Epilogue

8.9K 257 29
                                    

EPILOGUE

THREE YEARS later...
“If ever God blesses me with a restaurant one day...” malakas na basa ni Nollet sa librong binabasa niya na isinulat ni Beng Alba-Jones. Sabado ng hapon noon. Naroon sila ni Ark sa garden ng kanilang bahay. Nakaupo siya sa wrought iron bench at nagbabasa habang nakaunan sa kandungan niya si Ark na sa palagay niya ay nakatulog na. Dalawang taon na silang kasal nito. So far, wala siyang ga-butil ng buhangin man na pagsisisi. Ark was a perfect husband. At lalo pa niyang minahal ito sa pagdaraan ng mga araw.
Marami nang nangyari at nagbago sa mga tao na naging parte ng kanilang buhay ni Ark. Lumago na ang negosyo nina Nanay Enang at Mang Celso. May regular nang pinaghuhulugan ang mga ito ng mga natahi na bags. Nang maging self-sufficent ang mga ito. Care-taker na rin niya ang mag-asawa sa buong compound. At maayos naman ang relasyon ng mga ito sa iba pang tenant, pati na kay Pura na matandang dalaga, na BFF na ng mag-asawa.
Nagpapatuloy pa rin ang Flower Town. Nagbabalak siyang mag-branch out sa bandang Quezon Avenue. Pero sa mga huling developments sa kanya ay baka ipagpaliban niya muna.
Hindi na sila nagkikita ni Rida mula nang huli silang magkita. Bago sila ikasal ni Ark ay nangumpisal ang babae sa kanya na hindi pala totoong anak ni Enrique si EJ. Humingi ito ng tawad sa kanya. Bumalik na daw sa buhay ng mga ito ang tunay na ama ni EJ. Kaya ang balak niya na paglilipat sa pangalan ng bata ng ilang properties na naiwan sa kanya ni Enrique ay hindi na natuloy.
Si Monina naman ay matagal nang patay. Mula nang atakihin ito noong i-hostage siya ay dalawang araw lang itong nanatili sa ospital at nalagutan na ng hininga. Ayon sa imbestigasyon na ginawa ng mga pulis noon, si Monina rin ang itinuturo na umupa ng isang tao para sunugin ang Flower Town. Pinatawad na lang niya ang matrona sa lahat ng perhuwisyong ginawa sa kanila ni Rida. 
“I would like to designate what I would call a ‘Grace table,’ patuloy ni Nollet sa binabasa. “The poor, the homeless, the hungry can sit there and be served a delicious meal, for free. They do not have to choose the least expensive item on the menu. Instead, they will be served whaterver catches their taste and fancy. For one meal, they can enjoy the goodness of the earth, the kindness of strangers, the love of God.” Huminto siya dahil napapaluha na. Damang-dama niya ang kagalakan ng writer habang isinusulat ang pangarap nito. “Wow, ang galing naman,” she muttered with a catch in her voice.
Napakislot siya nang biglang bumangon ang asawa. “Gusto mong magtayo ng resto na paglalagyan mo ng ‘Grace table’?”
Napangiti si Nollet. Nagkamali siya. Gising pa pala si Ark at nakapikit lang habang nakikinig. “Puwede?”
Ngumisi ito, ikinulong siya sa yakap at isiniksik ang mukha sa leeg niya bago bumulong. “Alam mo namang malakas ka sa akin... Kahit ano gagawin ko para sa iyo. Whaterver catches your fancy, Loveskie.”
“Ohhh... pagdating ng panahon, ang dami talagang matutuhan ni Arky Junior sa iyo sa pagiging perfect hero at perfect husband,” tukso ni Nollet sa asawa.
Biglang nag-angat ito ng mukha, gulat na gulat. “A-Arky Junior? ‘Di nga?”
“Galing ako sa OB kanina. Seven weeks preggy na daw ako.”
“Ya-hoooo!”
Sa lakas ng sigaw ni Ark ay napalabas doon si Ida. Nang makita naman ng housekeeper na karga si Nollet ni Ark ay kakamut-kamot na bumalik ito sa loob ng bahay. Na sinamantala ng asawa niya. Pinupog siya nito ng halik.

-end-

https://www.preciousshop.com.ph/home/

http://www.booklat.com.ph/

http://www.phr.com.ph/

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ARK My Love My Hero 388 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon