nga, bakit maayos naman siya maglakad?!

"HOY! Maayos ka na maglakad ah!"

He smirked. "Oh, but I'm a good actor, Ms. Quizen. To good for your liking."

»»»»»»»»»»»»»§«««««««««««««

Sorry kung SOBRANG maikli ang chapters. Hehe. 500 words lang po kasi siya kasi cellphone novel siya pero wag kayong mag alala! Babawi ako sa simula sa Chapter 18!

Love Love Love and Corniness!

X immortalgirl X

She Married A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon