-> Nang mawalan ng malay si Rin sa gubat. Ay may nakakita sa kanya at iyon ang mga taga-nayon ni Kaede.
" Mga Kasama! Natagpuan ko na ang apo ni Kaede! Gumising ka iha.. Gumising ka.."
Binuhat niya ang dalaga at nagmadali silang dalhin sa kanyang tahanan hanggang sa marating na nila ang bahay ni Kaede.
" Kaede! Natagpuan na namin siya at tila'y nag-aapoy siya sa lagnat."
" Ihiga nyo siya dito!" sabi ni Kaede
Ibinaba niya si Rin sa higaan.
" Maraming Salamat. Dahil natagpuan ninyo siya." sabi ni Kaede
" Walang pong anuman Kaede. Maiwan na namin kayo at sana'y mapagaling mo ang batang iyan."
Umalis na ang mga tumulong sa paghahanap.
Inalis ni Kaede ang basang suot ni Rin at pinalitan ng tuyong kimono.
Nakita rin nya ang kanyang malalang sugat sa kanyang palad.
" Antigas kasi ng ulo mong bata ka. Bakit hindi ka naghanap ng gamot para dito."
Walang halamang gamot si Kaede para sa sugat.
" maghahanap na lang ako bukas."
Nilunasan at inalagaan ni Kaede si Rin nang magdamag.
SAMANTALA...
Sumilong muna si Sesshomaru sa isang kweba dahil sa lumalakas ang ulan. Bigla siyang napa-isip tungkol sa hindi sinasadyang pagkagalit kay Rin. sa kadahilanang hindi nanaman niya natutunan ang isang bagong kakayahan para sa Tensaiga na itinuro ni Ginoong Totosai. Lalakas pa sana ng lubusan ang Tensaiga kaysa sa Tesaiga ni Inuyasha. Ngunit dahil sa nanganganib na si Rin ay hindi na siya magdadalawang isip na iligtas siya. At iwan na ang kanyang pagsasanay. Dahil ganun ka-importante si Rin sa kanya.
> NANG UMAGA NA...
Tumigil na ang ulan. Gayundin ang
pagbaba ng lagnat ni Rin. Ngunit kailangan pang maghanap ng halamang gamot para sa kanyang sugat.
" Rin.. Maghahanap lang ako ng lunas para sa iyo."
Biglang dumating si Jaken at tamang-tama ang kanyang dating.
" Magandang araw. Aba! Tulog pa itong si Rin."
" Nagpapahinga siya dahil nagkalagnat siya kagabi." sabi ni Kaede
" Ano nagkalagnat siya!"
" Jaken kung maari sana ay ipanghanap mo siya ng halamang gamot para sa kanyang sugat." sabi ni Kaede
" Osige.,"
Nagmadaling umalis ulit si Jaken kahit pagod na ito.
Hanggang sa marating na niya ang kinaroroonan ng mga nakatagong halamang gamot para sa sugat.
" Kailangan ko ng marami."
habang siya'y pumipitas ay naalala niya ang kabutihan na ginawa ni Rin sa kanya. Nung panahong nalason siya at naghanap ng halamang gamot si Rin para sa kanya.
" Pwede na ito!"
Nagmadaling bumalik si Jaken sa tahanan ni Rin. Hanggang sa nakarating na siya.
" Heto na.,"
" Salamat Jaken."
Sinimulan na ni Kaede ang pagdurog sa halamang gamot at inilagay sa sugat ni Rin.
" Hayaan na muna nating siyang magpahinga."
" Mauna na ako. "
Sasabihin ni Jaken ang tungkol dito kay Sesshomaru.
Nalunasan na ang karamdaman ni Rin. Ngunit ang kanyang puso ay hindi parin.
SAMANTALA...
Nagpatuloy na sa paglalakbay si Sesshomaru. Hanggang sa madatnan niya si Jaken.
" Panginoon. Patawad po kung ngayon lang ako nakarating. Meron kasing sakit si Rin ngayon."
" Sakit?"
" Mayroon po siyang mataas na lagnat" sabi ni Jaken
Napatigil sa bigla si Sesshomaru pero hindi niya ito pinapakita. Naisip niya na masyado na siyang naging sakim para pagalitan si Rin.
" Panginoong Sesshomaru..? May problema ba?"
Bagama't hindi sya nagsalita ay nagpatuloy siyang naglakad.
Nag-alinlangan si Jaken kung kinalimutan na niya si Rin.
SAMANTALA...
Nagising na si Rin sa kanyang higaan. Pero kailangan na muna nyang mahiga dahil nahihilo pa ang kanyang pakiramdam
" Ang hirap naman palang magkasakit."
" Ayos na ba ang pakiramdam mo Rin?" tanong ni Kaede
" Opo... Salamat po sa pag-aalaga sa akin." sabi ni Rin
" Walang anuman."
" Pasensya na po sa aking pagkakasakit..."
" Sige na at magpahinga ka na.."
Dumalaw ang monghe na si Yakotsu.
" Magandang araw po."
" Batang monghe. Pumasok ka..." sabi ni Kaede
Nakita niya ang kalagayan ni Rin.
" Ayos ka lang ba Rin?"
" kakagaling palang niya sa sakit. Nilagnat siya kagabi.'' sabi ni Kaede
" Rin..."
Hinawakan niya ang noo ni Rin kung may lagnat pa ito.
" Bumaba na.. Salamat naman."
" Ayos lang ako.. Wag kang mag-alala."
" Ako na lang sana ang mag-aalaga sa iyo..." sabi ni Yakotsu
Naunawa ni Rin ang kanyang pag-aalala sa kanya.
" Ah.., tungkol nga pala sa halok mo.. pag-gumaling na ako.. Dun ko sasabihin ang pasya ko."
" Sige.. Nais ko mang alagaan ka kaso kailangan ko ng umalis dahil may gagawin pa ako. Pero hayaan mo. Babawi ako. Magpagaling ka ha..,"
" Salamat pero ayos lang ako. Mag-iingat ka ha.." sabi ni Rin
Umalis na ang monghe para ipagpatuloy ang kanyang gawain.
Papayag na kaya si Rin sa kanyang halok na Pag-ibig?
****