Isa na naman ang nagpaunlak sa ating munting usapan. Kilala siya sa kanyang sinulat na Dead Meat at Road Trip. Base sa pang-i-stalk ko, hahaha. Marami na siyang nagawang horror na kuwento. Isa na rin siyang published author na napapabilang sa isang kilalang publishing house. Siya ay walang iba kundi si Kuya Soju! Pawer!
**
Writer's Information
Facebook Name: JL Soju
Wattpad Username: Kuya_Soju
Gender: Male
**Winfour: Hello kuya Soju! Unang-una, matanong ko lang po kung saan nagmula ang name na Soju?
Kuya Soju: Mula sa alak sa Korea na "soju". Medyo mahilig kasi akong manood noon ng Koreanovela.
Winfour: May nabasa akong post mo noon na matagal ka na nga sa wattpad. Sa tinagal mo na iyon, mayroon ka bang maaaring ibahagi sa ating mga mambabasa na maaaring makapagpalakas ng moral nila sa pagsusulat?
Kuya Soju: Yes, matagal na ako sa Wattpad. 2011 ako nag-sign up at until now active pa rin naman ako. Siguro, ang maibabahagi ko lang sa kanila na pwedeng magpalakas ng moral nila sa pagsusulat ay mahalin at enjoyin lang nila ang ginagawa nila. Kahit kaunti ang nagbabasa ng stories mo sa Wattpad, wag kang hihinto. Kapag mahal at gusto mo kasi ang pagsusulat, hindi na mahalaga kung marami o kaunti ang nagbabasa nito. Mas importante yung fulfillment na mararamdaman mo sa tuwing nakakatapos ka ng isang novel o story.
Winfour: Bilang isa sa mga author na nakapagpalibro na, anong masasabi mo roon sa mga writer na gusto ring abutin ang naabot mo?
Kuya Soju: Siguro, tiyaga lang talaga saka dedikasyon sa pagsusulat lalo na't marami na ang nagsusulat sa Wattpad. Ako kasi, hindi naman ako nagsulat lang sa Wattpad tapos boom(!) biglang nagkaroon ng published book. Dumaan din ako sa butas ng karayom. Nagpasa ako ng stories ko sa iba't ibang publishing companies at maraming beses akong nareject. Dapat din talaga hindi ka madaling panghinaan ng loob kapag nakakatanggap ka ng rejection mula sa mga publishing company. Kung para naman kasi sa iyo, makukuha mo ang gusto mo sa tamang panahon.
Winfour: Technicality o Content? Bakit?
Kuya Soju: Dapat talaga balance ang dalawang iyan pero kung isa lang ang pipiliin ko, dun na ako sa CONTENT. Kasi yan yung mga nilalaman ng kwento mo, e. Ang technicality naman napag-aaralan yan, naitatama yan sa pagdaan ng panahon at habang tumatagal ka sa pagsusulat. Saka ako kasi, bilang reader din, mas importante sa akin ang nilalaman ng binabasa ko.
Winfour: Kung bibigyan ka ng chance na mag ma-meet na sikat na author din, sino iyon at bakit?
Kuya Soju: Si CAMILLA ng PHR. Sobrang humble niya kasi ay down to Earth. Mga stories niya ang nagwelcome sa akin sa mundo ng pagbabasa at isa siya sa inspirasyon ko sa pagsusulat ng humor. Idol ko talaga siya! Sooobra!!!
Winfour: Natanong at itatanong ko pa rin ito sa ibang manunulat, sa iyong palagay, dapat ba na ang pagsusulat ay nakadepende sa gusto mo o sa gusto ng babasa?
Kuya Soju: Para sa akin, sa gusto ko. Ano pa't ako ang naging author kung hindi ako ang masusunod, diba? Kapag nagsusulat kasi ako, feeling ko gumagawa ako ng isang bahay tapos nilalagyan ko ng tao. Ang mga readers naman, sila yung mga bisita. Kung magugustuhan nila yung bahay at nakatira doon, e, nasa kanila na iyon. Parang ganun... Hahaha!
Winfour: Paano mo pinapanatili ang impact o ang emosyon, arwa at dating ng iyong akda? Marami kasing nahihirapan lalo na sa horror, e. Kahit ako, minsan nahihirapan din.
Kuya Soju: Sa totoo lang, medyo hirap ako na panatilihin ang mga sinabi mo. Haha! Alam ko naman kasi na may horror stories ako na kabog at may waley din. Mahirap sagutin pero, ganito na lang. Kinukumpetensiya ko yung last horror na isinulat ko kapag may bago akong horror story na isusulat. Pero yun nga, minsan failed, minsan okay naman.
Winfour: Sa tingin mo, ano na ang mukha ng literatura ng bansa ngayon?
Kuya Soju: Maganda parang ako. Charot! Sakto lang siguro. Nakakatuwa lang na marami na sa kabataan ngayon ang nahihilig sa pagsusulat na maaaring magpa-boom pa ng husto sa literatura sa ating bansa.
Winfour: Paano nabubuo ng pagsusulat ang pagkatao mo bilang isang Kuya Soju?
Kuya Soju: Parang kabuuan ko na nga ang pagsusulat, e! Haha! Bukod kasi sa kumikita ako dito, nakakatanggal talaga siya ng stress ko. Kapag masaya ako, magsusulat lang ako. Kapag galit, magsusulat ako. Kapag malungkot, magsusulat ulit ako. Alam mo yun? Parte na talaga siya ng buong pagkatao ko. Parang pagkain, pagtulog... Hindi ako mabubuhay kung matatanggal sa sistema ko ang pagsusulat.
Winfour: Panghuli, hahaha. Dami kong tanong, ano? Kung may tatlo kang kahilingan para sa Philippine Literature, ano iyon at bakit?
Kuya Soju: Una, sana mabigyan ng pagkakataon yung mga underrated na manunulat lalo na sa Wattpad na makapaglimbag ng aklat dahil sa tingin ko mas maraming deserving na magkaroon ng pagkakataon na makapagpublished pero hindi lang napapansin. Pangalawa, sana mas humusay pa ang mga bagong manunulat para hindi kami/sila masisi ng iba sa unti-unti DAW na pagkamatay ng ating literatura. At pangatlo, sana mas tangkilin ka (Philippine Literature) ng mambabasang Pilipino. Siyempre, bago ang iba, sa atin muna, diba? Oo, maraming magagandang international books pero mas marami ring magagandang local books at ang kailangan lang nating gawin ay maghanap.
***
PAWER!
BINABASA MO ANG
P A W E R
RandomMga pinagsama-samang reaksyon at opinyon ng mga kilala at hindi kilalang manunulat.