* Ang Pagkasawi

302 4 2
                                    

-> Nang malaman ni Jaken ang sikreto ni Rin ay nagulat siya.

" Ano Rin?! Gusto mo si Panginoong Sesshomaru?!"

" Jaken mangako ka sa akin na huwag mo itong sasabihin sa kanya."

" Pero.. Paano nangyari iyon?" tanong ni Jaken

" Kailangan pa bang malaman mo iyan? Hindi na ako isang bata na dati mong kasama. Malaki na ako at iba na ang pananaw ko."

Dahil sa kanyang mga sinabi ay tumawa ng malakas si Jaken.

" Anong nakakatawa?"

" Alam mo Rin, impossible na magkagusto sa iyo si Panginoong Sesshomaru. Wala siyang panahon sa mga ganyang bagay. Hahaha!" sabi ni Jaken

Mukang nalungkot na napahiya si Rin dahil sa kanyang mga sinabi.

" Hindi totoo yan! Tao rin si Panginoong Sesshomaru!" sabi ni Rin

" Oo nga tao siya. Pero hindi mo alam ang tunay na anyo niya! Hahahaha."

" Tumigil ka na sa kakatawa Jaken! Nakakainis kana!"

Pero patuloy pang tumatawa si Jaken. Hanggang sa nainis si Rin at hinampas ang isda sa kanyang mukha.

" Nakaka-inis ka Jaken! Palibhasa kasi ay wala kang alam sa mga nararamdaman ng mga tao!! Kaya diyan kana!!"

Iniwan ni Rin si Jaken ng mag-isa dahil sa kanyang pang-iinsulto.

SAMANTALA...

Papa-alis na sila Inuyasha at Kagome.

" Salamat po sa halamang gamot aalis na po kami Tandang Kaede."

" Sige., mag-iingat kayo."

Nadatnan nilang dumating si Rin.

" Kamusta ka na Rin?"

" Ate Kagome. Ayos lang ako"

" Anlaki mo na ngayon ah. Isa ka ng ganap na dalaga." sabi ni Kagome

" Salamat.."

" Osige., mauna na kami ha."

" Ate Kagome... Paminsan-minsan bumisita ka ha. meron kase akong... sasabihin sa iyo." sabi ni Rin

Naghinala si Kagome sa kanyang sinabi.

" Osige..."

At umalis na sila para ihatid ang halamang gamot.

" Rin saan ka ba nang galing ha?"

" Patawad po kung hindi po ako nakapag-paalam sa inyo." sabi ni Rin

" Hay nako.. sa susunod magpaalam ka muna bago lumisan." sabi ni Kaede

" Opo.."

" Sige., pumasok ka na dun at magpahinga."

At pumasok na si Rin sa kanyang tahanan.

-> NANG GABI NA..

Nagluluto si Kaede ng hapunan.

" Rin kumuha ka ng mga konting gulay sa pananim."

" Opo.."

Lumabas si Rin para pumitas ng konting gulay sa pananim. Hanggang sa nakakuha na siya.

" Ayos na siguro ang mga ito."

Pero parang may narinig si Rin banda sa kakahuyan.

" Sino iyan?!"

Biglang nagsulputan ang mga misteryosong galamay at sabay pinalupot ang leeg ni Rin.

" Ah.."

Hindi siya makasigaw dahil sa pagpisil sa kanya. At hindi nagtagal tahimik na nadukot ang dalaga.

Habang naghihintay si Kaede sa kanyang pagkatagal-tagal niyang bumalik

" Bakit antagal nya.?"

Lumabas siya para tignan si Rin. Hanggang sa nakita nya ang mga nangahulog na gulay.

" Naku po.. Parang may dumukot sa kanya."

Humingi na ng tulong si Kaede sa mga taga-nayon para hanapin si Rin.

SAMANTALA...

Nagising si Rin na nakabihag sa kamay ng isang halimaw.

" Ah..! Ung sugat ko!"

Tila'y tinamaan ang malaking sugat sa kanyang palad. Imbis na gumaling ay lumala na.

" Sino kang halimaw ka?!"

" Hindi mo na kailangan pang malaman babae..! Dahil ikaw ang pa-in ko sa hangal na si Sesshomaru dahil sa pagpaslang sa aking mga alagad..!"

" Kaya niya ginawa iyon dahil masama ka!" sabi ni Rin

" Naaamoy ko na malapit ka sa kanya!"

" Alam kong ililigtas ako ni Panginoong Sesshomaru!" sabi ni Rin

" Tignan na lang natin.."

Biglang may nagwasiwas ng hiwa sa halimaw

" Ah!!"

Ang hiwang iyon ay galing sa Tensaiga ni Sesshomaru.

" Dumating ka na palang hangal ka! Heto ang nararapat sa iyo!"

Ginamit niya ang kanyang galamay para saksakin si Sesshomaru. Ngunit mabilis niyang iniwas ito at iniwasiwas ng malakas ang kanyang tensaiga.

" Ahh!!"

Naglaho ang halimaw sa lakas ng paghiwa sakanya.

" Maraming Salamat Panginoong Sesshomaru.." sabi ni Rin

Ngunit tila'y galit si Sesshomaru sa kanya.

" Rin! Nakaka-istorbo ka na."

Nagulat si Rin sa kanyang isinambit

" Bakit po?"

" Mabuti pang umuwi ka na sa inyo!"

" Panginoong Sesshomaru! Sandali.!" sigaw ni Rin

Papa-layo na si Sesshomaru para umalis.

" Sandali lang po! May gusto akong sabihin sa iyo! Sandali lang po!"

Pero patuloy pa rin syang papalayo.

" Sandali lang po!

Pakiusap...!"

Hanggang sa isinigaw nya ito.

" Nais kong malaman mo na gusto kita..!"

Napatigil si Sesshomaru sa paglalakad dahil sa kanyang narinig.

" Gusto kong malaman mo ito dahil bigla ko na lang itong naramdaman..!" sabi ni Rin

" Rin ipapa-alam ko sa iyo ito na.. Wala akong gusto sa iyo, Wala akong panahon para sa iyo. Isang kahangalan ang nararamdaman... Huwag ka ng umasa pa.. Mabuti pang umuwi kana sa inyo."

Umalis na si Sesshomaru Upang maglakbay.

Tila'y nasaktan si Rin sa kanyang mga narinig na masasakit na salita. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Jaken sa kanya.

" Tama si Jaken... Dapat ko ng tigilan ang pangangarap sa kanya.. Mali ang damdaming ito..."

Naglakad ng mag-isa si Rin para umuwi hanggang sa pumatak ang ulan at nabasa..

Biglang nanghihina

at nahihilo hanggang si Rin ay nawalan ng malay.

****

Inuyasha (FANFICTION TAGALOG EPISODE)  * Ang Pag-ibig ng Dalagang si RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon