chapter 25

2.7K 47 5
                                    

Dens pov.

Aishhh!! Nasaan ba kasi nag punta yon? 2am na wala padin si alyssa. Nagaalala ako kung saan ba nagpunta yon. Baka pag may nangyaring masama doon eh kasalanan ko pa.  teka nga lang Matawagan nga..

Besh ly dialing. ..

(The subscriber cannot be reach, please try again later.)1st attempt. Hanggang umabot sa 3rd attempt wala padin..

Aishh!! Ano ba yan! pano ko makakatulog nito huhu! Tama naman diba ang sinabi ko sakanya? Ayaw ko naman paasahin yung tao. At higit pa doon ayoko ng may makaalam sa sinabi nya sakin. Dito pa naman sa ateneo wala pa akong alam na naga-out maliban kay michelle morente.
Ayoko lng mapagusapan kami lalo na minsa'y naglaro kmi sa uaap eh may bansag na saamin kaagad na alyden.yuck straight po ako at may boyfriend maygosh!
Napagawayan pa nga namin to ni L.a sabi nya bawas bawasan ko daw kasi pagiging clingy lalo na kay alyssa. Ang sabi ko pa naman bakit pake ba nila? Eh bestfriend ko naman si ly ha.
Bat ba ganoon ang mga tao porket close lang eh bibigyan na nila ng malisya? Minsan tuloy nakakailang na maging clingy sa court eh ako pa naman ganon kina ella, mae tajima kiwi lalo na kay ly. Ngayon babawasan ko na hanggat maari lalo na't may feeling pala tlaga sakin si alyssa. Haysss.

Naputol ang pagiisip isip ko ng.may marinig akong kotse sa baba alam.kong si alyssa yon tunog palang ng makina alam kong sya na yon. Time check 3:45am.

Tinignan ko sya sa labas ng bintana at nakita kong may kasama itong babae di ko na naaninag pa  dahil nakapasok na sila sa 1stfloor ng building namin.so nahiga na kong muli sa kama namin. At nakita ko magkadikit parin pala ito. Kaya naisipan ko na paghiwalayin na muna ito. Pag tapos ay humiga na akong muli.

Hmm?? Ang tagal naman nya yatang makaakyat? Knina pa silang dumating nung babaeng kasama nya ha? Inaantok na talaga ako at hindi ko pading makuha na makatulog kakaisip nga sakanya , tulad ngayon kung sino ba yung kasama nya jusko naman dis oras na ng gabi no, madaling araw na pala bat may kasama pa sya? Siguro yun yung pinuntahan nya kanina. Teka, bakit ko ba sila iniisip. Basta ang saakin lang ay nakauwi na sya at wala na akong dapat ika'kaba o ikabahala pa.! Hays. At nagtalukbong nalang ako ng kumot ko.

Ilang sandali pa narinig ko ang pag bukas ng pinto. Alam kong si alyssa yon. Narinig ko pa ang pag buntong hininga nya. At yung pabulong nyang sinabi "kailangan paghiwalayin pa tlga?"

Pumikit na laman ako ng mariin upang makatulog na tlga. Narinig ko naman si alyssa na nagtungo sa shower room namin  at doon ay kusa na akong nagpadala sa pagdalaw ng  aking"antok"

-
Lys pov.

Paakyat na ako ng 2nd floor, at nanginginig kong binuksan ang pintuan ng room namin ni dennise at dahan dahan akong naglakad upang hindi makasanhi nh ano mang ingay. At ng makarating na ako. Napabuntong hininga na lamang ako ng makita kong hiwalay na ang higaan namin ni dennise. Sa tagal na din naming magkasama nasanay na akong katabi sya matulog. Pero ganoon naman talaga siguro. Wala na, sira na. Hindi ko kasi inisip na pwede itong mangyari. Ang "pagiwas sakin ni dennise" tinake ko ang risk ng friendship namin dahil lang sa lecheng nararamdaman kong ito! Bigla nanamang tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Kaya nama'y dumeretcho na ako ng c.r at nagsimula na lamang akong maghilamos doon. Kasi kanina pa namamaga itong mga mata ko. First attempt.  First ding nariject. Di ko naman ninais na maging positibo yung tugon nu dennise sa mga nasabi ko dahil alam ko naman na may boyfriend yung tao at second, alam kong Straight si dennise. Ako din naman alam ko straight din ako dati pero ano bang nagyari? Basta ang akin lang naman masabi ko sakanya kung ano yung nararamdaman ko kasi. Sa totoo lang para nakong sasabog. 4:30 na may ilang oras pa naman ako para makaidlip saglit tutal nakapag halfbath naman na ako kahit papaano'y mamaya e mag bibihis na lamang ako ng pang training.

Humiga na ako at  napatingin sa babaeng katabi ko nakaharap na sya saakin suot padin nya ang eyeglass nya. Kaya naman lumapit ako at tinanggal iyon sakanya maaring nakalimutan nya lamang tanggalin inilagay ko ito sa side table namin.

Umupo muna ko at pinag masdan si dennise.

"Sorry den kung umabot tayo sa ganitong sitwasyon, pabayaan mo makakalimutan ko din ito kung kinakailangang iwasan kita gagawin ko. Bigyan mo lamang ako ng kaunting oras para gawin iyon."

At humiga na ako't natulog na..alam kong mamaya ito na ang simula ng pagbabago ko at pag babago saaming dalawa ni dennise. Alam ko ganoon din si dennise saakin. Mahirap man para saakin pero kasalanan ko din naman bat ba kasi ako nahulog sa Bestfriend ko and worst? pareho pa kaming babae. Kaya naman maiintidihan ko si dennise kung ngayon palang ay naiilang na sya saakin. Maaring sa umpisa pa lamang mahihirapan akong tanggapin ito pero alam ko makakasanayan ko din naman ito.kailangan ihanda ko na lamang ang sarili ko sa mga bagay o maaring mangyaring masasakit. Dahil ako din naman ang may kasalan.wag na akong mag inarte pa.

Pero yung nangyari kanina si laura. Parang sya pa naging daan para malaman ko kung ano ba talaga ang preference ko sa buhay.grabe di ko inakala na mangyauari yung ganoon ha. Wala sa bokabolaryo ko yung malapit na sana naming nagawa.

Baka maaring sya pa ang makatulong sakin na mas ma explore pa ang mundong hindi ko akalain na papasukin ko.

Sa aking pagiisip bumigat nadin ang talukap ko at tuluyan ng nakatulog..
-
Hello sa mga readers sorry tagak ng Ud haha? Yaan lamang naglaro sa isip ko ngayon e. Fanfic lamang po ito pero paano kaya kung totoong nailove pala sila sa totoong buhay no? Haha minsan ba naisip nyo rin yon? haha impossible diba? Pero baka malay natin naging posible din pala.
Love lots!

"Kisap Mata"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon