Magandang araw mga abnorms! Ito na naman po ako, ano? Mayroon akong ginulong isang magaling na manunulat para batuhin ng mga katanungan. 'Yong mga tanong na narito ay siyempre may kinalaman sa pagsusulat, ano? Mayroon din kayong matututunan sa mga sagot nitong master na 'to. Siguro mga isang daang tanong lang naman, hahaha. Kilala ko itong una nating guest, mahusay talaga ito, e. Ako na nagsasabi sa inyo, marami akong natutunan sa taong 'to kahit isang beses niya pa lang binigyan ng critique ang Domino. (Pasimpleng promote)
Okay! Simulan na natin ang usapan.
****
--Writer's Information--
Facebook Name: Elena Buncaras
Wattpad Username: Lena0209
Gender: Female
****
Winfour: Gaano ka na katagal nagsusulat?Elena: Nagsusulat ako ng essays noong gradeschool and mas sanay ako sa formal writing bago pa ako mapadpad sa blogging noong 2010. May blog na ako before kung saan kinukuwento ko ang tungkol sa mga nagaganap sa akin araw-araw, not a diary kind of posting kundi more on sociopolitical chenelyn na may halong humor. Nahilig lang ako sa fiction noong nakilala ko ang Wattpad noong 2013. Teenfic talaga ang ginagawa ko dati kaso ang OA for me kaya napunta ako sa action story. Until now, action writer pa rin ako. Pero balik sa tanong, 3 years old pa lang ako, nagsusulat na ako. Baka kasi isipin ng nanay ko, abnormal ako kung natuto lang ako magsulat kung kelan ako nagkaedad haha lol, bale 20 years na. Ayan.
Winfour: May mga pagkakataon ba na naba-bash ka? Paano mo hina-handle ang pamba-bash ng mga kupal kung meron man?
Elena: Di maiiwasan ang mga basher. Year 2014 noong may nagsabing hindi niya naiintindihan ang story ko kasi magulo, e book 3 yung binasa niya, syempre continuation 'yon. Sabi niya huwag na akong magsulat. Well, anong karapatan niya para utusan ako, di ba? Nakakasama ng loob pero nakakapursige. May mga nagsabi sa akin noon na pabida ako kasi pinagmamalaki ko ang mga achievement ko sa pagsulat. Syempre, magiging proud ka rin naman kung ikaw ang nasa kalagayan ko, lalo na kung sunud-sunod ang pagkapanalo mo, pero after noon, na-realize ko na, baka nga sobra na rin ang pagmamalaki ko(na hindi naman daw sabi ng karamihan) kaya iniwasan ko nang banggitin lahat ng nagawa ko at na-achieve ko. The rest, mga pasikat na lang. Tinatantiya ko rin naman kung marunong umintindi at pwedeng mapakiusapan sa matinong paraan. Banatan mo lang ng nakakatalino at magandang approach. Pero kung bash lang talaga ang alam, mute o block agad. Tama nang isang beses akong tumikim ng lason, katangahan na ang paulit-ulit.
Winfour: Matanong ko lang, para malaman na rin ng iba pang viewers na hindi ko alam kung meron man, hahaha. Saan nanggaling 'yong 0209? Last four digits ba 'yan sa cell. number mo o password ng kandado sa pinto ninyo? Hahaha.
Elena: Yung 0209, birthday ko iyan. Yung Lena0209 password ko yan sa lahat ng social media accounts ko. Chicabebs at Lenapogi kasi talaga dati ang username ko, e ulyanin sa password, kaya iyan ang ginawa kong username para madali kong matandaan yung madalas kong malimutan.
Winfour: Bilang isang manunulat, kung may tatlo kang gustong ipayo, ano ang mga 'yon?
Elena: Unang payo ko, magbasa. Huwag hangal para ikatwirang ayaw ninyong magbasa. Malaking katangahan iyon. Kahit pa sabihin ni Severo na hindi siya nagbabasa, maniwala kayo roon, imposibleng hindi.
Pangalawa, writer ka, magsulat ka. Kung wala kang reader, magsulat ka pa rin. Kung audience ang habol mo, alamin mo ang gusto ng audience. Matutong mag-adjust sa ecosystem.
Pangatlo, matutong umintindi at umunawa ng bawat sitwasyon. Para saan pa ang paggamit mo ng point of view kung di mo naman alam ang purpose niyon sa labas ng kuwento?
Winfour: Alam naman nating matagal na 'tong pinagtatalunan ng mga kapwa natin manunulat, ano? Kung ikaw ang tatanungin ko at hindi sila, hahaha. Ano ba ang dapat mas pagtuunan ng pansin? Content o Technicality? Bakit?
Elena: Nice question, may mga pagkakataong mas focus ako sa content kapag waley ang techs. May mga kuwento kasing madaling remedyuhan kapag maganda ang laman. Pero kung waley ang laman, sana kahit technicalities man lang, ginandahan na. Para hindi matawag na basura.
Pero may mga magaganda at maayos ang technicalities pero walang kaluluwa ang akda. And that's sad. Minsan talaga you can't have it all.Winfour: Anong masasabi mo sa mga aspiring writers ngayon na naba-bash? Hahaha.
Elena: Para sa mga aspiring writer? May dahilan kaya sila bina-bash. Kung writer sila, pag-igihan nila ang pagsulat at huwag magpabida nang wala sa lugar. Nababasa ko ang mga gawa nila at kailangan pa talaga ng mahaba-habang panahon para maayos ang gawa nila. Kung personal issues naman, hindi naman sila papansinin kung hindi sila nagpapapansin. Observer ako, magkaiba iyon sa basher. Kung ayaw nilang ma-bash, maging discreet, basic.
Winfour: Kung may irerekomenda kang author? Sino at bakit?
Elena: Ayokong irekomenda ang sarili ko haha si Kyrian18 at FrozenHart for fantasy. Si Embabebyyy at Ayamilu sa romance. Sa action si XavierJohnFord. Hindi na ako reader ng ibang genre(o wala akong trip sa mga nabasa ko) Magaling sila at napanindigan yung genre nila.
Winfour: Maaari mo ba kaming bigyan ng tips para mapanatili ang pagmamahal namin sa pagsusulat?
Elena: Magsulat at magbasa. Aanhin mo ang sandamukal na tips kung walang application? Bakit naman ako, wala namang ganitong pautot dati, nakakapagsulat naman ako nang madalas. Iwas lang sa distraction. Saka huwag munang maging perfectionist, kaka-perfect ng gawa sa first try, naubos na ang oras doon.
Winfour: Paano mo ilalarawan ang literatura ng bansa ngayon? Kasi kung ako lang, mag-se-selfie lang ako tapos sulatan ko mukha ko ng literatura, may larawan na ako. Hahaha.
Elena: Nagkakaroon ng kamulatan sa literatura ang karamihan dahil sa negatibong epekto ng pagsikat ng Wattpad. Dati kasi bihira ang mga kabataang nahihilig sa pagbabasa. Ngayon dumami na. Madali na lang silang pakainin ng magandang salita basta naroon na sila sa ideya na maganda palang magbasa. Mag-adjust na lang ang may kayang mag-adjust. Hindi mo mapapakain ng gulay ang batang ayaw sa gulay, unless marunong kang mag-experiment kung paano itatago iyon sa paningin nila.
Winfour: Lastly, alam kong nakakautot 'yong iba kong tanong kaya tapusin na natin. Okay. Para sa 'yo, ano-ano ang mga dapat meron ang isang manunulat?
Elena: Sipag, tiyaga, pasensya, utak at puso. Kaya ng lahat mag-isip ng kuwento pero hindi lahat, kaya iyong i-apply at gawin araw-araw ang paggawa ng akda. Kailangan ng tiyaga at mahabang pasensya dahil hindi isang pikitan lang ang pag-appreciate ng nakararami sa gawa mo. Higit sa lahat, puso. May mga pagkakataong kapag nakamit mo na ang pangarap mo, mawawala na ito sa iyo. Tandaan na mawala na ang lahat, wag lang ito. Dahil kapag ito ang nawala, mawawalan na rin ng saysay ang lahat ng nabanggit ko.
****
So, ayun nga ano? Sana may napulot kayong aral sa pinagsasabi niya, comment lang kayo kung may mga nais kayong itanong at baka masagot niya pa, basta ako, Pawer!

BINABASA MO ANG
P A W E R
RandomMga pinagsama-samang reaksyon at opinyon ng mga kilala at hindi kilalang manunulat.