-> NG UMAGANG IYON.
Pagkatapos diligan ni Rin ang mga halaman.. Pumunta siya sa labas upang magpahangin.
" ang ganda ng tanawin.."
Biglang sumakit ang kanyang sugat at tila'y namamaga na dahil sa nabasa ito.
" Itatago ko na lang ito."
binalutan na lang nya ito sa pinunit na lumang damit upang hindi ito makita ng sinuman.
" Ito'y bunga sa pagkataranta sa pag-ibig."
Biglang dumating si Jaken na may dala-dalang regalo para sakanya.
" Jaken...! "
" Hay.. Eto nanaman ako., maghahatid ng mga pambabaeng gamit."
" Anu ang mga iyan Jaken?" tanong ni Rin
" Mga gamit para sa iyo. Bigay iyan ni Panginoong Sesshomaru. "
" Ah..! Ang gaganda ng mga ito! Kasama mu ba sya? Para makapag-pasalamat naman ako sa kanya."
" Rin wala si Panginoong Sesshomaru ngayon." sabi ni Jaken
" Ganun ba... Eh sino ang kasama mo papunta dito?"
" Sinakay lang ako ni A-Un dito sa malayo mung bahay.."
" Si A-Un?! Gusto ko rin syang makita.. Pwede ba Jaken?" sabi ni Rin.
" Hindi pwede dahil aalis na kami."
Nang lumingo si Jaken ay wala na si Rin sa kinauupuan nya dahil dumiretso na sya para makita si A-Un ang dalawang ulong dragon.
" A-Un! Kamusta ka na? Matagal na tayong hindi nagkita ah.. Mukang lumaki ka pa lalo.. Gusto mo maglakad-lakad muna tayo?" sabi ni Rin
" Hoy Rin! Saan kayo pupunta?"
" Jaken gusto kong mamasyal kasama kayo.."
" Hindi..! Hangal ka talagang babae ka!" sabi ni Jaken
" Sige na Jaken.. Dati naman natin ginagawang mamasyal. Ngayon lang naman." sabi ni Rin
" Tumigil ka diyan..,"
" Ngayon lang naman.. Jaken. Sige na pumayag ka na.."
Mukang hindi matiis ni Jaken ang pangungulit ni Rin. Dati na nya rin itong ginagawa kay Jaken nung walong taong pa lamang sya.
" Hay naku Rin.., mukang wala na akong magagawa.."
" Salamat Jaken! Alam kong hindi mo ako matitiis eh."
" Hindi ka parin nagbabago. Tulad ka parin ng dati na makulit na bata..."
" A-Un ako muna ang magpapaligo sa iyo... Halika't pumunta tayo sa batis malapit lang iyon para doon na kita papaliguan.. "
" Sandali lang tayo ipangako mo iyan!" sabi ni Jaken
"Oo Tara na Jaken..."
Umalis na sila upang magtungo sa isang maliit na batis para paliguan si A-Un.
SAMANTALA...
May mga bisita si Kaede sa kanyang bahay at iyon sila Inuyasha at ang kanyang kasama na si Kagome.
" Tandang Kaede.. Kamusta na po? "
" oh.. Inuyasha, Kagome., mabuti naman at naparito kayo?"
" Nais ko po sanang makahingi ng halaman gamot para sa aking nakababatang kapatid. Mataas kasi ang kanyang lagnat kaya nagbaba-sakaling meron po kayo.." sabi ni Kagome
" Sandali lang tatawagin ko si Rin. Rin..! Rin..! Anjan ka ba? Sandali at hahanapin ko siya."
Lumabas si Kaede upang hanapin si Rin
" Mukang wala yata ang alaga ni Sesshomaru.." sabi ni Inuyasha
" Inuyasha.. Hindi nya alaga si Rin."
" Eh... Ano?"
Nag isip si Kagome kung ano ang relasyon nilang dalawa.. Ngunit mahirap itong isipin
" Ah... Eh.. Hindi ko alam."
" Teka..! Huwag mong sabihing..."
" Magkasintahan sila?"
" Heh! hindi ko akalaing may pakiramdam din pala ang hambog kong kapatid.." sabi ni Inuyasha
" Pwede naman.. Malaki na si Rin at hindi na sya bata.. Mahahalintulad lang sila kay Koga at Ayame."
" Hay nako., Wala na akong pakelam dun."
SAMANTALA...
Tapos nang paliguan ni Rin si A-Un
" Ayan., Siguro maaliwalas na ang pakiramdam mo A-Un. Hintayin na lang natin si Jaken. Baka may dala-dala syang mga isda. Nagugutom na kasi ako eh."
Biglang naalala ni Rin ang kanyang kanta nung sya'y naghihintay sa pagdating ni Sesshomaru. Hanggang sa kinanta nya ito..
" La. La.. La... Sa bundok, sa limuyak.. Sa gubat, sa panaginip.. Panginoong Sesshomaru asaan kana.. Kasama mo si Jaken na naglilingkod din sa iyo.. Maghihintay ako para sa iyo..."
Napangiti siya habang naalala ang mga masasayang araw.
" Kung naalala mo pa iyon A-Un kinakanta ko iyon habang hinihintay natin si Panginoong Sesshomaru... At hanggang ngayon naghihintay parin ako sakanya. Nakakahiya mang sabihin sa iyo pero gusto ko na siya.. Iba na ang turing ko sa kanya. Pwede naman iyon diba A-Un? Malaki na ako at hindi ako bata.. Sikreto lang natin iyon ha..."
Pero ang sikreto ni Rin ay unti ng nabunyag dahil hindi inaasahang maririnig ito ni Jaken.
" Ano Rin?! Gusto mo si Panginoong Sesshomaru?"
" Jaken?!"
Nagulat si Rin dahil narinig ni Jaken ang kanyang lihim na pagtingin kay Sesshomaru. Sasabihin kaya ito ni Jaken sa kanyang panginoon?
****