Yellowlock

60 8 5
                                    


Mayroon na naman akong nauto para sumalang sa tanungan portion na ito. Uto-uto rin naman siya hahaha. Isa siyang hisfic writer. Siya ang sumulat ng Esta Escrito at La Escapador. Mahusay din siya. Talaga namang maaaliw kayong basahin ang mga gawa niya. Kilalanin na natin ang abnormal na ito.

****
----Writer's Information----
Facebook Name: Al Pombra
Wattpad Username: YellowLock
Gender: Female
****

Winfour: Hello dilaw! Kailan ka magiging blue? Hahaha. Kumusta ka?

Yellowlock: Kelangan ko ba tong sagutin? Siguro sa susunod na siglo. Haha. Mabuti naman, baka maging abnormal na din ako pagkatapos ng interview na ito.

Winfour: Huwag na nating patagalin pa, saan nagmula 'yang pen name mo? Trip lang ba 'yan o sadyang malalim ang pinaghugutan mo?

Yellowlock: May nakita kasi akong icon ng dilaw na candado sa taskbar. Walang ibig sabihin to. Hahaha.

Winfour: Maisingit ko na rin, ano? Gaano ka na katagal nagsusulat? May mga pagkakataon ba na nawawalan ka ng gana? Paano mo iyon nilabanan?

Yellowlock: Grade 4 ako noong nakapagsulat ako ng isang maikling kwento para sa isang contest sa school. Pero nung pinintasan ng teacher ko ang sulat-kamay ko, tinamad akong magsulat. Bumalik yung pagsusulat nung grade 7 (Year I noon) nung ginaya ko yung writing style ni Genoveva Matute sa informal theme namin tungkol aming karanasan bilang nasa puberty stage. Lol. Masasabi kong kapag sinimulan mong mahalin ang pagsusulat na nakakapagpasaya sayo, ilang beses man ipakita ng mundo na pangit ang gawa mo, babalik at babalik ka pa rin kasi iba talaga yung feeling pag nakatapos ka ng isang akda. Meron pang isang instance na nawalan ako ng gana. Noong sinusulat ko ang Esta Escrito (2013, unang nobela ko), bigla akong nawalan ng gana. Panahon kasi to na busy na ako sa pagwowork at lumipat ng tirahan. Nawalan ako ng feels magsulat sa wattpad pero hindi sa pagsusulat nakatulog lang siguro to sa sobrang pagod. Para putulin ang walang kwenta kong kwento, paggising ko isang umaga, parang gusto ko na ulit tapusin ang Esta Escrito. Kaya ngayon may tatlo na akong on going stories na excited sana akong isulat pero walang time kasi level up na ang work ko. Kaya yun, wala pa ring kwenta tong sinasabi ko. Hahaha. Pero kung papaano ko nilalabanan ang kawalan ng gana? Di ko to nilalabanan. Kung ayaw, wag pilitin. Lahat naman ng bagay may oras.

Winfour: Pawer!!! Kapag nag-pawer ako mag-pawer ka rin. Hahaha.

Yellowlock: Pawer!!! Inuuto mo ko eh

Winfour: Okay, nakapagsulat na rin ako ng hisfic noon pero collab iyon, ikaw, bilang isang hisfic writer, ano ang maipapayo mo sa mga manunulat na nagbabalak gumawa ng hisfic? May tips ka ba sa kanila?

Yellowlock: Una, pag-isipang mabuti ang gagawin. Nakakahiya kay Rizal kung magsusulat ka dahil uso lang. Panindigan mo teh/kyah. Pangalawa, magresearch sa setting ng kwento mo. Saang lugar? Anong era? Anong kultura at tradisyon noon ang maipapakita mo? Paano ang pakikipagtalastasan ng mga tao noon? May particular event ba kung saan nakaangkla ang iyong nobela? Pangatlo, sulatin mo to nang buong puso dahil ang pagsusulat ng tungkol sa kasaysayan ay kritikal, ikaw ang magpapakita ng kanais-nais at interesanteng bagay sa iyong mambabasa para mahalin nila ang kasaysayan. Pang-apat, magbasa ka rin ng ibang hisfic. Bukod sa maaari mong maging modelo ang ibang akda, makakatulong ka rin sa kanila, sa inyo, sa atin, para maiangat ang genre na ito. Para makapagsulat, dapat nakapagbasa ka na.

Winfour: Kung muling mabubuhay si Rizal at may pagkakataon kang kausapin siya, ano ang mga sasabihin mo?

Yellowlock: "How to be you po?"

Winfour: Kapag ba nagsusulat ng hisfic, kailangan talaga na may mga detalye na pang-kasaysayan o hindi na dahil fiction lang, o kahit 'yong setting na lang na pang-history okay na. May nabasa kasi akong confession noon, okay lang naman daw na wala masyadong detalyeng pangkasaysayan kasi fiction lang naman daw.

Yellowlock: Hahaha para sa akin, may detalye pa rin dapat na nagpapakita ng mga tradisyon at kultura noon. Edi sana wala na lang salitang 'historical' sa historical fiction. Fiction na lang tutal di ka naman na pala naglalagay diyan ng may kaugnayan sa kasaysayan eh.

Winfour: Kung ibabalik ka ng kapalaran sa taong 1892 sa kasagsagan ng pagiging manunulat mo, anong isusulat mo at bakit?

Yellowlock: I Love You Since 1892 hahahhahaha wala lang. Yung taon kasi eh. Hahaha

Winfour: Sa tingin mo ba, ano nang kalagayan ng literatura ng bansa ngayon?

Yellowlock: Nasa millenial generation na tayo. Malamang ang mga kabataan ngayon, nahihilig sa kung ano ang bago, ano ang patok, ano ang gusto ng karamihan, ano ang naabot ng kanilang isipan. Di kasi sila nakakarelate sa mga 'dapat binabasa' dahil mga literary canon kasi ang gumagawa ng mga listahan ng mga 'standard' na literatura. Tignan mo ang agwat ng edad nila, napakalayo. Sa tingin ko, nasa stage ang literatura natin kung saan naghahanap ang mga mambabasa ng parang samyang.
Uso, madaling gawin, at bago sa panlasa. Kahit na ang totoo, di naman talaga masarap. Nakiuso lang sa samyang challenge

Winfour: May ibabahagi ka ba sa mga mambabasa natin na puwedeng makapagpalakas ng moral nila sa pagsusulat?

Yellowlock: Di ako magaling makapagpalakas ng moral eh. Siguro mas mabuting magsulat na lang sila kahit walang makakapagpalakas ng moral nila kasi kahit anong sabihin natin, sila pa rin naman ang magdedesisyon kung iaangat nila ang sarili nila o magmumukmok sa sulok na feeling nila sila na ang pinakadown na tao kahit mas marami pang mga taong 6 feet under them.

Winfour: Bilang isang manunulat, paano mo binabalanse ang dalawang genre na romance at hisfic? May ilan kasi na natatabunan na ang hisfic.

Yellowlock: Sa totoo lang, hindi ako mapagtimpla sa akda ko. Kung ano ang lumalabas sa utak ko, yun talaga ang isinusulat ko. Kaya tignan niyo yung gawa ko, sabog. Parang tong sagot ko. Hahahaha. Pero seryoso, kung gusto nating mas pagtuunan ng pansin ang balanse ng tema ng ating ginagawa, gumawa ng outline ng mga pangyayari at iclassify kung nasaan ang kilig moments at historical events sa kwento.

Winfour: Sa iyong palagay, anong mas mainam? Nagsusulat nang may puso o nagsusulat nang may utak? Hahaha. Pawer!!!

Yellowlock: Nagsusulat nang may kamay. Pawer!

Winfour: Sa tingin mo, may panahon ba talaga para tumigil tayo sa pagsusulat o kailangang magsulat lang tayo nang magsulat?

Yellowlock: Kung ayaw, wag pilitin. Kung para sayo, sayo talaga. Walang pilitan sa pagsusulat. Hindi nadidiktahan ng utak na pagod ang kamay na mas pagod pa.

Winfour: Panghuli, kung may tatlo kang kahilingan para sa Philippine Literature, ano ang mga iyon at bakit?

Yellowlock:
1. Sana as dumami pa ang gustong magsulat para magmulat
2. Sana gumanda at pumogi lahat ng nagsusulat para quits lahat
3. Sana mas tumalino ang mga Pilipino para hindi iboto si Mocha Uson sa senado

Winfour: Salamat sa pagsasayang mo ng oras sa kabaliwan ko. Hahaha. Sabay tayong mag-pawer! hahaha. Baka may nais kang i-promote na akda mo, dali, habang wala pang bayad. Hahaha.

Yellowlock: Pawer! Pakibasa po ang Domino, Read at Under the Rain. Salamat. Hahahahaha

***
Okay, ngayon ko lang na-realize na sa lahat ng na-interview ko ito ang pinakaabnormal hahaha. Isang pawer para dito. Bigyan ng jacket 'to na gawa sa cactus!

P A W E RTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon