-> Nang mahipnotismo si Rin. Ay nag-iba ang kanyang kilos.
" Maghintay ka lang aking Reyna. Pagkalipas ng tatlong araw ay bukas na ang lagusan papunta sa kaharian. Hintayin mo lang ako." sabi ni Suwikome
" Sige aking mahal.."
Tila'y mahigpit ang pagkaka-hipnotismo ni Suwikome sa isip ni Rin
NANG MAG-UMAGA NA..
Ibang-iba ang kilos ni Rin kaysa dati. At sinabi niya pa ng biglaan na nakapag-desisyon na siyang ikasal kay Yakotsu.
" Ano? Mukang biglaan naman yata niyan.. Pinag-isipan mo na ba iyan ng ma igi?"
" Oo.."
Ngumiti si Rin ng parang may masamang balak. Napansin ni Kaede ang kanyang kakaibang kilos.
" Kung iyan ang gusto mo ay hindi na kita pipigilan. Dahil malaki ka na." sabi ni Kaede
" Sa pagpatak ng tatlong araw ay magiging reyna na ako."
" Reyna?"
" Oo., Kaede."
Lumabas si Rin para dalawin si Suwikome.
" Sandali., saan ka pupunta?"
Hindi pinansin ni Rin ang kanyang tanong at tuloy-tuloy siyang umalis.
Biglang napa-isip si Kaede sa kanyang mga kilos.
" Mukang may mali dito. At parang may naaamoy akong insenso sa kanya."
Naghinala na siya na parang may naghipnotismo sa kanya.
SAMANTALA...
Papunta na si Jaken sa tahanan ni Rin na may dala-dalang mga gamit para sa dalaga. Hanggang sa nakarating na siya.
" Rin! May dala ako para sa iyo!"
Pero wala ang kanyang pakay. At si Kaede lang ang nariyan.
" Mukang wala yata si Rin."
" Umalis sya para maghanda sa kanyang nalalapit na kasal." sabi ni Kaede
" Ano?! Ikakasal na si Rin?!"
" Oo. Pero parang may mali sa kanyang mga kinikilos."
" Pakibigay na lang itong mga gamit sa kanya. Galing ito kay Panginoong Sesshomaru." sabi ni Jaken
Inabot niya ang mga dala-dalang gamit kay Kaede para ibigay kay Rin at saka ito nagmadaling umalis.
SAMANTALA...
Bumisita sila Inuyasha at Kagome sa bahay nil Miroku at Sango.
" Inuyasha., Kagome. Salamat at dumalaw kayo." sabi ni Miroku
" Si Kagome ang gusto dumalaw nuh." sabi ni Inuyasha
" Wag mo na lang syang pansinin Miroku. Matagal ng ganyan iyan. Diba?" sabi ni Kagome
" Halina't tuloy kayo."
Pumasok sila Inuyasha at Kagome sa tahanan ni Miroku. Nandiyan rin ang kanyang mga anak na kambal.
" Yung aso natin!"
" Eto nanaman ang mga anak ni Miroku." sabi ni Inuyasha
Piningot ng mga bata ang kanyang mga tainga. Ginagawa nila ito tuwing dumadalaw si Inuyasha.
" Nakaka-asar ang mga anak mo. Miroku."
" Pagpasensyahan
mo na lang sila. Ganyan talaga ang mga bata. Huwag kang mag-alala dahil maiintindihan mo rin pag nagka-anak kayo ni Kagome."
Nagulat ang dalawa sa nabanggit ni Miroku.
" Hoy Miroku! Ano ba ang sinasabi mo diyan?!" sabi ni Inuyasha
Tumawa ang lahat dahil sa kanyang reaksyon.
" Bakit? Pwede naman kayo sa isa't-isa." sabi ni Sango
" Heh! Kahit kailan hindi ako magkakagusto kay Kagome noh." sabi ni Inuyasha
Biglang nainis si Kagome sa kanyang sinabi.
" Inuyasha dumapa ka!"
" Aray!"
Tumawa ang mga anak ni Miroku sa kanya.
SAMANTALA...
Naglalakbay parin si Sesshomaru. Hanggang sa dumating na si Jaken.
" Panginoong Sesshomaru narito na po ako."
Biglang napatanong si Sesshomaru sa kanya.
" Kamusta na si Rin?"
Nagulat si Jaken sa kanyang tanong.
" Mabuti na ang kanyang lagay Panginoon. At nabalitaan ko na ikakasal na siya pagkalipas ng tatlong araw."
Nabigla siya sa kanyang mga sinabi pero hindi niya ito ipinapakita. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nagalit.
" Hmm., pabayaan mo siya kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya."
Nagpatuloy uli siya sa paglalakad. Ramdam ni Jaken na nagseselos siya at iba na ang kanyang reaksyon.
" Hintay Panginoong Sesshomaru!"
SAMANTALA...
Salu-salong kumakain sila Inuyasha at ang kanyang mga kasama.
" Hinay-hinay lang." sabi ni Kagome
Malakas kumain si Inuyasha dahil nagustuhan niya ang niluto ni Sango.
" Ang sarap ng niluto mo Sango." sabi ni Kagome
" Ah.. Salamat sa papuri. Itinuro lang iyan ni Rin sa akin."
" Tinuruan ka ng alaga ni Sesshomaru..?" tanong ni Inuyasha
" Oo.."
" Siya nga pala, Kamusta na siya?" tanong ni Kagome
" Ayos lang siya."
> NANG GABI NA..
Malakas ang hangin sa labas at nagpapahangin na si Rin. Biglang sumakit ang ulo niya dahil pilit na nilalabanan ang matalik na paghipnotismo ni Suwikome pero hindi niya ito mapipigilan.
Malalabanan niya kaya ang matinding hipnotismo ni Suwikome bago sumapit ang hindi inaasahang kasal?
****