<A/N>Thank you po sa followers ko! Pati po sa readers ko! 176 readers na po tayo! Go lang ng go!
ACE POV
Naglalakad kami ni Keila sa corridor tapos ang daming nabati sa kanya. Ang hirap pag may kasamang maganda. Haha! Syempre supportive boyfriend! Soon to be!
Mamaya kasi, may plano kami ni Ken( kuya ni Keila, tawag minsan ay Jetro) na naka set up para sa kanya. At kinakabahan talaga ako.
"Ah, hubby, andito na ako sa aming classroom."
"Ah, okey wifey." Inabot ko sa kanya yung bag niya. Binibitbit ko kasi eh. Syempre, ayoko mapagod si wifey.Ang lakas ng epekto sa akin ni Keila. Tunay nga yung sabi ng iba na mahina si Superman pag wala yung kryptonite nya.
Ako, kahit na malakas ako, malupit makilaban, pag wala na si Keila sa tabi ko, nanghihina ako.
————
Natapos na din ang klase sa wakas. Pagka labas ko agad, tumawag na ako kay Ken.
"Dre, ayos na ba ang setup diyan?"
"Oo naman, ready na ako, galingan mo ah!"
"For Keila."End call
Sa hindi malayuan, nakita ko siya kasama yung best friend niya. Ally nga ba pangalan niya?
Nakita ako ni Keila kaya lumapit siya.
"Hubby, nandito ka pala." Ngumiti sa akin si Keila. Ang ganda talaga nya. Ang swerte ko talaga sa kanya.
"Ah, okay beshie ha, iwan ko muna kayo." Umalis na si Ally na halatang kinikilig sa aming dalawa ni Keila.
"Date tayo?"
Ngumisi ako. Namula si Keila. Haha, ang cute nya."Uhm, basta treat mo!"
Nung may pagkakataon na akong hilahin sya, hindi ko na pinalagpas. Hinila ko sya papunta sa lumang bahay namin. Dito na gaganapin yung surprise.
"Bakit tayo andito? Akala ko pagkain?"
Natawa ako, ang takaw nya eh. Kahit payat.
"Oh, anong nakakatawa?"
"Eh ikaw! Haha! Ang takaw mo! Kung papipiliin ka, pagkain o ako?"
Nagulat sya sa tanong ko. Pati din naman ako nagulat sa sarili ko eh.
"Ah, sorry.....nabigla lang ako."
"Ace..... pipiliin kita kasi pag pagkain mamamatay ako 3 weeks pag wala, pero ikaw, kahit isang segundo, di ko na kaya pag nawala ka."
Nagulat ako sa sagot nya, akala ko awkward sa kanya.
Perfect moment na ito. Hinila ko sya papunta sa likod ng sasakyan ko.
"Buksan mo." Sabi ko.
"Hala, baka may kung ano dito!"
"So wala kang tiwala sa akin?"
"Ah, bubuksan ko na hubby."Nung binuksan niya, lumabas yung tarpulin na may balloons na nakalagay
'Will you be my official girlfriend?'
Naiyak sya at hindi ko alam kung sa tuwa o hindi na nagpakaba sa akin.
"Ace.......it's a yes."
"Ano sabi mo?"
"Sabi ko yes! Tayo na oficially!"Tuwang tuwa ako at talon ng talon ako na para bang bata. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Kami na!" Sigaw ko.
Natawa nalang si Keila sa inasal ko.Basta sobrang saya ko, yes!
Yun lang ang alam ko.
.....
<A/N>
Pumunta po kayo sa profile ko, may makikita po kayong tanong duon.
"Book 2 of paano kapag sawi or next book?"Love you 😍 guys!
BINABASA MO ANG
Paano kapag sawi?||COMPLETED||
FanficStory ito ng isang babae na hindi nag wawagi sa pag ibig. May lalaking tutulong sa kanya pero akala nya destined sila. False alarm lang nga ba? Hey guys! This is my first story! Started: November 24, 2017 Finished: Feb.4, 2018