* Ang Pagkapighati

308 6 1
                                    

-> Nag-aanyaya si Yakotsu kay Rin na lumabas. Subalit naisip nya na baka hindi sya payagan ni Kaede.

" Pero..."

" Sumama kana sa kanya..." sabi ni Kaede

" Maraming salamat po.. Tandang Kaede." sabi ni Yakotsu

" Huwag lang kayong magpapagabi.."

" Halika na Rin..."

"ah... Sige.."

Umalis sila at pupuntahan ang sinasabing magandang lugar.

SAMANTALA...

Naglalakbay si Sesshomaru kasama ang kanyang katiwalang si Jaken at ang alagang dragon na si A-Un. Biglang napatanong si Jaken

" Panginoong Sesshomaru.. Huwag po sana kayong magalit sa itatanong ko."

" Ano iyon Jaken?"

" Ah... Kase si Rin. Nagtanong po siya sa akin na kailan nyo po sya dadalawin."

Hindi sumagot si Sesshomaru dahil nadalaw na nya si Rin ng hindi alam ni Jaken.

" Tara na Jaken."

Wala na ng magagawa si Jaken kung ayaw niya itong sagutin. Kaya nanahimik nalang.

Papadaan sila sa isang lugar na mabulaklak kung saan ang nasabing magandang lugar ni Yakotsu.

SAMANTALA...

Narating na nila Yakotsu at Rin ang mabulaklak na lugar.

"Ang ganda naman dito!" sabi ni Rin

"Sabi ko na nga ba at magugustuhan mo."

Pero napamiliar ni Rin ang lugar. Hanggang sa na-alala nya na dito sya naglalaro nung bata pa siya. Biglang nalungkot sa pangungulila si Rin.

" Oh. Bakit bigla kang nalungkot? Rin."

" Wala.. May na-alala lang... Pero nagustuhan ko." sabi ni Rin

" Para hindi ka lumungkot.. May ibibigay ako sayo."

Nilagay ni Yakotsu ang bulaklak sa kanya tenga.

" Ayan.. Ang ganda mo na Rin. Kaya wag kang malungkot dahil nandito lang ako para sa iyo.."

Sabay niyang hinawakan ang mga kamay ni Rin.

nagulat ang dalaga sa kanyang mga nasambit. At biglang lumakas ang kanyang damdamin.

"Rin... May sasabihin ako sa iyo."

" Ano iyon..?"

" Matagal ko na itong gustong sabihin sayo... Rin Mahal kita nung una kitang makilala. May lihim akong pag-irog sayo kaya kung mamarapatin mo sana na ipakita ko sayo ang aking pagmamahal.. Bigyan mo sana ako ng pagkakataon.."

" Yakotsu.."

Ang pagtitig ng binata ay nagpapahiwatig ng pagseryoso sa kanyang pag-ibig sa kanya. Tila'y hindi makapagsalita si Rin sa kanyang pagkagulat.

Habang sila'y nag-uusap ay may nakakita na sa kanila at yun si Sesshomaru. Sa halip ay di siya nagpakita sa kanila. Nakikita sa kanyang mga mata na may nararamdaman syang kirot. Pero hindi nya ito pinapakita

" Tara na Jaken.."

" Panginoong Sesshomaru. Akala ko po ba dito tayo dadaan?"

" Huwag kang sumunod kung ayaw mo!"

Nagtataka si Jaken kung bakit biglang uminit ang kanyang ulo. Tinignan na nya rin kung ano ang ikinagalit nya.. At nakita nya si Rin na may kasamang lalake

" Si Rin! Hangal talaga sya..! Pero bakit nagalit si Panginoong Sesshomaru? Hindi kaya nagseselos sya? Sabagay, napamahal na si Rin sakanya simula nung bata pa siya."

Napansin ni Jaken na naiwan na siya

" Teka! Panginoong Sesshomaru, Hintay!"

Tumakbo sya upang habulin si Sesshomaru.

Nag-iba sila ng dadaanan dahil sa nakita nya.

SAMANTALA..

Sinimulan na ni Yakotsu ang panliligaw sa dalagang si Rin. Ngunit parang may bumabagabag sa kaniyang isipan.

" Matatanggap mo ba ako bilang iyong kasintahan?"

" Ah... Yakotsu, pwede mo bang.. Bigyan mo muna ako ng oras para makapag-isip."

" Osige., handa akong maghintay kahit gaano katagal."

" Salamat.,"

" Halika na at ihahatid nakita pauwi.."

Kinuha nya ang kamay ni Rin para ihatid na sya sa kanyang tahanan.

Hanggang sa makarating na sila.

" Aalis na ko. Rin Salamat sa inilaan mong oras."

" Sige.. Mag-iingat ka."

Umalis na ang binata para makapag-pahinga.

" hay..."

Biglang tumawag si Kaede

" Rin! Anjan ka naba?! Halika dito.!"

" Opo.."

Pumasok na sa bahay si Rin.

" Ano po iyon?"

" Rin, Pumunta si Sesshomaru dito para ibigay ang damit at botas na ito.."

" Pumunta sya dito?!"

Nalungkot si Rin dahil pakiramdam nya ay sinayang niya ang pagkakataon na makita muli si Sesshomaru. Gayun paman ay itinago nalang nya ang kanyang naramdaman

" Ang gaganda ng mga ito..." sabi ni Rin

" itago mo na iyan sa iyong lalagyanan.."

" Opo..."

Tumayo si Rin at pumunta sa kwarto upang ilagay ito sa kanyang lalagyan. Habang sya'y nagtutupi ay nakaramdam siya ng pighati.

" Sana masilayan kita muli.."

dahil sa lungkot ay lumuha ng konti ang kanyang mga mata.

" Siguro.. Talagang gusto na kita. Pero baka maging impossible."

Talagang nahulog na ang loob ni Rin kay Sesshomaru dahil sa yakap at sa kabaitan na ipinakita nya sakanya.

Tatanggapin naman kaya niya ang pagmamahal ni Yakotsu kung may gusto na siya iba?

****

Inuyasha (FANFICTION TAGALOG EPISODE)  * Ang Pag-ibig ng Dalagang si RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon