NINE: MY COUSIN'S CRUSH

139 3 1
  • Dedicated kay Mickson De Guzman
                                    

(Adrian's picture at the side --->)

NINE: MY COUSIN'S CRUSH

(Manio-Paulino Mansion, Chula Vista Subdivision)

(Katrina's POV)

 

(Mansion Library)

 

HABANG busy ako sa pagbabasa ng librong Hamlet ay kanina ko pa napapansing wala sa sarili niya si Roy. Oo, tapos na siyang gumawa ng assignment niya at isusunod na niyang mag review para sa study room program.....pero imbis na pagrereview ang inaatupag ng pinsan ko ay bigla-bigla na lang siyang nawawala sa sarili niya.

Bakit kaya?

"Ahm Roy," ang tawag ko sa kanya pero hindi siya sumasagot.

Sinubukan ko siyang kalabitin pero ayaw niyang lumingon ni magsalita man lang.

"Huy Roy, gising!" ang tawag ko pa sa kanya pero hindi pa rin magising ang kaluluwa niya. 

Ano kaya kung hampasin ko na 'to ng libro?! (joke lang xD)

"Ate Kat-kat, ako nang bahala kay Kuya." ang sabi sa akin ni Ryzza na nasa likod ko na pala.

"Ha? Sigurado ka ba? Baka lalo tayong pagalitan ng Kuya mo." Ang alangang sabi ko pero nginitian lang ako ni Ryzza.

"Basta Ate, ako nang bahala sa damuhong 'to." at lumapit na si Ryzza sa Kuya niya.

"HOY KUYA ROOOOOOOYYYYYYY!!!"

Nagulat si Roy at biglang nagising ang kaluluwa niya. "Ryzza Elle, I'm not deaf! Bakit mo ako sinigawan?!"

 

"Kanina ka pa kasi wala sa sarili mo." at tumawa si Ryzza. "Sige, alis na ako, kinuha ko lang yung atlas map sa tokador. Sige po, aalis na ako." at umalis na si Ryzza.

Nung wala na si Ryzza ay nakita kong bumalik na sa pagre-review si Roy, pero di siya makapag-concentrate sa ginagawa niya.

Ano kayang problema niya?

Tungkol kaya ito kay Lala?

Naku! Mukhang imposibleng yun ang problema ni Roy, ni hindi nga siya na-gui-guilty sa ginawa niya kay Lala nung Wednesday eh!

Pero ano kayang problema ni Roy?

"Ahm Roy....." ang mahinang sabi ko sa kanya.

"Bakit?"

"M-Mukhang may problema ka yata. May bumabagabag ba sayo?"

J.4.R.G's (Just 4 Real Girls) (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon