SIXTY THREE: THE JUNIOR-SENIOR PROMENADE 2013

89 3 1
  • Dedicated kay Ghine Garing
                                    

SIXTY THREE: THE JUNIOR-SENIOR PROMENADE 2013

(SEPNAS Campus, after five months, third week of February)

(Katrina's POV)

AFTER five months....

Dumating na rin ang buwan ng February na kung saan sumasapit ang pinakainaabangang event ng mga estudyante na minsan lang kung maranasan ng lahat, ang Junior-Senior Promenade (JS Prom in short.) Ito ang pinakamasayang event na sinasamantala ng mga estudyante upang makipag-bonding sa mga kaibigan nila and the same time, makahanap na rin ng kanilang bagong pag-ibig. Ang JS Prom din ang last commemoration ng eskwelahan sa graduating batch ng senior department. At sa bawat promenade, hindi rin mawawala ang surprise na pagpili sa Mr. and Miss SEPNAS Junior, Mr. and Miss SEPNAS Senior at Mr.and Miss SEPNAS Junior-Senior Promenade.

Kaya naman para maging memorable ang aming last promenade ay naging puspusan na ang aming pagpapraktis mula sa traditional rigodon and cottelion hanggang sa candle lighting ceremony. Ang motif ng JS Prom this year ay red for Juniors (Third Year) and blue for Seniors (Fourth Year.) At sa bawat araw na aming binibilang ay nararamdaman na namin ang excitement at thrill na dulot ng nalalapit nang JS Prom.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(Manio-Paulino Mansion, Friday evening)

(Katrina's POV)

NASA kwarto ako ngayon at kasalukuyan akong inaayusan nina Mommy at Tita July. Nakahanda na rin ang aqua blue cocktail dress ko na nakalapag sa kama. Habang inaayusan ako ay panay ang kwento nina Mommy at Tita sa akin.

"Alam mo bang super special ang JS Promenade dahil minsan lang itong mangyari sa buhay ninyong mga estudyante, kaya naman sinisiguro ko sayong mami-miss mo ang ganito kasayang event na ito pagtuntong mo ng college." ang masayang sabi ni Mommy habang busy sila sa pag-iipit sa kulot kong buhok.

"And special din sa event na yun ang maisayaw ka ng taong mahal mo, makasama mo siya sa buong gabi ng prom at mapagsaluhan ninyo ang masayang gabing iyon hanggang sa sumapit na ang umaga." ang sabi naman sa akin ni Tita July. "Naaalala ko tuloy si Dick nung i-date niya ako sa JS Prom namin. Napakatagal na rin ng panahong yun." and Tita smiled.

"At kinikilig ka naman kapag naaalala mo yun," ang sabi ni Tito Dickinson na nasa loob na rin pala ng kwarto ko at kasama nila si Daddy.

"Bakit Dick, masama bang i-reminisce ko yung nakakakilig na experience ko sa first date natin sa JS?" ang sabi naman ni Tita July.

"Of course not, July." and Tito kissed Tita's forehead. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang first date nating dalawa."

 

"Swerte nyo naman Daddy, first date ninyo si Mommy sa prom."

Napalingon kaming lahat at nakita namin si Roy na super guwapo at elegante sa suot niyang black and gray tuxedo.

J.4.R.G's (Just 4 Real Girls) (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon