Chapter 25: Last
Vince POV
Fuck.
Pwede pamura lang ng isa hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko sa sobrang saya ng nararamdaman ko. Ngayong ayos na kami ng mga anak ko, humingi din sila ng tawad kung bakit ganoon ang inakto nila. All this time kasama lang din pala iyon sa plano ni Chae Shin. Pero hindi ko maiwasan ang hindi magalit sa Pauline na iyon, anong karapatan niyang pagtangkaan ang buhay ng anak ko at ng parents ko.
Tapos malaman - laman ko na may balak din pala siyang pagnakawan ang kompanya namin. Puwes manigas siya dahil kahit anong gawin niya hinding - hindi niya ako maiisahan. Tama na ang pagiging gago ko noong mga nakaaran, nabulag lang ako sa galit ko kay Chae Shin. Pero ang totoo pala kaya ako nagagalit sa kaniya, kasi hindi matanggap ng isip ko na iniwan niya kami ng basta - basta na lang. Ngunit ng malaman ko ang rason kung bakit siya umalis, tila napawi na parang bula ang galit ko sa kaniya. At noong oras na hinalikan niya ako, hindi ko alam pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na tinutugon ang halik niya. Ang labi niyang napakatamis at lambot na ang sarap ulit - uliting halikan.
Shit. Ano ba itong naiisip ko tungkol sa kaniya sumasaludo tuloy si superman. Nararamdaman ko talaga ang init sa katawan ko, kahit ang lamig naman dito sa restaurant. Well actually nandito kasi kaming lahat dahil hinihintay namin si Chae Shin. Ewan ko ba kung anong sorpresa ang sinasabi niya mayroon daw kasi siyang papakilala sa amin. Siguraduhin lang naman niya na hindi kasintahan ang ipapakilala niya dahil tiyak na makakapatay ako ngayong oras. Pero hindi pa rin makakaila na hanggang ngayon saludong - saludo pa rin ang superman ko.
"Hey daddy okay ka lang ba? Bakit parang natatae kang ewan?" Wika ni Iverson na tila nagtataka sa kinikilos niya.
"H - huh okay lang ako a--------------"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang tumayo ang anak kong si Katie at nagpunta sa direksyon ni Chae Shin. Teka akala ko ba may kasama siya nasaan yung papakilala niya DAW sa amin.
"Akala ko may kasama ka, nasaan na siya?" Wika ko sa kaniya habang tinititigan ko siya sa mata niya.
"Nasa cr lang si Clark pero papunta na din siya dito." Saad ni Chae na palinga - linga sa paligid.
Fuck. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako ng marinig ko ang pangalan ng lalaking kasama niya. Talagang palinga - linga pa siya sa paligid, mukhang mahalaga sa kaniya ang Clark na iyon.
Tsk.
Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong magbasag ngayon. Lintik na buhay naman ito may asungot pa yata akong karibal sa babaeng ito. Hamak naman na mas maganda ang pangalan ko sa Clark na iyon, ang bantot kaya ng pangalan niya.
"Hindi pa ba tayo oorder, kanina pa kasing nagugutom ang mga bata." Wika ko habang naka - poker face.
Ewan ko ba kanina naman excited pa ako kasi sa wakas mabubuo na ang pamilya namin. Mukhang nagkamali yata ako kasi may asungot na Clark siyang ipapakilala. Takutin ko na lang kaya siya para huwag na siyang manggulo pa sa amin ng pamilya kong bubuuin.
"Mommy, mommy ko I'm here na where's daddy?" Wika ng isang batang lalaki na kamukhang - kamukha ni Katie.
"Ayun si daddy lapitan mo na siya." Chae Shin said while pointing her finger to my direction.
Hanggang sa nagulat na lang ako ng lapitan ako ng batang lalaki at nagpakilala na siya daw si Clark. What the eff. Don't tell me anak ko ang lalaking pinagseselosan ko. Ang tanga ko nagseselos pala ako para sa wala. HAHAHAH
Chae Shin POV
Tingnan mo itong si Vince daig pa ang siraulo, kanina lang parang papatay siya ng tao. Tapos ngayon naman daig pa niya nakatira ng isang box na katol, paano ba naman pangisi - ngisi mag - isa. Hindi niya ba alam na daig pa niya ang baliw sa pinagagagawa niya. Nawala lang ako ng matagal nasiraan na yata siya ulo niya.
At kung itatanong ninyo kung ano ang nangyari kay Pauline na malandi, well nasa mental ospital na. Hindi kasi lingid sa kaalaman ng marami, matagal na palang may sira sa ulo ang Pauline na iyon. Kaya naman pala ganoon na lang siyang umaasta kasi may sira pala siya sa ulo. Habang ang ama niya naman ay nakulong dahil sa siya pala mismo ang nagsabi na patayin ang parents ni Vince. Nalaman din ng mga police na isa din pala siyang drug lord kaya malakas ang kaso na makulong siya.
Hmmm . . . At kung tinatanong ninyo naman kung nasaan ang kambal kong si Ra Eun, nakalingkis na sa braso ni Alexis. Kahit kailan talaga walang kahihiyan ang kapatid kong iyon, alam niya naman na may batang kaharap sige pa rin siya. Ewan ko ba kung ako lang ang nakakapansin pero parang may something kay Steven at Celena.
"Hey Chae Shin are you listening, ang sabi ko kailan ang kasal ninyo ng anak ko?" Dahil sa sinabi ni tita hindi ko maiwasan ang hindi mabilaukan.
Grabe naman si tita bigla kong magtanong, at saka bakit ako ang tinatanong niya. Hindi naman ako ang magpro - propose para masagot ko ang tanong ni tita. At saka hindi ko din alam kung gusto nga ba akong pakasalan ni Vince. Malay ko bang may iba palang babae na gusto niyang pakasalan at ang masakit ay hindi ako iyon.
"H - Huh tita bakit ako ang tinatanong ninyo, malay ko kung gusto nga ba akong pakasalan ng anak ninyo." Saad ko kay tita habang iniiwas ang tingin kay Vince.
Hanggang sa nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa direksyon ko. Walang sabi - sabi na inigat niya ang kamay ko, naramdaman ko na lang ang isang bagay na malamig sa daliri ko. Halos lumuwa ang mata ko ng makita kong singsing ang isinuot niya sa akin. Husay siya na talaga, siya na talaga ang walang ka - sweet - sweet sa katawan. Hindi ko nga alam kung bakit niya ak-----
WILL YOU MARRY ME CHAE SHIN PARK.
__________________________________________________________________________________________________________________
A/N: Next na ang Epilogue. Sorry na daw kasi wala kasing alam sa pagiging sweet si Vince. HAHAHAHAH
By the way, thank you sa sumuporta sa story ko na ito. Thank you thank you talaga guys. Support niyo din po ang next story na gagawin ko. Hehehe
Read. Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
He's A Brutal Demon (GS1 - Second Generation) #MLTimes2018 #BBA2018 #TOA2018
RomanceBook 2 of "The Childish King of Gangsters" He's Cold . . . He's Unbreakable . . . He's Brutal . . . He's Demon . . . in short . . . He's A Brutal Demon!!! May puwang pa ba sa PUSO niya ang sinasabi nilang PAGMAMAHAL o mananatili na lamang siy...