FORTY ONE: THEIR LIFE AFTER YESTERDAY

94 4 1
  • Dedicated kay Jayna Gabriela Andaya Posedio
                                    

FORTY TWO: THEIR LIFE AFTER YESTERDAY

(SEPNAS Campus, Tuesday morning)

(Katrina's POV)

 

(Campus Lobby, Gabaldon Building)

GLOOMY Tuesday morning......

Naglalakad ako sa lobby at wala na akong ibang narinig kundi ang tungkol sa nangyaring kaguluhan kagabi kung saan ibinuko ni Emilbona ang scandal ng Hibari Four. At sa totoo lang, nakakarindi nang pakinggan ang mga kaliwa't kanang mga tsismis ng mga estudyanteng hindi talaga batid ang tunay na nangyari. 

(IV-Anthurium Classroom)

(Katrina's POV)

NANG makarating na ako sa classroom ay nakita kong tahimik din ang lahat, marahil ay ayaw nilang magsalita tungkol sa nangyari. Ninais ko mang magtanong sa kanila ay minabuti ko na rin na manahimik na lang.

Naupo ako sa tabi ni Mychaull. Napangiti siya nang makita niya ako at isang masuyong halik sa noo ang parang ipinambati na rin niya sa akin na katumbas na ng good morning. Hinagkan ko naman siya sa mga labi na katumbas na ng pagbati ko rin sa kanya ng good morning.

"May kopya ka na ba ng reviewer sa Math?" ang tanong sa akin ni Myc.

"Oo, meron na. Hiramin mo na at nang makapag-review ka na." ang sabi ko naman sabay bigay ko ng reviewer sa kanya.

"Salamat Ysa." and he smiled.

"Matanong ko lang, bakit ang tahimik nilang lahat?" 

"Nalaman na kasi ng buong siyudad ang tungkol sa nangyari kagabi. And worst, kumalat na ang video sa mga social networking sites na ang mga estudyante rin dito ang may pakana. Nabalita na rin sa mga regional news programs ang tungkol sa pangyayaring yun. Kaya nga sobrang nahihiya ang buong academe dahil sa nangyari." ang malungkot na pagkukwento ni Myc.

"Eh kamusta naman ang administration? Anong reaksyon nila?" ang tanong ko pa kay Myc.

"Baka ipatawag nila sina Hibari at bigyan ng disciplinary sanction kaugnay nung nangyaring gulo kagabi."

"Katulad din ba ito sa nangyari kina Lala last June?"

 

"Hindi ko alam, basta't ang alam ko ay papatawan sila ng sanction dahil sa video na yun." ang sabi ni Myc.

Natahimik ako sa sinabi ni Myc. Kung ganun ay naging viral na ang video sa buong siyudad. Naalala ko tuloy si Emilbona, ang babaing nagsiwalat ng itinatagong scandal ng Hibari Four. Maaaring siya rin ang utak sa pagkalat ng video na yun sa internet.

Hindi ko alam kung totoo ba talaga ang mga dahilan niya sa pagpapakalat niya ng pribadong video ng Hibari Four. Pero sinisiguro kong abot-langit ang galit sa kanila ng babaing yun. Pero di din naman tama na hiyain niya sina Hibari sa harap ng maraming tao dahil natural lang na tao rin sina Hibari at may mga damdamin din silang nasasaktan. Ngunit sino naman ako para makialam sa pangyayaring yan? Wala akong kinalaman sa mga nangyari kina Hibari kaya dapat lang na manahimik na lang ako sa nangyari.

J.4.R.G's (Just 4 Real Girls) (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon