* Ang Nadukot na Pag-ibig

241 6 0
                                    

-> NANG LUMIPAS NA ANG TATLONG ARAW...

Naghahanda na si Rin para sa kanyang kasal.

" Saan gaganapin ang kasal ninyo? Sa bahay ba ni Yakotsu?" tanong ni Kaede

" Hindi dito sa lupa! kundi sa mundo ng mga diablo Sa ibang mundo!"

" Rin gumising ka! Mapanganib doon!" sabi ni Kaede

" Bitiwan mo ako! Magsasama na kami Suwikome!"

Lumabas na si Rin para makipagtagpo kay Suwikome at pumunta na sa ibang mundo.

" Kailangan ko ang tulong ni Miroku para pigilan si Rin!"

Nagmadaling umalis si Kaede para humingi ng tulong kay Miroku.

SAMANTALA...

Nagpalipas ng araw sila Inuyasha at Kagome sa tahanan nila Miroku at Sango Hanggang sa Makarating na si Kaede sa kanila.

" Miroku kailangan ko ang tulong mo!"

" Bakit may nangyari ba sa nayon?"

" Hindi, si Rin ay nasa panganib! Nahipnotismo siya na magpakasal sa isang diablo!"

" Kung ganon ay tamang-tama na nandito sila Inuyasha at Kagome." sabi ni Miroku

" Nadukot pala ang alaga ni Sesshomaru. Tara na't hanapin na natin ang diablo at makakatikim siya bagsik ng aking tesaiga." sabi ni Inuyasha

Nagmadali ng umalis sila Inuyasha at ang kanyang pangkat para hanapin si Rin at ang diablo.

SAMANTALA...

Papalakad si Jaken patungo sa tahanan ni Rin para ibigay ang huling regalo para sakanya. Hanggang sa madatnan niya na walang tao sa bahay.

" Bakit ganun? Walang tao?"

Dumating na si Kaede upang magsagawa ng seremonya para sa pagkaka-hipnotismo ni Rin.

" ikinalulungkot ko pero wala rito si Rin."

" Kung ganon ay nasaan siya?" tanong ni Jaken

" Nasa panganib siya dahil sa pagkaka-hipnotismo na magpakasal sa isang diablo. Kaya agad akong umuwi para magsagawa ng seremonya para maalis ang sumpa." sabi ni Kaede

" Kailangan itong malaman ni Panginoong Sesshomaru..!"

Nagmadaling umalis si Jaken para ipaalam kay Sesshomaru ang nangyari kay Rin.

SAMANTALA...

nagtagpo na sila Suwikome at Rin sa paanan ng bundok kung saan bumubukas ang lagusan papunta sa mga mundo ng mga diablo.

" Konting tiis na lang.."

hanggang sa dumating sila Inuyasha at ang kanyang pangkat.

" Yakotsu! Itigil mo iyan!" sabi ni Miroku

" Hindi ako si Yakotsu! Pinatay ko na ang hangal monghe na iyon tatlong taon ng nakalipas!"

" Kung ganon ay bigo si Yakotsu na puksain ka! Kaya pala hindi siya bumalik ng tatlong taon!" sabi ni Miroku

" Oo.. At ako na si Suwikome!"

Nag-iba ng anyo ang diablo sa isang halimaw na tatlong ulo at mararaming galamay. Sa gitna ng kanyang katawan ay may nakapasok na pulang bolang cristal na bumuo ng makapal na harang.

" Inuyasha! Gawin mo na ang tesaiga para wasakin ang harang...!"

Malakas na itinira ni Inuyasha ang harang ni Suwikome. Pero hindi ito tumalab.

" Anung..! Impossible ito! Pero bakit?"

" Hehehe... Hindi ninyo basta-basta masisira ang harang! Dahil wala sa inyo ang tunay na nagmamahal kay Rin! Pero wag kayong mag-alala dahil andidito na ako para sa kanya. Tutal ay pabukas na ang lagusan!"

" Napaka-hangal mong huklubang Diablo! Heto sa iyo!"

Winasiwas ni Inuyasha ang kanyang tesaiga ngunit hindi niya ito mawasak. Dahil mayroon itong kondisyon.

" Nakaka-asar! Hindi parin siya nasisira!"

" Susubukan kong tumira gamit ang sagradong palaso!" sabi ni Kagome

Ginamit niya ang kanya palaso sa harang ni Suwikome. Ngunit hindi ito tumalab.

" Itago nyo nalang ang mga laruan nyo mga hangal! Hindi nyo masisira ang harang ko!" sabi ni Suwikome

Unti-unti ng bumubukas ang lagusan ng mga diablo. Pero hindi parin nasisira ang harang.

" Inuyasha. Isang tao lang ang makakasira sa harang. Yung pinakamalapit kay Rin." sabi ni Miroku

Naisip ni Kagome na si Sesshomaru ang makakasira sa harang.

" si Sesshomaru lang ang makakasira sa bagay na iyan!"

" Heh! Pero hindi naman dumating ang hambog na iyon! Wala talaga siyang pakelam!" sabi ni Inuyasha

Walang magawa ang mga kasama ni Inuyasha sa isinumpang harang ni Suwikome.

SAMANTALA...

Dali-daling hinanap ni Jaken si Sesshomaru

" Panginoong Sesshomaru kailangan ni Rin ang tulong nyo." Pero hindi alam ni Jaken na pinuntahan na ni Sesshomaru si Rin. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.

Maliligtas kaya ni Sesshomaru si Rin sa mga kamay ni Suwikome? Na ngayong malapit ng mabukas ang lagusan?

****

Inuyasha (FANFICTION TAGALOG EPISODE)  * Ang Pag-ibig ng Dalagang si RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon