Sky: Hello
Sky: Tapos na ba kayo mag-usap ng kaibigan mo?
Hyungwon: Katatapos lang. Dito kasi sa messenger tumawag para lang magthank-you.
Hyungwon: Galing kasi siyang Singapore dahil sa dance competition na sinalihan ng University namin 'don. Nanalo ata sila kaya 'yun humingi sa akin ng pabor na magkita raw kami.
Sky: Talaga?
Sky: Dahil lang nanalo sila kaya kayo nagdate?
Hyungwon: Hindi date 'yon!
Hyungwon: Osige friendly date haha.
Sky: Diba sabi niya galing siyang Singapore? Baka namiss ka niya?
Hyungwon: Ay wow hahaha.
Hyungwon: May lalaki ba talagang tsismoso? Hahahaha.
Sky: Ikaw kaya unang nagkwento kaya nacurious ako. Tsaka nag-aassume lang ako dahil pareho kaming lalaki.
Hyungwon: Uhm
Hyungwon: Wala akong sinabing lalaki 'yung kaibigan ko?
Hyungwon: Teka
Hyungwon: Hoy Hansol ikaw ba 'to!?
Sky: Hahaha hindi ako si Hansol. Kita mong Sky ang pangalan ko eh.
Sky: Alam ko lang na lalaki kasi hindi ka naman siguro makikipag-FRIENDLY date sa babae. Sa babae kasi ang tawag sa date with girlfriends is Girls' Day Out.
Hyungwon: Ang dami mo namang knowledge.
Sky: Sasabihin na nating dala ng experiences kaya marami akong alam haha.
Sky: Pero tama ako sa namiss ka niya ano?
Hyungwon. Lol. Oo.
Sky: Kung namiss ka niya at nagawa ka pang yayain sa labas hindi lang isang ordinaryong kaibigan turing sayo 'nun.
Hyungwon: Oo. Actually bestfriend ko talaga siya since high school tho nitong dalawang taon simula nung umalis na sa buhay ko si Wonho nagsimula na 'rin siya umaksyon para ligawan ako.
Sky: Bakit di mo sinagot kung two years ng nanliligaw sayo?
Hyungwon: Ilang beses ko bang sasabihin na mag-aaral muna ako!?
Sky: Talaga? Sa panahon kasi natin ngayon hindi na uso ang study first.
Hyungwon: Edi ako magpapatunay tss.
Sky: What if biglang sumulpot 'yung ex mo? Study first ka pa kaya?
Hyungwon: Diba sabi ko wala na siya sa buhay ko? So meaning kahit kailan di na siya susulpot pa!
Sky: Sa buhay mo lang 'yun pero in reality nandyan pa rin siya at di mo siya maiiwasan.
Hyungwon: Wala na akong pake sa kanya.
Sky: Kahit magmakaawa siya?
Hyungwon: Nagmakaawa din ako sa kanya pero binalewala niya lang ako.
Sky: Paano kung may rason kung bakit ka niya iniwan?
Hyungwon: Then he could have told me! Kilala naman niya ako eh! Mahal na mahal ko siya na kahit anong sasabihin niya paniniwalaan at iniintindi ko!
Sky: I see.
Sky: Bigla tuloy akong nawalan ng lakas ng loob para lapitan ang ex ko.
Hyungwon: BAKIT MO PA KASI LALAPITAN EH SINAKTAN AT INIWAN KA NGA NIYA!?
Sky: Wala akong binanggit na sinaktan o iniwan niya ako haha.
Hyungwon: Eh bakit ka nagpapaturo sa akin mag-move on noong una? Tapos sabi mo pa bumalik na siya!
Sky: Wala akong sinabing bumalik siya galing ibang bansa haha. Ibig kong sabihin 'dun, bumalik na 'yung dating siya.
Sky: Noong una kasi namin na nagkita ang taray at ang cold niya sa akin, pero nung naging kami super nagbago siya. Sobrang bait niya sa akin haha. Kaya 'nung nakita ko ulit siya na bumalik ang supladang aura niya mas lalo akong naturn on.
Hyungwon: Weird mo. So kung ganun, wala talagang ginawang mali ex mo sayo?
Sky: Wala. Sobrang bait niya sa akin at minahal niya lang ako. Kaso nagpaka-gago ako.
Hyungwon: AY ANG TANGA MO NAMAN PALA EH!
Hyungwon: WALA KANG KARAPATAN MAG-MOVE ON KASI IKAW ANG NAGKAMALI SA INYONG DALAWA!
Sky: Kaya nga sabi ko di na ako magmomove-on. Balak ko bawiin na siya.
Hyungwon: Sa tingin mo naman mababawi mo siya ng ganon ganon na lang!? Hoy excuse me hindi mo kayang ibalik ang nakaraan!! Sa tingin mo may karapatan ka pa rin sa kanya? Pwes ako na magsasabi sayo na wala! Kaimbyerna ka ah!
Sky: If anything can't be reversed. I will gladly start again from zero.
Sky: I'll start from being walang karapatan and I will surely make it to karapat-dapat.
Hyungwon: Bahala ka! Kung ako 'yung ex mo di nakita babalikan!
Sky: Sabi mo eh.
Sky: Pero walang imposible.
Hyungwon: LOL MATUTULOG NA AKO BAHALA KA NA SA BUHAY MO WALA NA AKONG PAKE DAHIL PAREHO LANG PALA KAYO NI WONHO!
Hyungwon: Pinagkaiba niyo lang siguro minahal mo 'yung ex mo. Siya? hindi niya ako minahal hahahaha. Goodnight!
Hyungwon has logged out.
Sky: Sobrang minahal kaya kita, hanggang ngayon nga mahal na mahal pa rin kita | cleared
----------
will probably end this story first before updating a new chapter on Red hehehez

BINABASA MO ANG
Period [HYUNGWONHO]
Nouvelles"Sorry babe dinatnan kasi ako today," in which Hyungwon keeps on telling his boyfriend Wonho that he has the red flag whenever the boy invites him to do the 'thing' • an Alternate Universe Chat Series of Monsta X where in Hyungwon plays the female...