TWENTY SIX: JEFF CAILLES

98 5 1
                                    

TWENTY SIX: JEFF CAILLES

(SEPNAS Campus, Thursday morning)

(Jillian's POV)

 

(Golden Harvest Press Office, Main Building)

NASA press office ako ngayon at kasalukuyang i-ne-edit ang mga articles ng mga contributors sa literary section nang pumasok ang publications adviser namin na si Mr. Nelson Robinol.

"Good morning Sir!" ang bati ko sa kanila.

"Good morning too Jillian. Nasaan na ang mga kasama mo?" ang tanong ni Sir sa akin.

"Baka parating na po yung mga yun Sir, nasa classroom pa po kasi sila eh." ang sabi ko naman.

"Di bale na, ikaw naman talaga ang sadya ko dito. Mayroon akong napiling alumni ng school natin na i-interview-hin mo sa susunod na linggo. Our alumni is the newly elected president of Abiva Corporation and one of the promising alumni of this school, si Mr. Jeff Cailles." ang sabi ni Sir na bigla-bigla na lang gumulantang sa akin.

"Po? Si Mr. Jeff Cailles po?" ang gulat kong tanong kay Sir.

"Oo, si Mr. Jeff Cailles." ang sabi naman ni Sir.

"O-okay.....I-I'll take it." ang sabi ko naman kahit na naaalangan ako't ayaw kong tanggapin ang ipinapagawa ni Sir. Pero para sa publication, gagawin ko.......

KAHIT PA LABAG SA KALOOBAN KO.

Kilalang-kilala ko si Jeff Cailles. Siya ang lalaking una kong minahal.....ngunit siya ring nanakit sa puso ko. Kung bakit, heto ang sagot.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(Flashback, Year 2008)

 

GRADE six ako nung makilala ko si Jeff. Fourth year college student na siya sa kursong Business Administration sa VMUF at classmate siya ng Kuya ko. Noong una ko pa lang siyang makita, nahulog na ang loob ko sa kanya. Aaminin kong napakabata ko pa para umibig pero sa tuwing nakakasama ko siya, hindi ko na napipigilan pa ang sarili kong mahalin siya at pinapangarap kong siya na ang makasama ko panghabambuhay. Pero nasira ang pangarap kong yun nang malaman kong nakatakda na siyang ipakasal sa nobya niyang si Rowena. Labis na nasaktan ang puso ko sa mga nalaman ko pero pinili ko na lang sarilinin ang kalungkutan ko. At noong third year high school na ako ay nakatakda nang ikasal si Jeff kay Rowena pero nung araw ng kasal nila ay hindi sumipot si Rowena. At ang dahilan, naaksidente ang sinasakyang bridal car ni Rowena na siyang ikinamatay niya. Labis na nangulila si Jeff sa nangyari kay Rowena. Matapos ang libing ni Rowena ay minsan kong binisita si Jeff at nakita ko siyang lasing na lasing dala na rin ng pangungulila niya kay Rowena. Sinamahan ko siya sa pag-iisa niya hanggang sa natukso akong hagkan siya sa mga labi niya kahit na amoy-alak pa siya. Gumanti siya ng halik pero nasaktan ako nang banggitin ni Jeff ang pangalan ni Rowena. Kinabukasan, humingi ako ng sorry kay Jeff pero dahil hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Nagulat si Jeff ngunit hayagan niyang sinabi sa akin na mahal niya ako bilang isang kaibigan at sinabi rin niyang si Rowena pa rin ang mahal niya. Mas masakit ang dating sa akin ng mga sinabi niya dahil simula't sapul pa lang ay mahal na niya si Rowena at hindi pwedeng maging kami tulad ng ninanais kong mangyari. Kung kaya naman para makaiwas ay nilayuan ko na siya. Hindi na ako nakipag-usap pa sa kanya ni hindi ko na rin siya nilapitan pa. Hanggang sa nakilala ko si Florenz Julian. Classmate ko siya at kasamahan sa ELC Club. Aaminin kong guwapo at makisig si Florenz kung kaya't naging crush ko siya. Sa umpisa ay hanggang ligaw tingin lang ako sa kanya pero hindi nagtagal, naging mag-bestfriends kami. Mabait at maalalahanin si Florenz kaya naman nung nagtagal ay nahulog na ang loob ko sa kanya, na ang damdamin ko kay Jeff noon ay napunta sa kanya. Pero natatakot na akong magtapat pa kay Florenz, dahil baka maulit na naman ang masakit na nangyari sa akin noon. Sapat na sa aking magkaibigan kami at wala na akong plano pang ipaalam ang lihim kong nararamdaman kay Florenz. At tungkol kay Jeff, wala na akong nalaman pang balita simula nung hindi na kami nagkikita pa. At wala na rin akong balak na makita ni makausap ang lalaking nagdulot ng first heartbreak sa puso ko.

J.4.R.G's (Just 4 Real Girls) (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon