* Ang Huling Pagsubok

258 5 2
                                    

-> NANG MAGSIMULA ANG PAGHAHASIK NG LAGIM NI SUWIKOME...

Nagsimulang mangidlat ang kalangitan at bumukas na ang lagusan ng mga diablo.

" Hahaha! Wag na kayong magtangkang pumigil sa aking plano! Wala na kayong magagawa isasama ko na ang babaeng ito!"

Pero biglang nabasag ang pulang cristal sa kanyang katawan at nagising sa pagkaka-hipnotismo si Rin.

" Ah! Hindi maari ito!"

" Nasaan ako? Bitiwan mo ako halimaw!" sabi ni Rin

" Saakin ka lang! Hindi ako papayag na mapalayo ka sa akin!"

Bigla ring nabasag ang harang ni Suwikome.

" Nabasag na ang harang!" sabi ni Miroku

At binasag ito ni Sesshomaru na biglaan ang pagdating.

" Sesshomaru! Nariyan ka na palang hambog ka! Iligtas mo na ang alaga mo!" sabi ni Inuyasha

" Wala kang karapatan na utus-utusan ako. Hangal ka.."

" Anung sabi mo!?"

" Sesshomaru iligtas mo na si Rin!" sabi ni Kagome

Mabilis na kumilos si Sesshomaru at ginamit niya ang kanyang tensaiga. Ngunit ginawang pang-sangga ni Suwikome si Rin.

" Subukan mong lumapit kundi gagamitin ko ang aking matitilos na kuko para mapaslang ang babaeng pinakamamahal mo!"

Nainis si Sesshomaru sa kanyang ginawa.

" Hehehe.. Sumusunod ka pala kapag nasa panganib na itong babaeng ito."

Habang hawak ni Suwikome si Rin. Ay kinagat niya ang kanyang braso para makawala.

" Ah! Hangal ka talagang babae ka! "

" Ah!"

Hinigop nya si Rin sa kanyang katawan.

" Si Rin!"

Lumaki ang halimaw na si Suwikome.

" Hihigupin ko muna kayong lahat!"

" Heh! Masyado siyang madaming salita!" sabi ni Inuyasha

Ginamitan nya ng Kaze-nokesu si Suwikome. At nahiwa siya sa kanyang dalawang balikat pero bumuo ulit ito.

" Hindi mo ako matatalo! Hetong sa iyo!"

Ginamit niya ang kanyang mga galamay para tusukin si Inuyasha. Pero umilag siya ng Mabilis.

" Pasaway kang hangal ka!" sabi ni Inuyasha

Hindi alam ni Suwikome na nahiwa na ang kanyang tagiliran at nakuha na ni Sesshomaru si Rin.

" Ah! Lumiliit ako!"

Ginamit ni Sesshomaru ang kanyang tensaiga para hiwain ang kanyang mga galamay. Pero lalo lang lumalala dahil nagiging halimaw ang mga ito.

" Kailangan ko ng gamitin ang Kazana!"

Binuksan ni Miroku ang kanyang Kazana para higupin ang mga nahiwang laman ni Suwikome.

" Hindi nahigop si Suwikome! Nakakainis!"

Binaba naman ni Sesshomaru ang walang malay na si Rin. At nagpatuloy na nakipaglaban.

" Hangal ka! Hetong saiyo!"

Hinapas ni Suwikome ang kanyang galamay sa kanya ngunit iniwasan niya ito.

Nainis pa lalo si Sesshomaru sa sakanya.

Dahil sa matinding galit ay biglang nagliyab ang kanyang tensaiga. Mukang sumanib ang lakas ng bakusaiga sa tensaiga.

" Ang tensaiga! Lumiliyab!" sabi ni Inuyasha

Nakamit na ni Sesshomaru ang kanyang minimithing lakas para sa kanyang tensaiga.

" Wala kang kwenta!"

Winasiwas ni Sesshomaru ang kanyang nagliliyab na tensaiga sa halimaw na si Suwikome. Nagbuga ito ng napakalakas na pwersa at tuluyan ng nalalasaw si Suwikome.

" Mukang mahirap siyang matunaw!" sabi ni Miroku

Nilakasan niya pa ang pwersa hanggang sa nakalbo ang kalahati ng gubat. Nalusaw na si Suwikome.

Sumara na rin ang lagusan ng mga diablo dahil sa pagkatalo ni Suwikome.

" Sarado na ang lagusan..." sabi ni Kagome

Biglang bumalik uli sa normal ang tensaiga ni Sesshomaru. Maari na niyang gamitin ang kanyang bagong kakayahan anumang oras.

Pinuntahan ni Kagome si Rin na nawalan ng malay dahil sa pagkakahigop sa kanya.

" Rin Gumising ka.. Gumising ka.."

Bumukas ng dahan-dahan ang mga mata ni Rin.

" Ate Kagome..."

" Salamat naman at nagising ka na.."

Tumingin si Inuyasha kay Sesshomaru.

" Hoy Sesshomaru! Hindi mo ba siya lalapitan kung ayos lang si Rin.?"

Tinignan lang ni Sesshomaru si Rin at saka ito Umalis.

" Napakayabang mo talagang hangal ka! Sinasaktan mo ang damdamin ng isang babae!"

" Pabayaan mo na siya Inuyasha.." sabi ni Miroku

" Nakakainis na talaga ang ugali niya!"

" Salamat sa pagligtas ninyo sa akin..." sabi ni Rin

" Hindi kami ang nagligtas sa iyo kundi si Sesshomaru." sabi ni Inuyasha

" Asaan na siya?"

" Umalis na."

" Mukang galit pa rin siya sa akin.." sabi ni Rin

" May problema ba?" tanong ni Kagome

" Wala.."

" Tara na at ihahatid ka na namin pauwi sa inyo." sabi ni Kagome

Hinatid na nila si Rin sa kanyang tahanan. Natapos na ang kalbaryong kinakaharap.

****

Inuyasha (FANFICTION TAGALOG EPISODE)  * Ang Pag-ibig ng Dalagang si RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon