Ethan Elmo Santos

114 5 0
                                    



Yow! Ang chichikahin natin ngayon ay kilala sa kuwentong katatakutan. Isa siya sa mga mahuhusay na manunulat na kilala ko. Pero hindi niya ako kilala, so sad hahaha. Joke. So, tara na?

****

----Writer's Information----

Facebook Name: Ethan Elmo Santos

Wattpad Username: risingservant

Gender: Male

****

Winfour: Hello! Salamat sa pagpapaunlak mo at pagbibigay ng oras sa kalokohan kong ito. Hahaha. Kumusta po kayo?

Ethan: Okay naman ako. Heto, nakalalanghap pa rin nang sariwang hangin kahit papaano.

Winfour: Sisimulan ko na po ang pagtatanong hahaha. Unang-una po, ano-ano po ba ang dapat tandaan sa paggawa ng isang akdang nakakatakot?

Ethan: Bago ka magsimulang magsulat ng katatakutan, dapat alam mo na ang pinakakailangan mong pagtuonan ng pansin ay ang pananakot. Paano nga ba magiging mabisa ang isinusulat mong katatakutan? Una, emosiyon. Napakahalaga nito sa isang istorya sapagkat kailangan mong kumonekta sa mga mambabasa. Kailangan, maiparamdam mo sa kanila kung ano ang nararamdaman ng iyong tauhan. Pangalawa, ang tagpuan. Kung naiparamdam mo na sa mga mambabasa ang emosiyong nararapat, siguraduhing kaya mong ilarawan kung saan ang kaganapan ng pangyayari. Ilibot mo ang iyong mata sa paligid at mag-obserba. Gamitin ang iyong pang-amoy, panlasa, pandama, pandinig at paningin para ilarawan ang lugar upang mas lalo kang makakunekta sa mga mambabasa. S'yempre, isa ring mabisang paraan upang mapukaw mo ang atensiyon ng mga mambabasa ay kung paano mo isinalaysay ang kuwento. At panghuli, masasabi mong mabisa ang iyong pananakot kung ikaw mismo'y natakot sa iyong isinulat. Mas mainam kung isusulat mo kung ano ang iyong kinatatakutan. Pero bago ka magsimula, siguraduhing nakaplano na ang iyong panimula, gitna at kung paano ito wawakasan.

Winfour: Matagal ko na pong nakikita ang mga name ninyo sa ibang page. Ang totoo niyan, doon ko po kayo unang nakilala. Ano pong feeling ng pinag-uusapan ang gawa ninyo? Nakatutulong ba ito para mas ganahan ka o nakaka-pressure?

Ethan: Nakatutuwa naman dahil nabasa mo pa ang aking pangalan sa kung saan-saan. Haha! Sa totoo niyan, masaya ako sa tuwing nakikita kong pinagpipiyestahan ang aking akda sapagkat tumimo sa kanila ang aking isinulat. Lahat naman tayo'y matutuwa lalo pa't naging mabisa ang isinulat natin. Ganahan? Oo, masarap magsulat kapag alam mong may nakasubaybay sa akda mo. May mambabasa man o wala, masarap sa pakiramdam kapag naipahayag mo ang nais mong pabulaan. Pressure? Hindi naman. Bakit ba na-pe-pressure ang isang manunulat sa paglalatag ng kaniyang akda? Unang dahilan na riyan ay ang ekspektasiyon ng kaniyang mambabasa. Gusto niya, matutuwa ang mambabasa sa kalalabasan ng kaniyang isusulat kaya ang kinahihinatnan, siya mismo ang nagiging sunod-sunuran. Kung ano ang nais mangyari ng mga mambabasa, iyon ang kaniyang isusulat. At pangalawa, alam naman natin na lahat tayo ay may pinagkakaabalahan. Kapag ang manunulat ay hindi nakapag-update, nandoon ang posibilidad na mawala ang kaniyang mambabasa. Pinangungunahan siya ng takot kaya na-pe-pressure, lalo na kung sobrang tagal niyang itinengga ang istorya. Takot na mawala ang kaniyang mambabasa. Bilang manunulat, huwag mong hahayaan na ang iyong mambabasa ang masusunod sa isinusulat mong istorya. Huwag kang magpapadikta sa kanila. Isulat mo ang iyong nais.

Winfour: Saan po nagmula ang inyong pen name?

Ethan: Magandang katanungan iyan, Winfour. Servant, bilang kristiyano na naglilingkod sa simbahan, nais kong mangamkam ng mga kaluluwa na maipakikilala sa Panginoon. Laganap ang tukso sa mga kabataan kaya mas mainam na habang bata pa sila'y kilalanin at tanggapin na nila si Hesus bilang Panginoon at tagapagligtas. Rising, isa akong instrumento para maipahayag ang mabuting balita mula sa Panginoon. Na marami akong maipapakilalang kaluluwa sa kalangitan. Syaks, napakabanal naman yata ng username ko. XD

P A W E RTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon