Chapter 24: Chae Shin's Side

1.6K 57 4
                                    

A/N: Last 2 chapters na lang then tapos ang story ni Vince at Chae Shin. Sana nagustuhan ninyo ang story nila. 

__________________________________________________________________________________________________

Chapter 24:Chae Shin's Side

Chae Shin POV

Alam kong naguguluhan na kayo kung bakit nga ba matagal akong nawala. Unang - una sa lahat hindi ako umalis ng dahil lang sa pinagtabuyan ako ni Vince. Umalis ako kasi may malaki akong rason, kaya kahit masakit na iwanan ang anak ko umalis pa rin ako. Alam ko naman kasi na hindi siya papabayaan ni Vince, kaya naging kampante ako ng umalis ako kahit masakit. Pero bago ako tuluyang umalis ay pumunta ako sa anak ko para magpa - alam.

Flashback

Matapos namin mag - usap ni Vince kaagad niya akong iniwanan para puntahan ang anak namin. Habang ako naman ay nagpasiya na magpalipas muna ng oras para makapag - isip - isip. Makalipas ang ilang oras kaagad akong nagtungo sa kwarto ng anak ko, salamat sa Diyos at gising na siya.

"Baby magagalit ka ba kay mommy kapag iniwan kita." Saad ko sa anak kong tila naguguluhan sa sinasabi ko.

"What do you mean mommy, aalis ka po ba? Sino na po ang magbabantay sa akin?" Wika ng anak ko na unti - unting nangingilid ang luha.

Ito ang ayoko sa lahat yung nakikita ko ang anak ko na umiiyak. Masakit pero kailangan kong gawin ito para sa ikabubuti ng lahat. Kahit sinong ina naman masasaktan kapag nakita nilang umiiyak ang anak nila.

"Baby ganito kasi iyon, may mga bad guys na gustong pagtangkaan ang buhay mo at buhay ni daddy. Di'ba sabi mo gusto mong maging complete family tayo." Saad ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang mga luhang pumapatak sa mata niya.

"Opo. Gusto ko po happy family tayo, ibig sabihin po ba nito si daddy muna ang makakasama ko."

Ito ang gusto ko sa anak ko kahit bata pa ay madali na siyang umunawa sa mga bagay - bagay sa paligid niya.

"Pero huwag kang mag - alala baby kita mo ang suot mong relo, diyan ka kokontakin ni mommy palagi. Pero promise me baby na tayo lang dalawa ang nakakaalam nitong plano natin, para matalo natin ang mga bad guys."

"Opo mommy promise po, magiging good boy din po ako kay daddy."

Mabuti naman at madaling pumayag ang anak ko. Gustuhin ko mang isama siya pero hindi maaari kasi baka mapahamak lamang siya. Masakit para sa akin pero panatag naman ang loob ko na ligtas siya sa piling ng daddy niya. Gusto ko mang magtagal pa pero kailangan ko na talaga umalis kaya pikit mata akong nagpaalam sa anak ko. Dahil alam kong matagal - tagal akong mawawala.

Lumipas ang ilang linggo na hindi kami nagkakasama ng anak ko. At batay sa nakikita ko ngayon ay tila nalulungkot pa rin siya. Gusto ko mang lumapit pero hindi pwede dahil may mga matang nagmamasid sa kanila at iyon ay ang tauhan ni Pauline. Yes, tama kayo sa simula't sapul siya ang may pakana ng lahat. Kaya kaagad kong tinawagan ang anak ko para sabihin na magpanggap na mayroon siyang sama ng loob sa daddy niya. Noong una ay hindi ito pumayag pero kalaunan ay unti - unti na niyang naiintindihan ang lahat.

Hanggang sa isang araw nalaman kong buntis na pala ako. Kaya sa tulong ni Celena pinatira muna niya ako sa isang bahay niya sa New York. Lumipas ang panahon na ipinanganak ko ang isang napakagandang prinsesa. Katie ang pinangalan ko sa kaniya kasi ang kaibigan kong si Celena ang pinaglihihan ko. Gaya ng plano namin ng anak kong si Iverson ganoon din ang ginawa namin ng anak kong babae. Umalis ulit ako ng walang kaalam - alam si Celena na ang kasama na pala niya ay ang kakambal kong si Ra Eun. Yes, tama kayo ng basa may kakambal ako at iyon ang isang dahilan kung bakit umalis ako. Bata pa lang kami ng magkahiwalay kaming dalawa. Hanggang sa nalaman ko na binihag pala siya ng isang organisasyon, doon ay naranasan niya ang hirap sa buhay.

Kaya nang malaman ko kung nasaan siya, kaagad akong sumugod upang mailigtas siya. Dala siguro ng galit ko napatay ko sila ng walang kahirap - hirap. At iyong na - comatose kunyari ako lahat iyon ay kasama sa plano. Pati na din ang doktor na palagi nakakausap ni Celena ay isa sa mga assassin ko. Kung naguguluhan kayo totoong na - comatose si Ra Eun na siyang pinalabas ko na ako. Dahil alam kong bawat galaw ko ay may nagmamasid na tauhan ni Pauline at ng ama niya. At dahil sa tulong ng doktor/assassin ko madali naming napaniwala na ako si Ra Eun.

Habang si Celena ay walang kaalam - alam sa nangyari. Hindi sa wala akong tiwala sa kaniya, minabuti ko lang na hindi na sabihin sa kaniya dahil ayokong mapahamak siya. Kaya nga habang nagpapanggap na comatose ang kambal ko isa - isa kong pinabagsak ang negosyo nina Pauline. Ito rin ang labis na dahilan kung bakit galit na galit si Pauline sa mga anak ko.

Kaya nga ng malaman ko na may balak siyang patayin ang isa sa anak ko kaagad akong nagtungo sa ospital. Nalaman ko din kasi na bukod sa amin balak niya din na patayin ang parents ni Vince. Kaya kaagad akong nagpunta kina tita para sabihin sa kanila ang lahat sa tulong ni Clark. Kung nagtataka kayo kung sino si Clark siya ang kambal ni Katie. Walang ibang nakakaalam na may kakambal si Katie kundi ako lang. Dahil kinausap ko ang doktor na nagpa - anak sa akin.

Ginawa ko iyon dahil alam kong paglaki niya ay malaki ang maitutulong niya sa akin. Kaya nga alam ko ang nangyayari sa paligid dahil ng bunso ko, na siyang kakambal ni Katie. Magaling kasi siya sa iba't ibang teknolohiya. Sa katotohanan nga niyan siya ang gumagawa ng ibang granada na gagamitin ko. Nalaman ko din kasi na may balak siyang nakawan ang kompanya nina Vince kaya kaagad akong umaksyon. At nagpapasalamat ako na naging matagumpay ang plano namin. Kaya kaagad dinala si Pauline sa hideout nina tita o sabihin na natin sa mismong torture room.

End of Flashback

"H - hey Mommy bakit tulala ka diyan kailan mo ba ako papakilala kay daddy at saka sa mga kapatid ko." Saad ni Clark na tila naiinip na yata.

Kung tatanungin ninyo kung nasaan ako ngayon well nasa hotel kami ngayon ng anak ko. Matapos ko kasing maipaliwanag sa kanilang lahat sa ospital kaagad akong umalis. Mabuti na lang at naunawaan ako ng mga anak ko, sinabi ko kasi sa kanila na mayroon akong surprise at ito nga ay si bunso.

"S - Sorry baby may naisip lang si mommy, so ready kana bang makilala si daddy at ang mga kapatid mo." Saad ko sa kaniya habang nakangiti.

"Yes mommy but please don't call me baby cause I'm not a baby anymore." Wika ng bunso kong si Clark habang naka - pout.

Ewan ko ba sa batang ito 10 years old pa lang naman kung makaasta daig pa niyang matanda. Kasalukuyan kasi kaming nag - eempake ng mga damit dahil lilipat na kami ng bahay. Actually nasa hotel lang kasi kami namamalagi kaya nga sabi ni tita sa bahay na nila kami tumira, tutal sila lang naman daw ni tito ang tao doon maliban sa mga katulong nila. Isa pa gusto din nilang makilala si Clark ang isa pa nilang apo.

This is it. Walang problema, walang gulo lahat ay masaya na.

_____________________________________________________________________________________________________________________

A/N: Finish with this chapter. Next chapter na malalaman ninyo na din kung anong nangyari kay Pauline. Kung namatay nga ba siya o nabuhay.

Thank you din guys sa mga patuloy na sumusuporta sa story na ito sa mga hindi nagsasawang magbasa, mag - vote at mag - comment, thank you talaga. HAHAHAH

READ. VOTE. COMMENT.

He's A Brutal Demon (GS1 - Second Generation) #MLTimes2018 #BBA2018 #TOA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon