Chapter 19: Hurt

1.5K 54 3
                                    

A/N: Plug muna guys :)

1. Being A Fangirl by: YashashreeAmora

2. Does Forever Exist by: GorgeousTerminator

3. I'll Keep The Memories by: Stichllyash

4. Miss Childish Meets Gangster Prince by: Alughst8

5. Shut Up or I'll Make You Shut Up by: Saitama_chan

6. The Nerd and The Devil by: TheGurlYouHurt

___________________________________________________________________________________________________________________

Chapter 19: Hurt

Steven POV

Ewan ko ba sa batang ito at hanggang ngayon nandito pa rin kami sa mall. Halos mag - iisang oras na yata kaming naghihintay pero hanggang ngayon hindi pa rin dumadating ang taong hinihintay namin. Hindi ko lang alam sa batang ito kung sino ba ang hinihintay namin at mukhang sabik na sabik sa taong hinihintay niya.

"Iverson sino ba talagang hinihintay natin dito mukhang hindi na naman ata dadating ang hinihintay natin."

"Ano ka ba naman daddy hintay lang kasi paparating na siya ka--------------------"

Hindi na naituloy ni Iverson ang kaniyang sasabihin ng bigla na lang may yumakap sa kaniyang babae na sa tingin ko ay may sampung taong gulang na ito.

"Waaaahhh . . . Kuya miss na miss talaga kita sa wakas nagkita na rin tayong dalawa." Wika ng batang babae habang yakap - yakap si Iverson.

Teka kuya ang tawag niya meaning magkapatid silang dalawa pero nasaan na ang mommy ng batang ito. Nasaan si Chae Shin bakit siya lamang ang wala dito. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita sa amin.

"Tsk. Katie pwede bang hinaan mo ang boses mo pinagtitinginan tuloy tayo ng mga tao dito sa mall."

"Sa namimiss ko ang gwapo kong kuya teka lang kasama mo ba si daddy nasa--------------------"

Patay na. Hinahanap niya ang daddy niya paano kaya ipaliliwanag sa kaibigan ko na may anak siya ulit. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ang anak niyang ito na talaga naman biniyayaan ng taglay na kagandahan.

"Hi Katie natatandaan mo ba ako it's me your tito Steven."

"OMG. You're here too tito daddy by the way where's my daddy kasama na naman niya ba ang babae niya."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa batang ito. Alam ninyo na parehas kasi silang may sama ng loob sa kanilang daddy. Ewan ko ba kung bakit palagi nilang sinasabi na may babae ang daddy nila. Lintik na muntikan ko pa lang makalimutan may higad nga palang umaaligid sa kaniya at si Pauline siguro ang tinutukoy ng mga batang ito na babae ng daddy nila.

Ang mabuti pa ihatid ko na lang silang dalawa sa opisina ng kanilang daddy para naman makita ng mga ito ang ama nila. Habang nasa biyahe walang tigil ang kwento ni Katie na halata mong miss na miss niya talaga ang kuya niya. Nagtataka siguro kayo kung paaano nangyari na may kapatid si Iverson well sa ngayon hindi ninyo pa malalaman. Hindi ko namamalayan na nasa building na pala kami ng kompanya ng kaibigan ko.

Ewan ko ba parang ang weird ng tao sa opisina niya paano ba naman parang mababakas sa mga mukha nila ang pagkabahala. Kilala kasi nila si Iverson na anak ng boss nila kaya siguro nababahala sila na baka magtalo na naman ang mag - amang ito. Habang papalapit kami ng papalapit sa opisina ng boss nila lalong nagiging weird ang mga tao dito ano bang problema ng mga siraulong ito. Hanggang sa nagulat na lang kaming tatlo nina Iverson sa nadatnan naming eksena kaya kaagad kong tinakpan ang mata ni Katie dahil ayokong makita niya ang kababuyang ginagawa ng ama niya at ng higad na Pauline na iyon.

He's A Brutal Demon (GS1 - Second Generation) #MLTimes2018 #BBA2018 #TOA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon