FOUR: EPIC FAIL PART TWO

169 3 2
  • Dedicated kay Xian Valencia
                                    

(Roy Edward's picture at the side --->)

FOUR: EPIC FAIL PART TWO

(SEPNAS Campus, Wednesday afternoon)

(Katrina's POV)

 

(Campus Hallway, Main Building)

 

BREAKTIME at kakatapos ko lang kumain ng lunch sa cafeteria, hindi ko nakasabay kumain si Mychaull kanina dahil may meeting ang journalism club this afternoon. Member nga pala si Mychaull ng journalism club.

Nasa hallway ako ngayon at kasalukuyang nagbabasa ng speech advancement book para sa speech test namin mamaya sa speech laboratory.

Habang busy ako sa pagbabasa ay nakita ko na naman sila Lala, Miles at Ashie Joyce na papunta sa locker room ng IV- Anthurium, IV- Bougainvillea at IV- Camia. Teka, ano naman kayang gagawin nila sa locker room namin?

Sumilip ako sa steel door ng locker room at nakita kong may inilabas na colored paper si Lala sa bulsa ng palda niya at inipit niya ang papel na yun sa locker ni Roy Edward.

"Uy girl, makikita kaya ni Prince Roy yan?" tanong ni Ashie Joyce sa kanya.

"Oo naman noh!" at ngumiti si Lala. "At kapag nabasa niya ang sulat ko, tiyak na mai-in-love siya sa akin ng husto!" ang nagyayabang pang sabi ni Lala.

Asa. xD.

"Halika na girl, pumunta na tayo sa cafeteria! Abangan natin siya dun!" at patakbo na silang lumabas ng locker room, di na nga nila ako napansing nakasilip sa kanila.

Napabuntunghininga na lang ako at nagkunwaring may kukunin sa locker room nang makita kong papasok na sa locker room si Roy Edward.

Makita kaya niya ang sulat ni Lala?

Binuksan ni Roy Edward ang locker niya at nakita niyang nalaglag ang papel ni Lala. Pinulot niya iyon.

"Ano kaya 'to?" ang tanong niya sa sarili niya sabay buklat niya sa papel. Binasa niya ang sulat. Kitang-kita ko sa mukha ng pinsan ko ang matinding inis at disappointment.

"Kilala ko kung sinong baliw ang nagsulat nito." ang nakangising sabi ni Roy sabay labas niya ng ball pen niya sa bag niya.

Teka, ano naman kaya ang gagawin ni Roy sa sulat?

Di kaya, magre-reply siya?

Pero......parang imposible eh.

Sinubukan kong silipin ang ginagawa ni Roy pero di ko naman masilip dala ng sobrang layo ng locker niya sa locker ko.

J.4.R.G's (Just 4 Real Girls) (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon