Inuyasha (FANFICTION TAGALOG EPISODE) * Ang Pag-ibig ng Dalagang si Rin

904 14 6
                                    

-> Makalipas ng pitong taon matapos ang pagkatalo ni Naraku. Namuhay ng tahimik ang mga tao sa kani-kanilang mga nayon. Gayundin si Kaede ang matandang babaylan at si Rin na ngayo'y dalaga na.

SAMANTALA...

Umiinom ng tsaa si Rin ng biglang dumating si Jaken na may dala-dalang mga damit. Tila'y pagod na pagod sya

"Jaken! Dumalaw ka!"

Sabay nya itong niyakap ng mahigpit.

"Bitiwan mo ko! Hangal ka talaga Rin!"

Binitawan nya si Jaken at sabay sabing:

"Pasensya na... Masaya lang kase ako ngayon."

"Oh heto... Pinapabigay ni Panginoong Sesshomaru. Bakit kase ako lagi ung inuutusan na maghatid ng mga pambabaeng damit."

"Salamat..! Ang gaganda ng mga ito..!" sabi ni Rin

"Pasalamat ka dahil hindi ka parin nya kinalimutan."

"Teka.., asaan na pala sya? Bakit hindi nya ako dinadalaw..?"

"Ano ka ba! Laging abala si Panginoong Sesshomaru sa kanya paglalakbay.! Sapat na nadinadalhan ka nya ng mga regalo!" sabi ni Jaken

Nalungkot si Rin sa kanyang mga nasambit.

"Ganun ba..."

"Oo., kaya aalis nako. Baka kailangan nako ni Panginoong Sesshomaru."

"Mag-iingat ka lagi ha.. Jaken."

At umalis na si Jaken para humabol sa kanyang Panginoon.,

> Batid ni Rin na hindi na nya makikita si Sesshomaru dahil sa abala sa paglalakbay.

"Kailan po kita makikita?"

Dumating si Kaede para yayain si Rin na kumain na ng pananghalian

"Rin kumain kana.."

Sabay tumayo si Rin para alalayan ang matanda

"Tandang Kaede... Baka sumakit po yung mga tuhod nyo.."

"Ano ka ba? Malakas pa ako kahit may edad na.. Kumain kana dun."

"Opo." sabi ni Rin

"Linisin mo narin ung pinagkainan mo ha..."

"Opo..."

Pagkatapos kumain at maglinis si Rin...

Balak nyang sukatin ang isa sa mga damit na binigay sakanya...

"Ang gaganda naman ng mga ito..."

"Galing nanaman ba kay Sesshomaru ang mga iyan?" tanong ni Kaede

"Opo..." sabi ni Rin

"Talagang hindi ka nya kinakalimutan.."

"Bagay po ba saken ang mga ito?" tanong ni Rin

"Bakit hindi mo sukatin para malaman natin.."

Umalis si Rin upang sukatin ang damit...

SAMANTALA...

Isang binata ang patungo sa tahanan ni Rin.. At siya ay si Yakotsu.

Isa sa mga magagaling na monghe sa isang nayon. na kaibigan ni Miroku at ni Rin.

balak na niyang ipagtapat ang kanyang lihim na pag-irog sa dalaga..

"Kaya ko ito..."

hanggang sa nakarating na sa pakay nya.

"Magandang araw po. Tandang Kaede."

"Magandang araw din.. Buti na padalaw ka..?"

"Gusto ko lang pong yayain si Rin eh kaso lang mukang umalis sya. Baka bukas nalang po..."

"Bakit hindi mo sya hintayin..? At mag-usap tungkol dito.." sabi ni Kaede

"Hindi na po ako magtatagal dahil may pupuntahan po ako... Dadalawin ko nalang sya mamayang gabi..." sabi ni Yakotsu

"Osige... Mag-iingat ka.."

Umalis na ang binata para gawin ang kanyang serbisyo sa ibang nayon.

"Bakit naman kase antagal ng batang iyon.." sabi ni Kaede

Dumating na si Rin sa pagkatagal-tagal nya.

"Pasensya na kung matagal ako. Ang hirap kaseng ayusin itong damit eh.. Pero maganda naman po diba?"

"Oo... kaganina pumunta dito si Yakotsu., pero pupuntahan ka nalang niya mamayang gabi..."

"Osige po.. Hihintayin ko nlang sya..." sabi ni Rin

> NG GABING IYON...

Matiyagang nahihintay si Rin para kay Yakotsu

"Anu kaya ung sasabihin nya?"

tumingala sya at napamangha sa kanyang nakitang mga bituin at lalo na sa asul na buwan. na parang kahawig sa noo ni Sesshomaru..

"Parang ung nakaguhit sa noo ni Panginoong Sesshomaru... Kamusta na kaya sya? Gusto na siyang makita."

Habang nakatanaw sa langit si Rin. May biglang tumawag sa kanyang pangalan.

"Rin..."

Lumingon si Rin at nasupresa sa kanyang nakita..

"Panginoong Sesshomaru?!"

Sa sobrang saya napatakbo sya sakanya at napayakap ng mahigpit.

"Napakasaya ko't dinalaw nyo po ako..."

Napatigil sa bigla si Sesshomaru. Dahil sa ngayon lang may yumakap sakanyang babae. Hanggang sa napahawak narin sya sa kanya..

"Rin... Malaki kana."

Nakangiti sya sa kay Rin. Ang ngiting madalang lang makita sa kanya.

"Sana hindi po ito panaginip." sabi ni Rin

"Hindi..."

Hinawakan ni Sesshomaru ang mukha ni Rin. Dahil sya'y ibang-iba na.

SAMANTALA...

Papunta na ang binatang monghe na si Yakotsu para kausapin si Rin.. Sabik na sabik syang makita ang dalaga.

"Rin papunta nako dyan..."

hanggang sa marating na niya ang tahanan ni Rin. Pero napatigil sya ng makita nyang may kasama sya..

Sa halip, ay nagtago upang mapakinggan ang pinag-uusapan nila

"Sino kaya ang lalaking iyon..? Kaano-ano kaya sya ni Rin?"

nakita rin ng monghe kung papaano sya humawak kay Rin.. Gayun paman ay may kirot sa kanyang damdamin.

"Mukang hindi sya pangkaraniwan..."

Habang nakatago ang monghe..

Balak na ng magpaalam si Sesshomaru kay Rin

"Aalis nako...''

"Mag-iingat po kayo... Panginoong Sesshomaru. Hanggang sa muli."

Umalis at nagpatuloy ulit na maglakbay si Sesshomaru.

Sa sobrang saya ni Rin. Hindi nya mapigilang mapaluha.

Samantala.. Napansin ni Yakotsu ang saya ni Rin. Tuwing kasama nya ang misteryosong lalaki..

"Sino ba talaga sya...?"

**

Inuyasha (FANFICTION TAGALOG EPISODE)  * Ang Pag-ibig ng Dalagang si RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon