Kumusta mga aports! Kilalanin naman natin itong sunod na petmalu na lodi pagdating sa mystery genre. Siya ang sumulat ng Harrison University : The School of Monsters na hindi naaalis sa top 10 ng mystery sa wattpad. Kung sino siya, tara! Pawer? Pawer!
****
----Writer's Information----
Facebook Name: Ghie beloved
Wattpad Username: GHIEbeloved
Gender: Female
****Winfour: Kumusta ka? Maraming salamat sa pagpatol sa kalokohan kong ito. Hahaha. So, kumusta ka nga?
Ghie: Pfft.. Ayus naman naghahanap ng pagkakaabalahan at inspirasyon para makapag update na! Haha
Winfour: Kailan ka nagsimulang magsulat o nahumaling sa pagsusulat?
Ghie: Well nakilala ko kasi ang Ebook/wattpad noong first year highschool ako that was 2010. At dahil sa mga disappointment ko sa Ending natriggered ako magsulat Lols. Yung ako makakakontrol sa lahat, and that was 2012.
Winfour: Paano maging isang Ghie Beloved? Anong maipapayo mo sa mga mystery writer para mas mapanatili nila ang misteryo sa kanilang akda?
Ghie: Haha hindi ko alam. Talent siguro ang mambitin sa mambabasa mo lalo na sa mga huling salitang ilalathala mo sa dulo ng update mo. And thats it! Mambitin ka! Iyon ang misteryo saakin. At kung paano mapapanatili? Wag mong inulgar basta. Magbigay ka ng mga puzzle pieces hanggang sa makabuo ka ng isang imaheng magpapalinaw sa lahat.
Hindi lang tungkol sa mga codes, investigation at chuchu ang Mystery triller. Dahil bukod sa mga krimen. Ang buhay din ng tao ay puno ng misteryo ^_~...Winfour: Aware ka naman siguro sa nangyayari ngayon sa mga confession pages ano? 'Yong mga fans na nakikipag-away sa mga kritiko. Hahaha. So, kung ikaw ay magkakaroon ng biglaang kritiko, as in 'yong talaga iki-critique nang husto ang gawa mo, paano mo iyon tatanggapin o matatanggap mo ba iyon? May iba kasi na hindi nila matanggap, lalo na ang fans hahaha.
Ghie: Well ang ganung usapin ay dapat sa Writer at sa Critique lang. Oo may mga opinyon ang bawat isa pero dapat ding magpakita ng paggalang ang bawat panig.
Bilang taong pinaghirapan ang isang akda. Masasaktan ako kung nilait iyon. Syempre gawa ko iyon! Gawa iyon ng isang hindi propesyonal na manunulat na ipinagsiksikan lang ang sarili sa mundong iyon. LOLS.
PERO kahit na masaktan kailangan mo paring tanggapin ang nga opinyon. Dahil bukod sa para sayo din iyon ay makakatulong din iyon sa pagpapaganda sa story mo.Pero iyon nga. Kung magcricritique ka wag kang gumamit ng mga salitang alam mong makakasakit. Kasi bilang tao marunong ka dapat rumespeto ng kapwa mo. Depende nalang kung hindi alien ka lols.
Winfour: Sa tingin mo, kailangan ba talagang gumawa ng isang fandom ba tawag do'n? 'Yong mga ititipon ang mga fans, ganern, sa tingin mo, kailangan ba talaga 'yon?
Ghie: Well I think maari. Pero hindi kailangan. Na as in sobrang kailangan mo. Bilang manunulat kasi kailangan mo ring tumanaw ng utang na loob sa mga nagbasa ng akda mo. Alam mo dapat kung paano sila alagaan. Kasi unang una, wala ka sa isang tagumpay kung wala ang mga taong iyon.
Pinangarap ko rin ang bagay na iyan. Pero hindi para magpakisat or what. Gusto ko lang talagang makita yung mga ityura ng mga napaiyak ko. Lols xDWinfour: Ano na ang naitulong ng pagsusulat sa 'yo? Sa paghubog ng kaunting parte ng buhay mo? May maganda ba itong epekto o may hindi ito naidulot nang maayos sa 'yo?
Ghie: Pagsusulat? Para sakin walang masyadong naitutulong. Hindi naman kasi ako ganoon kagaling. Jusq. Pero ang pagiging detailed ang isa sa mga natutunan ko. Sa mga pangyayari at yung kung paano mo dadalhin ang mga magbabasa noon sa tamang emosyong nararapat sa parte ng istorya mo. Well sa course ko need ko ang bagay na iyon. Secret kung bakit. Lols.

BINABASA MO ANG
P A W E R
RandomMga pinagsama-samang reaksyon at opinyon ng mga kilala at hindi kilalang manunulat.