Pilosopotasya

162 16 3
                                    


Watchap! Siguradong matutuwa kayo sa next guest natin. Kilala siya bilang sumulat ng 23:11, ang author na dahilan para bigyan din natin ng kahalagahan ang mga Epistolary novel. Mabait siya, hindi kami close pero feeling close ako. Hahaha. Nararamdaman kong mabait siya, makulit at makulit pa rin. Pakiramdam ko lang naman. Hahaha. Okay, tara! Alamin natin kung may meaning ba ang kulay ng buhok niya. Ang cute-cute kasi.

***
----Writer's Information----
Facebook Name: Rayne Mariano
Wattpad Username: pilosopotasya
Gender: female
***

Winfour: Hi ate Rayne! Pasensya na sa kakulitan. Kapag sinabi kong pawer mag-pawer ka rin, a. Sasamantalahin ko na ito para utuin ka. Hahaha. Pawer?

Rayne: .....

HAHAHAHAHAHA.

Winfour: Kumusta po kayo?

Rayne: ito, kyut pa rin.

Winfour: Salamat po sa pagpatol sa interview na ito. Bibihira na lang po ang mga cute na tulad natin kaya magtatanong na po ako. Una, gaano na po kayo katagal nagsusulat? May mga oras bang may naging problema sa pagiging manunulat mo?

Rayne: 10 years na po akong nagsusulat online bilang semi-jejemon. Ang pinaka balakid sa pagsusulat ko ay school kaya ang maipapayo ko, huwag na mag-school, nakakasira ng pagsusulat.

Winfour: Curious ako, ate, hahaha. Dati nakita ko, iba kulay ng buhok mo, may meaning po ba iyan bukod sa cute. Haha.

Rayne: Wala naman. Gusto ko lang talaga maging kyut, ganon.

Winfour: Alam kong medyo makulit ako, ikaw po, as a published author, paano mo pinakikisamahan ang mga makukulit na fans na katulad ko? May iba kasing author na siguro naiirita na sa kakulitan ng fan.

Rayne: Hmmmm, wala akong fans, eh. Hindi naman ako artista. Readers lang ang mayroon ako at kung makulit sila like pm nang pm, keri lang, basta hindi sobrang aasa sa reply dahil hindi talaga ako magaling mag-reply lalo na kung hindi ito super importante talaga or hindi naman life and death situation. May mga pagkakataon din kasing nawawala sa isip ko o 'di kaya mga months pa inaabot bago ako makapag-reply.

Nasagot ko ba 'yong tanong? Hahahaha. A reader is a reader no matter what; tao naman tayo lahat. Treat them as how they should be treated.

Winfour: Isa rin po akong writer, alam ko pong dinanas mo na rin ito. May mga pagkakataon talaga na mapapaisip tayo kung bakit tayo nagsusulat at para saan ito. Minsan din, nagkakaroon tayo ng pagdududa sa sarili natin, para sa atin ba talaga ang pagsusulat o dumating lang ito para iwanan din tayo someday? Paano n'yo po nilalabanan ang ganitong karanasan?

Rayne: Every now and then, may pagkakataon talagang magdududa tayo sa sarili nating kakayahan pero fleeting feeling lang ito sa akin. Para hindi ko masyadong ma-feel ang self-doubt, I stop looking at other's success and focus on my own journey.

Winfour: Saan n'yo po hinugot ang Pilosopotasya? Pilosopo po ba kayo? Hahaha.

Rayne: Oo, eh. Haha.

Winfour: Ako, 3 years na akong nagsusulat pero hanggang ngayon parang nagsisimula pa rin ako, ilang writing contest na ang sinalihan ko pero still, nagsisimula pa rin ako. Ano pong maipapayo mo sa mga tulad kong nagnanais na someday maging katulad ninyo?

P A W E RTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon