THIRTY SIX: THE REVENGER'S PLAN

92 5 1
  • Dedicated kay Crestina Baylon
                                    

THIRTY SIX: THE REVENGER'S PLAN

(SEPNAS Campus, Tuesday afternoon)

(Emilbona's POV)

 

KAKATAPOS lang ng klase ko sa PSU nang sadyain kong magpunta sa dati kong school na walang iba kundi sa SEPNAS na isang kanto lang ang layo mula sa pinapasukan kong kolehiyo.

Pagpasok ko sa SEPNAS ay malugod naman akong tinanggap ng security guard dahil namumukhaan pa naman niya ako kahit papano. Noong nasa loob na ako ay swerteng nakita ko ang babaing kinasusuklaman ko....and no one other than the filthy bitch in the history, Hibari Anando Hanayashi.

"Hah, sinuswerte nga naman ako't natsambahan kita, Hanayashi." ang bulong ko sa isip ko habang nakamasid ako sa kanya. Nakita kong nagpaalam na sa kanya ang mga kapwa malalandi niyang kaibigan bago nagsilabasan ang mga 'to sa gate ng school.

Nung naiwang mag-isa si Hibari ay nakita kong may tinawagan siya sa cellphone niya, narinig ko pa nga ang boses niya.

"Saan tayo magkikita? Sa apartment mo? Sige, papunta na ako dyan. Bye!" at tumawa pa ng malandi ang gaga sabay baba niya sa cellphone niya. Nakita kong nag-retouch siya ng kanyang napakakapal na pagmumukha bago siya lumabas ng gate. Agad ko siyang sinundan hanggang sa paglabas niya ng gate. Naglakad pa siya ng ilang ulit bago siya nakapara ng tricycle. Sumakay ako sa tricycle na sinasakyan din niya.

"Kuya, sa Red Lodge Apartelle." ang sabi ni Hibari habang nagbabayad siya sa driver.

"That's it Hibari....Mahuhuli ko na rin ang itinatago mong baho!" ang nagbubunying tugon ng isip ko habang lihim akong nakamasid sa kanya mula sa loob ng tricycle.

Noong malapit na sa lodge ang sinasakyan namin ay agad akong nagbayad sa driver hanggang sa pumara si Hibari sa tapat ng Red Lodge Apartelle sa tabi ng VMUF premises. Bumaba rin ako sa Red Lodge at sinundan ko siya sa loob. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si filthy bitch na may kahalikang lalaki na nag-aaral din sa pinapasukan kong school. Agad akong nagtago sa silong ng nakatakip na basurahan at agad kong kinunan ang halikan nila bitch at nung schoolmate ko. Nung pumasok sila sa loob ay naiwan kong bukas ang pinto. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at nakita kong naghaharutan silang dalawa sa kusina. Agad ko nang sinet-up ang videocamera ko at nagtago ako sa closet ng kwartong iyon. Dahil luma at butas na ang bandang harapan ng cabinet ay itinapat ko ang lens ng video camera ko sa may bandang kama.

Hah!

Lintik lang ang walang ganti Hibari!

Noong nakita kong naghahalikan na sila pahiga sa kama ay sinimulan ko nang i-record ang video. At habang gumagawa na ng milagro si filthy bitch at si schoolmate ay nakuha ko pang kumain ng muffins mula sa loob ng cabinet habang nakatutok ang camera sa kanilang nakakadiring ginagawa.

Kung bakit galit ako sa babaing yun, heto ang sagot.

(Flashback)

 

SECOND year high school ako nung ampunin nina Mama at Papa si Hibari mula sa namatay nitong nanay sa San Quintin. Ulila na siya sa kanyang ama tapos kamamatay pa lang ng nanay niya nang ampunin namin siya. Mabait at masipag si Hibari kina Mama at Papa pati na rin kay Kuya, pero nalaman kong pakitang-tao lang pala niya yun. Hindi ko aakalain na ang ampon naming santa-santita ay isa palang demonyo. Isa siyang salot na sumisira na pala sa pamilya namin. Kung bakit? Dahil pareho niyang 'tinuhog' sina Papa at Kuya. Hanggang sa nalaman ni Mama ang ginagawang kababuyan ni Papa at ng walanghiyang babaing yun na naging dahilan para atakihin sa puso si Mama na naging mitsa ng kanilang maagang pagkamatay. Dahil sa sobrang galit at pighating nararamdaman ko ay lumayas ako sa bahay at tumuloy ako kay Lola. Doon ko na rin ipinaburol ang mga labi ni Mama. At mas dumoble ang galit ko sa walanghiyang tatay ko nang hindi man lang niya nakuhang dumalaw sa burol ni Mama. Kahit si Kuya ay di man lang nagpakita sa burol ni Mama. Kaya't nung maihatid na ang pinakamamahal kong ina sa kanyang huling hantungan, isinumpa ko sa puntod niya na maghihiganti ako sa lahat ng mga taong naging dahilan ng pagkamatay niya, lalo na kay Papa at ang demonyong Hibari Hanayashi na yun! Pero di naging madali para isagawa ko ang plano kong makapaghiganti. Para di ako mahalata ng ibang tao ay mahigit dalawang taon kong pinag-aralan ang kinikilos ni Hibari at natuklasan kong iniiputan din pala niya sa ulo ang walanghiya kong ama dahil samu't saring mga lalaki ang 'tinutuhog' niya sa araw-araw kasama ng mga kapwa malalandi niyang mga kaibigan. At sa dalawang taon kong pagmamasid ay nakita ko na ng tuluyan ang alingasaw na itinatago niya sa lahat....

 

(End of Flashback)

 

AT ngayong natuklasan ko na ang baho ng pagkatao niya, ako na rin mismo ang magsisiwalat ng mga 'pantutuhog' nila ng mga kaibigan niya sa buong SEPNAS! Ito na ang panahon para ipaghiganti ko ang pagkamatay ng Mama ko. Ito na.

Nang matapos na ang nakakasukang pinagagagawa nila ay agad ko nang si-nave ang video at sinilip ko sila sa kama at nakita kong natutulog sila na magkayakap. Dahan-dahan akong lumabas ng cabinet at pinagmasdan ko ang nakakadiring kabit ni Papa.

"Poor Hibari. Sinisiguro ko sayong isusumpa mo ang araw na namatay si Mama....dahil dudurugin kita sa harap ng maraming tao!" ang bulong ng isip ko sabay kunan ko ng litrato ni filthy bitch at ng kanyang kalaguyo.

Lumabas na ako ng apartelle na walang kahit sinong nakahalata sa akin. Agad akong sumakay sa tricycle pauwi ng bahay. 

Habang bumibiyahe ang tricycle ay ngiting tagumpay ako dahil sa araw mismo ng English Olympics ay malalaman na ng buong mundo na isang baboy si Hibari Hanayashi!

And I can't wait for that day to come!

*evil grin*

>_________________<

J.4.R.G's (Just 4 Real Girls) (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon