* Ang Pangako

340 11 7
                                    

-> Matapos napuksa si Suwikome ay napawi na ang mga takot ng ibang mga babae sa nayon. Ginawa na rin ni Miroku ang pagbasbas sa mga kaluluwa ng mga babaeng biktima ni Suwikome.

SAMANTALA...

Papaalis na sila Inuyasha at Kagome pagkatapos nilang magpalipas ng araw.

" Aalis na po kami Tandang Kaede. Maraming Salamat po sa lahat." sabi ni Kagome

" Sige mag-iingat kayo."

" Opo."

" Maiwan ko na kayo dahil meron pa akong gagawin." sabi ni Kaede

Pagkatapos ay si Rin naman ang magpapaalam sa kanila.

" Paalam Ate Kagome..."

" Sige ingat ka lagi ha.. "

" Oo.."

" Alagaan mo narin ang tagapagligtas mong si Sesshomaru." sabi ni Kagome

Nagulat si Rin sa kanyang sinabi

" Mukang malabo ang gusto mong mangyari."

" Hindi noh. Wag kang mawalan ng pag-asa.. Baka malay mo gusto ka na niya."

Alam na ni Kagome na gusto na ni Sesshomaru si Rin. Dahil siya lang ang nakasira sa isinumpang harang.

" Ah.. Salamat sa payo."

" Hoy! Pagkatagal-tagal naman ang pinag-uusapan nyong dalawa!" sabi ni Inuyasha

" Sige aalis na kami Rin. Dahil nagmamadali na itong kasama ko. Ihahatid niya kase ako pauwi sa amin." sabi ni Kagome

" Paminsan-minsan dumalaw ka ha.. Ate Kagome."

" haha... Sige."

Umalis na sila Inuyasha at Kagome.

" Kailangan ko na palang mag-laba.."

Sinimulan na ni Rin ang pag-lalaba sa kanyang mga damit na nabahiran ng dugo at putik. Habang ginagawa niya ito ay bigla siyang napa-isip tungkol sa sunod-sunod na trahedya na nangyari sa kanya.

" Sadyang malas ako."

Pagkatapos niyang mag-laba ay nagkusa siyang naglinis para makabayad kay Kaede. Tapos maglinis ay nagpahinga na siya sa labas para magpahangin.

" Pupunta kaya si Jaken?"

Maiging naghintay si Rin kung may darating sa kanya. Hanggang sa gabi na at sumapit ang asul na buwan.

" Baka abala sila sa paglalakbay.."

Tumingala si Rin sa langit at nakita ang asul na buwan. Na-alala niya pagkikita nila ni Sesshomaru.

" Baka may nakalaang iba para sa akin.."

Pakiramdam ni Rin na parang gusto na niyang isuko ang pag-ibig na imposibleng mangyari.

> NANG LUMIPAS ANG PITONG LINGGO..

Naghintay ulit ng maigi si Rin kung may darating para sakanya. Hanggang sa mag-gagabi na ay wala parin.

" Kamusta na kaya sila?"

Tinawag ni Kaede si Rin para maghapunan

" Rin! Halika na't kumain kana dito."

" Opo.."

Tumayo si Rin para saluhan ng kumain si Kaede.

" Mukang hindi na yata dumadalaw si Jaken.?" tanong ni Kaede

" Opo.. Parang abala sila."

Nalungkot si Rin dahil hindi na sila nagpakita ng pitong linggo.

> NANG UMAGA NA..

Tinigilan na lang ni Rin ang pag-hihintay. At naisipan na lang na pumunta sa mabulaklak na lugar para magpaalam sa kanila. Isinigaw niya ito

" Jaken! Paalam na! Maraming salamat dahil nakikila ko kayong dalawa ni A-Un! Pinasaya niyo ang buhay ko dahil nakasama ko kayo! Salamat...! Salamat...! Hindi ko kayo makakalimutan!"

Hindi niya napigalang lumuha dahil sa pamamaalam sa kanila.

" Panginoong Sesshomaru! Maraming salamat dahil naging parte ka ng buhay ko! Salamat sa lagi mong pagligtas sa akin! Salamat sa lahat ng ginawa mo para mapasaya lang ako! Nakakalungkot mang sabihin pero paalam na sa inyo! Mananatili parin ang pag-ibig ko sa iyo! Mahal na mahal kita! At hindi ko bibitawan iyon kahit anung manyari! Hinding hindi kita makakalimutan!"

Tinakpan niya ang kanyang mukha dahil sa kanyang pag-iyak. Sobrang nalumbay si Rin dahil sa kanyang pagpapaalam.

Habang siya'y umiiyak ay may tumawag sa kanya.

" Rin..."

Lumingon si Rin sa likod. Nagulat siya dahil si Sesshomaru.

" Bakit ka umiiyak...?"

Hindi makapagsalita si Rin dahil malamang ay narinig niya ang kanyang pag-papaalam.

" May problema ba...?" tanong ni Sesshomaru

" A...akala ko wala na... kayo."

Bigla niyang niyakap ang dalaga. Na tila'y pinapagaan niya ang kanyang nalulungkot na puso.

Nagulat si Rin sa kanyang ginawa.

" Wag ka nang umiyak..." sabi ni Sesshomaru

" ...Totoo.. ba ito?"

Hinarap ni Sesshomaru si Rin at pinunas ang kanyang mga luha.

" Wag ka nang malungkot... Dahil ako na ang magpoprotekta sa iyo kailanman. Pangako... Dahil importante ka sa akin."

Pinagmasdan ni Rin ang kanyang mga mata na seryosong tutuparin niya ang kanyang pangako.

" Salamat..."

Kinuha ni Sesshomaru sa kanyang mahabang manggas ang isang kwintas na hugis buwan. Isinuot niya ito kay Rin.

" Para sa iyo..."

" Ang ganda.. Iingatan ko ito." sabi ni Rin

Hinalikan ni Sesshomaru ang kanyang noo at ngumiti sakanya. Dahil ito na ang simula ng kanyang unang pag-ibig kay Rin.

****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inuyasha (FANFICTION TAGALOG EPISODE)  * Ang Pag-ibig ng Dalagang si RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon