* Ang Tunay na Anyo

248 5 0
                                    

-> Magaling na sa karamdaman si Rin pagkalipas ng tatlong araw. At Ngayon bilang kabayaran sa pag-aalaga ni Kaede ay nagkusang maglinis si Rin sa buong bahay.

" Rin Wag masyadong magpapakapagod baka magkasinat ka..." sabi ni Kaede

" malakas na po ako. Wag po kayong mag-alala."

Hanggang sa tapos na si Rin sa paglilinis. Ay nagpahinga muna siya sa labas.

" Rin. Aalis muna ako para bibili ng mga isda sa ibang palengke."

" Ako na pong bibili Tandang Kaede. Tutal ay gusto ko rin pong maglakad-lakad ngayon." sabi ni Rin

" Hindi ko kasalan kapag nasinat ka ulit."

" Opo."

Pumunta si Rin sa ibang palengke para bumili ng mga isda. napamangha na rin sya ng makita niya ang naglalako ng mga magagandang kwintas.

" Ang gaganda naman ng mga ito!"

May nakita na rin syang kwintas na hugis buwan. Napa-alala bigla si Rin kay Sesshomaru.

" Ang ganda... Nakaka-alala ako dito sa kwintas na ito."

Kailangan na ng umalis ni Rin para Umuwi.

Habang sya'y naglalakad. Tila'y may mga taong nagkakagulo.

" Anung nangyayari dito.?"

Nagbabala ang isang lalake sa kanya.

" Naku binibini... Mag-iingat ka lagi dahil ang mga babae sa kabilang nayon ay nagsisiwalaan bigla."

" Bakit?!"

" Wala kaming ideya kung paano.. Gabi-gabi silang nawawala. Sinubukan na naming alamin pero bigo kami."

" Nakaka-pangilabot.." sabi ni Rin

" Oo kaya.. Mag-iingat ka."

" Sige po. Salamat sa inyong babala aalis na po ako.."

Nagmadaling umalis si Rin sa palengke. Dahil takot na siya ng malaman nya ang usap-usapan. dumaan siya sa kakahuyan. Isang mabisang daan para pauwi.

" Kung anu-ano ang nangyayari ngayon.."

Biglang nakakita ng bakas ng tsinelas si Rin.

" Saan kaya ito patutungo?"

Sinundan nya ang mga bakas hanggang sa makarating siya sa paanan ng bundok kung saan walang taong dumadaan dito.

" Wala naman pala.."

Hanggang sa nakita niya si Yakotsu na may kargang na naka-balot sa tela sa kanyang likod.

" Yakotsu.. Anung ginagawa niya dito??"

Hindi nagpahalata si Rin at minanman nya ito.

" Anu?!"

Ang laman ng tela ay isang patay na babae.

Tinakpan ni Rin ang kanyang bibig sa sobrang gulat dahil sa kanyang nakita.

" Halimaw..."

Nag-ibang anyo si Yakotsu at naging isang Diablo na napakahaba ng kanyang mga sungay at tatlo ang kanyang ulo. Ginamit niya ang kanyang mga pangil para higupin ang dugo ng kanyang biktima. Sa likod ng kanyang napaka-gwapong mukha ay isa pala siyang

halimaw sa likod ng misteryo sa mga nawawalang mga babae.

Dahil sa sobrang takot at gulat ay nataranta sa pagtakbo si Rin. Dali-dali siyang umalis ng gubat.

SAMANTALA...

Naghihintay si Kaede kay Rin. Tila'y nag-aalala sya para sa kanya.

" Ay.. Asaan na itong batang ito?"

Hanggang sa nakarating na si Rin at tila'y hingal na hingal siya.

" Oh Rin bakit ganyan ka kumilos? Para kang nakakita ng

kung ano?"

" Wala po talagang ganito po ako. Heto na po ang mga pinabibili nyo."

Nagpahinga muna si Rin at biglang napa-isip sa kanyang nakita. Hindi pala pangkaraniwang tao si Yakotsu.

> NANG GABI NA..

Nagpapahangin si Rin sa labas.

Hindi na rin siya nakaramdam ng takot. Ganito siya nung bata pa.

" Buti na lang.."

Dumating si Yakotsu para alamin ang kanyang sagot.

" Rin Kamusta.."

Nagulat si Rin na parang takot.

" Oh bakit Rin? Para kang nagulat? May problema ba?"

" Wala., wala.."

Papalayo siya sa kanya ngunit hinawakan ni Yakotsu ang kanyang braso.

" Anu bang problema Rin?"

" Bitiwan mo ako! Alam ko na ang lahat tungkol sa iyo." sabi ni Rin

" Anu bang sinasabi mo?"

" Ikaw pala ang dumudukot sa mga babae." sabi ni Rin

Nang marinig nya ang mga salitang iyon ay hinila niya ang kanyang braso.

" Bitiwan mo ako.!"

" kung nagpaplano kang humingi ng saklolo. Hindi ka magtatagumpay."

" Parang awa muna Yakotsu! Bitiwan mo ako!" sabi ni Rin

" Hindi ako si Yakotsu! Ako si Suwikome! Matagal ng patay ang monghe na iyon tatlong taon ng nakakalipas! Ginamit ko lang ang anyo niya para makapang-akit ng mga babae!"

" Bitiwan mo ako Diablo! Hintayin mo lang si Panginoong Sesshomaru dumating!" sabi ni Rin

" Hindi ka nya ililigtas dahil ayaw na niya sa iyo! simula pa nung sinabi mu ang nararamdaman mo sa kanya!" sabi ni Suwikome

" Paanong...?"

Ginamit ni Suwikome ang kanyang tungkod at hinipnotismo si Rin.

" Kailangan mong magpakasal saakin sa mundo ng mga diablo dahil ikaw ang napupusoan ko at ikaw ang napili kong maging reyna."

Tumalab ang hipnotismo ng Diablo kay Rin. Ang kanyang mga mata ay biglang nangitim

" Oo... At ikaw ang magiging asawa ko..."

Magtatagumpay kaya si Suwikome sa kanyang plano?

****

Inuyasha (FANFICTION TAGALOG EPISODE)  * Ang Pag-ibig ng Dalagang si RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon