THIRTY SEVEN: ANG PANGHAHARANA

122 7 1
                                    

THIRTY SEVEN: ANG PANGHAHARANA

(Caranza's Residence, Saturday evening, 9:00 pm)

(Roy's POV)

ALAS-NUEBE na ng gabi nang makarating na kami nina Adrian, Alvin at ng bandang inarkila ni Adrian sa bahay nina Loisee.

"Pumasok ka na sa loob." ang sabi sa akin ni Alvin.

"Ha? Eh...kasi...hindi pa ako masyadong prepared."

"Diyos ko naman Roy! Ang tali-talino mo sa school, pero pagdating sa babae, ang hina mo." ang sabi ni Adrian sabay tulak na niya sa akin papasok sa entrada ng bahay nina Loisee. "Wag ka nang mahiya, nandito naman kami sa tabi mo eh." 

 

Sumunod na agad na pumasok sa loob sina Alvin at Adrian.

"Hoy mga tropang bugok, pasok na kayo." ang sabi ni Adrian sabay senyas na niya sa tatlong mga lalaking kasama namin. Pumasok naman sa loob sina Mang Dolphy, Mang Babalu at Mang Redford White (nicknames nila.) 

"Setup na tayo, setup na tayo." ang sabi naman ni Adrian. Agad na naming inayos ang setup ng banda.

"Oh okay na yung banda ha, ahm Mang Dolphy, gumagana po ba yang tambol na yan?" ang natanong ko kay Mang Dolphy habang hawak nila ang tambol.

"Oo naman iho, gumagana 'to." at pinatugtog ni Mang Dolphy ang kanilang tambol.

"Eh para naman po kayong tutugtog sa patay." ang sabi ni Adrian pero binatukan siya ni Mang Dolphy.

"Masyado kang pilosopo." ang sabi ni Mang Dolphy. "Mag-umpisa na tayo. Ako na ang magpapadungaw."

Pinatugtog na ni Mang Redford White ang kanilang dalang gitara.

"Natutulog ka na ba......sintaaaa..........KUNG HINDI PA'Y BUMANGON KA!" ang kanta ni Mang Dolphy pero binatukan siya ni Mang Babalu.

"Gunggong ka rin eh noh! May harana na bang rap!? Pinggain kita ng tambol mo eh!" ang sabi ni Mang Babalu. "Ako na nga ang kakanta! Red, voila!"

Pinatugtog na ni Mang Redford White ang gitara.

"Dumungaw ka.......dumungaw ka-a-a.....dumungaw ka.......dumungaw ka..."

 

"Dumungaw ka na, dumungaw ka na , dumungaw ka na..." - Mang Dolphy.

"Dumungaw ka naaaa!" - Mang Redford White @ Mang Babalu.

"Dumungaw ka na....dumungaw ka na....dumungaw ka na..."

 

J.4.R.G's (Just 4 Real Girls) (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon