FORTY FOUR: MOURNING

82 4 1
  • Dedicated kay Dhaizhiemar Panigan Mecca
                                    

FORTY FOUR: MOURNING

(VMMC Hospital, Tuesday evening)

(Lhayne's POV)

 

PAGKARATING namin sa emergency room ay nakita kong umiiyak na papalapit sa akin si Emilbona. Gulat akong niyakap siya.

"Kamusta ang tatay mo? Ligtas na ba siya?" ang sunud-sunod na tanong ko sa kanya pero lalong lumakas ang paghikbi niya.

"S-si Pa-pa-papa......p-p-patay na siya......" ang garalgal na sabi ni Emilbona habang umiiyak. "Kasalanan ko kung bakit siya namatay.......kasalanan ko......" at umiiyak siyang sumandig sa balikat ko.

"Wala kang kasalanan sa nangyari sa kanya." ang sabi ko habang tinatapik ko ang balikat niya.

"Kung kailan handa na akong patawarin siya....saka pa siya nawala....saka pa siya....nawala..." ang humihikbi pang sabi ni Emilbona.

"Eh...ano bang nangyari sa tatay mo bago siya isinugod dito?" ang tanong ko pa sa kanya.

"Nagtalo sila ni Hibari...dahilan para saksakin ni Papa si Hibari. Nakuha pang makalabas ng bahay ni Hibari para humingi ng tulong. Saktong pagdating ni Kuya galing sa trabaho...nakita niyang nakahandusay na sa sahig si Hibari kaya siya kasama ng mga kapitbahay ang nagsugod sa kanya sa ospital...matapos nun...ay bumalik si Kuya sa bahay...at dun niya...at dun niya sinaksak ng ilang beses si Papa...Napakasakit Lhayne...sobrang sakit...kung kailan handa na akong patawarin si Papa...ay saka pa sila nawala..." at mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Gulat na gulat ako sa mga nalaman ko. Agad nagflashback sa isip ko ang pangalang Hibari Hanayashi maging ang babaing binugbog at sinaksak na malakas ang kutob kong yun si Hibari. 

Niyakap ko na lang si Emilbona at dinamayan sa kanyang kalungkutan. Habang si Pete naman ay nakipag-ugnayan na sa pamunuan ng ospital upang kunin ang bangkay ng tatay ni Emilbona. Ako na ang bahalang magbigay ng disenteng burol at libing sa kanyang ama.

"Nasaan na ang Kuya mo...nadakip na ba siya ng pulisya?" ang tanong ko pa sa kanya.

"Kusa siyang sumuko sa pulisya kanina." ang sabi niya.

"Mabuti naman at naisip niya yun." 

 

"Pero naguguluhan na naman ang isip ko Lhayne. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa Kuya ko, kung kasusuklaman ko ba siya o kung hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa tatay namin. Ayoko nang madagdagan pa ang suklam na nararamdaman ng kalooban ko. Ayoko nang magdusa pa sa bigat ng pinapasan ko. Ayoko nang magulo pa ang isip ko. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?" ang naguguluhan nang tanong ni Emilbona sa akin.

"Lumapit ka lang sa Kanya at ika'y kanyang matutulungan. Magdasal ka. Makipag-usap ka sa Kanya at ilabas mo ang lahat ng hinanakit mo sa buhay. Hindi tamang magalit ka sa Kuya mo dahil kadugo mo pa rin siya. At hindi rin tamang kimkimin mo na lang panghabambuhay ang poot sa puso mo. Ilabas mo ang lahat ng hinanakit mo sa Kanya at tiyak na ika'y Kanyang matutulungan." at tumayo na ako. "Mamaya, may staffs na ng funeral home ang kukuha ang bangkay ng tatay mo at aayusin na nila yun at ilalagay sa Arlington Chapel. Wag ka nang mag-alala sa gagastusin mo, nabayaran ko na ang funeral home kanina. Kaya ipanatag mo na lang ang loob mo. Siya ang gawin mong sandigan sa mga panahong ito at tiyak na matutulungan ka Niya." ang sabi ko pa. "Sige, aalis na ako. Magkita na lang tayo bukas sa Arlington Chapel." at hinagkan ko siya sa kanyang noo bago kami tuluyang makalabas ng ospital.

Sana, tuluyan nang makamit ni Emilbona ang kapayapaang matagal na niyang hinahangad na makamit.

J.4.R.G's (Just 4 Real Girls) (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon