Ayami Lu

123 8 0
                                    


Magandang buhay mga ka-pawer! Isang mapagpalang araw sa lahat dahil isa na namang manunulat ang inistorbo ko. Hahaha. Base sa aking source, siya ay writer ng PSICOM, siya ay magaling na manunulat, and I believed, mabait siya. And I thank you! Hahaha.

**** 

----Writer's Information---- 

Facebook Name: Yumi Lu

Wattpad Username: AyamiLu

Gender: Female

****

Winfour: Hello Ms. Yumi! Nagpapasalamat po ako sa pagpapaunlak ninyo rito, nirekomenda po kasi kayo sa akin ni Carlo Dandan. So, kumusta po kayo?

Yumi: Thank you for asking, Winfour. Actually, stressed ako. Hahaha. Ang hirap maging adult! Lol. Dejk. BTW, thanks Carlo for the recommendation.

Winfour: Gaano na po kayo katagal nagsusulat? Ano na po ang mga natutunan ninyo bilang isang manunulat?

Yumi: I think I've been writing since I was 10 or eleven y/o until high school. Nahinto lang ako when I was in college. And then resume ulit in 2014. Through Wattpad, natuto ako sumali sa mga writing contests and I guess doon mas lalong nahulma ang pagsusulat ko, esp that speech and action tags, use of nang and ng, and more about writing stuff na hindi ko alam before. And I think medyo nag-improve naman ang pagsusulat ko. Hahaha.

Winfour: Maisingit ko lang po, saan po nanggaling ang Yumi Lu? Ang cute po kasing pakinggan hahaha.

Yumi: Before kasi, nagpi-play ako ng Sorority sa facebook. And gumawa ako ng dummy account just to play, tapos pinangalan ko Yumi. Walang origin iyan. Gusto ko lang siyang name dati, dahil sa kaki-kpop ko. Hahaha. And the name stuck.

Winfour: Sa inyo pong palagay, mas maganda po bang dumidipende tayo sa mga mambabasa o mas mainam na sarili natin ang sinusunod natin kapag gumagawa tayo ng akda?

Yumi: Definitely, the writer should decide what story or concept she/he will write about. Yes, maybe as a writer, minsan nate-tempt tayong sumabay sa uso or magpatangay sa gusto ng mga readers. But you know what, when you love blue and everybody seems to want pink, it doesn't mean you also have to wear pink so you could blend in. Because I believe that there will be a time they will fall in love with blue. Kailangan lang maghintay ng tamang oras. So I say, write what you want and something that holds your interest because someday, someone will love it.

Winfour: Pawer!!! Hahaha. Ms. Yumi, kung may tatlong payo ka para sa mga nagsisimula pa lang, ano ang mga iyon?

Yumi: First, you have to be confident (but not to the point of bragging), believe in yourself, and feel happy about what you are writing. Para inspired ka magsulat. Second, stay focus. Make a list or bullets para may guide ka at hindi lumiko ang story mo. And lasty, be patient. Huwag madaliin ang lahat, even the process of your story.

Winfour: Para magkaroon ng isang libro, anu-ano po ba ang maaaring taglayin ng isang manunulat?

Yumi: Skill, good manuscript, and patience.

Winfour: Naniniwala din po ba kayo sa kasabihang 'Write to express not to impress'? May ilan kasi na nagsasabi na kailangan mong magpa-impress para magkaroon ka ng inspirasyon.

P A W E RTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon