-> NANG UMAGANG IYON...
Nagsimulang maglinis si Rin sa buong bahay. Tulong nya ito kay Tandang Kaede.
Nilinis ang mga sulok ng bahay, inalis ang mga sapot sa kisame, at diniligan ang mga halamang gamot. At ang huli ay nilinisan ang mga paso. Habang kinukuskos ang mga ito. Bigla nyang naalala ang nangyari kagabi. Ang sandaling pagbisita ni Sesshomaru...
"Napakasaya ko kagabi.. Nakita ko na si Panginoong Sesshomaru. Ganun parin ang itsura nya."
bigla na rin nyang naalala ang kaniyang pagyakap sa kanya.
"Ngayon ko palang nalaman na ganun pala sya ka gwapo.. Hindi kase sya tumatanda."
Naramdaman nyang bigla ang pagbilis ng kanyang pagtibok ng kanyang puso.
" hinawakan nya ang pisngi ko.. Nakaramdam ako ng malamig nun., Teka.! Ano itong sinasabi ko..?! Bakit ang bilis ng pagtibok ng aking puso..?! Hindi kaya?! "
Naisip ni Rin na baka nahulog na ang loob nya kay Sesshomaru.
" Baka... "
Dahil sa kakaisip ay nabasag nya ang nililinis nyang paso. Nataranta at nagmadali nyang pinulot ito hanggang sa nasugatan sya ng malaki sa kanyang palad at dumanak ang kanyang dugo.
" Naku, "
Biglang dumating si Kaede dahil sa narinig nyang pagbasag.
" Rin Anung nanyari dyan? "
" Patawad po... Tandang Kaede. Hindi ko po sinasadyang mabasag itong paso ninyo. "
" Hay nako.., bata ka, tumayo kna diyan at kailan na nating gamutin iyang sugat mo." sabi ni Kaede
" Teka lang po.. Aalisin ko lang itong mga bubog. " sabi ni Rin
" Iwanan mo na yan diyan., at baka mapano ka pa. "
Tumayo na si Rin para ipagamot ang kanyang mga sugat kay Kaede. Pagkatapos nun ay winalisan nya ang mga
ng nabasag na paso habang nararamdaman ang sakit ng kanyang sugat.
" Ang sakit naman.. Mukang naubusan yata ako ng dugo."
" Rin humingi ka ng halamang gamot kay Miroku. Para hindi mamaga ang iyong sugat." sabi ni Kaede
" Opo..."
Matapos ang kanyang gawain. Pumunta sya sa labas upang magpahangin. Hanggang mapaisip sya sa kanyang naramdaman para kay Sesshomaru.
"Hindi ko akalaing mararamdaman ko ito. Bakit ganito..?"
Hinawakan nya sa dalawang kamay ang kanyang puso dahil sa pagbilis ng tibok nito.
"Ganito pala ang mararamdaman ng isang babae kapag sumisinta.."
Napangiti sya nang maalala nya ang kanyang pagyakap kay Sesshomaru. Tila'y lumalalim ang kanyang pag-alala sakanya.
hanggang sa muntik nyang makalimutan ang pinapautos ni Kaede
"Ay! Oo nga pala! Yung halamang gamot! Kailangan ko ng pumunta kay Ginoong Miroku."
Nag madaling umalis si Rin para humingi ng halamang gamot.
SAMANTALA..
Tila bagabag ang binatang si Yakotsu dahil sa kanyang nakita na may kasamang misteryosong lalaki si Rin. Na ngayo'y papunta na sa kanyang tahanan.
" Sino ba sya?"
hanggang sa narating na nya ang bahay ni Rin at ang nadatnan ay si Kaede.
" Magandang araw po.. Pwede po bang makausap si Rin?"
" ah wala siya."
" Saan po sya nagpunta?"
" Nagtungo sya sa bahay ni Miroku. Humingi sya ng halamang gamot dahil sa natamong sugat sa nabasag na paso."
" Hihintayin ko na lang po sya." sabi ni Yakotsu
" Halika at samahan mo akong uminom ng tsaa."
Sinaluhan nya ang matanda para uminom ng tsaa.
" Maraming Salamat po.." sabi ni Yakotsu
Hanggang sa naisipang nyang magtanong kay Kaede.
" Tandang Kaede maari po ba akong magtanong?"
" Anu iyon?"
" Nakita ko kasi si Rin na may kasamang lalake. Ang kanyang ka anyoan ay matangkad, haba ang kaniyang buhok at may suot na mabalahibong bagay sa kanyang kanang braso."
" Si Sesshomaru ang tinutukoy mo." sabi ni Kaede
" Kaanu-ano po ba niya si Rin?"
" sya ang nag-alaga kay Rin. Kasama nya si Sesshomaru sa paglalakbay noon." sabi ni Kaede
" Kaya pala..."
" Hindi pangkaraniwang tao si Sesshomaru.. Halos marami na syang nakalaban na malalakas na nilalang habang sya'y patuloy na naglalakbay. Hindi lang iyon, nakalaban nya rin ang halimaw na si Naraku. yun lang ang alam ko tungkol sakanya." sabi ni Kaede
" Anu kamo?! Nakalaban nya ang diablo si Naraku?"
Napatigil sa pag kabigla si Yakotsu sa kanyang mga narinig na hindi pakaraniwang tao si Sesshomaru. At mas lubusan nyang kilala si Rin.
" Hindi kaya.?"
Dumating na si Rin at tila'y wala syang nakuhang halaman.
" Rin anjan kana pala, Nakahingi ka ba ng halamang gamot?"
" Wala po. Naubusan na po daw si Ginoong Miroku. "
" Naku, baka mamaga iyang sugat mo."
" Ayos na po ako hindi na po kailangan.. Hindi po ito masakit."
" Sigurado ka ba dyan?"
" Opo.."
Napatayo na si Yakotsu upang tignan ang kanyang sugat. Tila'y nag-aalala ang binata sa kanya.
" Rin gusto mo ba na ipangkuha nakita ng halamang gamot?"
" Ayos lang ako. Wag kang mag-alala hindi na ito masakit.. Oo nga pala, Akala ko ba pupuntahan mo ako kagabi?" tanong ni Rin
Napaisip ang binata na hindi na niya kailangan pumunta nung gabing iyon dahil sa may kasama siya.
" Ah... Masyado kase akong naging abala kaya hindi na ako nakapunta.."
" Ganun ba..."
" Pwede ba kitang yayain na lumabas ngayon..? May ipapakita ako na siguradong magugustuhan mo." sabi ni Yakotsu
Papayag kaya si Rin na sumama sa kanya?
****