FIVE: SHE'S MY GIRLFRIEND

180 5 2
  • Dedicated kay Laurien Daquer
                                    

(Florenz's picture at the side --->)

FIVE: SHE'S MY GIRLFRIEND

(SEPNAS Campus, Friday morning)

(Katrina's POV)

 

(Corridor, Gabaldon Building)

 

MAKALIPAS ang isang araw, mula nang mangyari ang "epic fail" incident sa campus ay kalat na kalat pa rin ang balita tungkol sa kataku-takot na panghihiya ni Roy kay Lala dahil na rin sa "epic fail loveletter" niya.

Habang naglalakad ako sa corridor ng Gabaldon Building ay nadaanan ko sila Lala na nakatambay sa corridor. At dinig na dinig ko mula sa malayo ang mala-batingaw sa simbahan na usapan nila.

"Lala, please naman, itigil mo na ang kabaliwan mo kay Prince Roy, hindi ka pa ba nadadala sa ginawa niya sayo noong isang araw?" ang tila inis na pakiusap ni Miles kay Lala.

"Oo nga! Idagdag mo pa yung epal na mga bulateng yun pati ang manlalait na Coleen na yun!" sabi naman ni Ashie Joyce.

"Eh ikaw Miles, di ba patay na patay ka kay Prince Mychaull!" ang tila paganting sabi ni Lala kay Miles.

"Ano naman ngayon?!" ang sabi ni Miles kay Lala.

"At ikaw naman Ashie, di ba may gusto ka naman kay Prince Florenz!" ang sabi naman ni Lala kay Ashie.

"Eh, bakit, ano naman sayo?!" inis na tanong ni Ashie kay Lala.

"At gagawin nyo ang lahat para mapansin kayo ng mga lalaking gusto nyo, di ba?!" - Lala.

"Oo naman!" - Miles and Ashie.

"Kaya pwede ba, suportahan nyo na lang ako! Kahit na ang presidente pa ng Pilipinas ang manghiya sa akin, wala akong pakialam! Akin lang si Prince Roy! Akin lang siya!" ang mayabang pang sabi ni Lala sa dalawang kaibigan niya.

Seesh......nangarap na naman ang luka-luka. xD.

"Halika na, punta na tayo sa room, baka mahuli pa tayo ni Ma'am Palisoc, mainit pa naman ang dugo nun sa atin." ang yaya ni Miles sa kanila.

"Sige, tara na." at umalis na silang tatlo sa pinagtambayan nila. 

Habang naglalakad silang tatlo ay may mga estudyanteng pinagtsitsismisan sila.

"Di ba, yan yung stupid na binasted ni Prince Roy nung Wednesday?" - Tsismosa 1.

"Ay oo nga! Siya nga yun!" - Tsismosa 2.

J.4.R.G's (Just 4 Real Girls) (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon