FIFTEEN: ANG BALAHURANG LALAKI

116 4 1
                                    

FIFTEEN: ANG BALAHURANG LALAKI

(7/11 Convenient Store, VMUF Compound, Thursday morning)

(Coleen's POV)

NASA convenient store ako ngayon at kasalukuyang bumibili ng fresh milk. Ugali ko na kasing bumili ng fresh milk every morning para pampakalma at pambawas ng tensyon at inis kapag nakikita ko ang mga stupids na sina Lala. 

Noong nasa beverage stand ako ay nakita kong isa na lang ang fresh milk sa compartment ng mga dairy products. Kukunin ko na sana yun nang may mga kamay na humawak sa fresh milk ko.

"Miss, akin na lang 'to." ang sabi nung lalaki sa akin.

"Anong sayo 'to? Akin 'to, ako ang nauna dito." ang sarkastikong sabi ko dun sa lalaki.

"Anong sayo 'to, akin 'to noh! Tignan mo." sabi niya habang hawak niya sa fresh milk na nasa beverage compartment.

"Pervert!" sabay agaw ko ng fresh milk ko sa kanya. "Kung ano yung sa akin, sa akin lang! Bumili ka ng sarili mo!" ang pasigaw kong sabi dun sa lalaki.

"Miss, sandali lang, akin kaya yan!" ang pagpipilit pang sabi nung lalaki sa akin pero sa sobrang inis ko ay pinandilatan ko siya.

"Maghanap ka ng sarili mo! Okay!" ang mataray na sabi ko sa lalaki pero nagtaka ako pagkat bigla siyang natulala nang makita niya ako sa malapitan. Mga ilang minuto rin yun at ewan ko ba pero naaasiwa ako sa ganung klaseng tingin niya.

Until.....

"Sige na, hindi na ako makikipagtalo pa. Sayo na yan." at nginitian ako nung lalaki.

"Eh di salamat." ang sarkastiko ko pa ring sabi sabay punta ko na sa cashier.

Habang nasa cashier ako ay nakita kong palapit na rin sa cashier yung lalaking nakasagutan ko kanina. Milk chocolate naman ang binili niya. Nung magkatinginan kami ay isang ngiti ang ipinukol niya sa akin. Inirapan ko naman siya.

Nang ako na ang susunod na magbabayad ay ilalabas ko na sana ang pera ko kaya lang namagitan sa amin yung lalaki kanina.

"Miss, ako na lang ang magbabayad ng kinuha niya. Magkano ba yung fresh milk niya?" ang tanong ni balahurang lalaki dun sa cashier.

"Ahm P65.40 po." ang sabi naman nung cashier.

"Here, one hundred." sabay bigay niya ng pera dun sa cashier.

"Okay po Sir. Heto pong sukli." ang sabi ng cashier sabay bigay niya ng pera kay balahurang lalaki.

"Salamat." ang sabi naman ni B.L (Balahurang Lalaki)

J.4.R.G's (Just 4 Real Girls) (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon