Chapter 1: Scared to Death

3K 93 13
                                    

A/N: So Eto na guys, sisimulan ko na ang chapter 1 ng story na ito by the way sana magustuhan ninyo ang first chapter.

Thanks Guys. Lovelots :)

____________________________________________________________________________________

Chapter 1: Scared To Death  

Luigi POV

Ito ang pinakagusto ko sa lahat iyon tipong napapaurong na lang ang kalaban namin kapag nakikita ang grupo namin na parating lalong - lalo na ang leader namin na si John Vince o JV for short.

Tsk.

Kung tinatanong ninyo lang naman kung nasaan kami nandito lang naman kami sa bar upang turuan ng leksyon ang lalaking nanghahamon sa amin ng away akala mo naman matatakot kami sa kanila. Kahit ilan pa sila kayang - kaya namin silang pabagsakin kahit nga si JV lang ang makipaglaban sa kanila. Ewan ko ba kung bakit hindi na sila nagtanda alam naman nilang wala silang laban sa grupo namin patuloy pa rin silang nanghahamon.

Luigi Garcia nga pala 20 years of age, so balik nga tayo sa istorya nandito nga kami para labanan sila pero ang kinalabasan si Vince lang ang nakikipaglaban kita muna ang duga niya talaga kahit kailan. Hindi naman sa pagyayabang pero kung ako sa inyo huwag ninyo ng tangkain pa na labanan ang grupo namin dahil tiyak akong magsisisi lamang kayo.

Kagaya na nga lang ngayon, hawak - hawak ni Vince sa ulo ang pinaka - leader ng grupong nanghamon sa amin. Hanggang sa isang iglap na lang bigla na lang siyang tumilapon sa kabilang table dahilan upang mawalan ng malay ang leader na nakalaban niya kasabay din noon ang pagkawasak ng lamesang pinagtapunan sa kaniya at ang pagmamadali ng mga kasamahan niya sa Gang. Tingnan ninyo kung gaano sila kaduwag sukat ba naman na iwanan ang leader nila.

Tsk. Pathetic/Stupid Gangsters!

Chae Shin POV

"Mommy wake up na po ikaw" saad sa akin ng anak ko na hanggang ngayon ay wala pa rin tigil sa pagyugyog sa akin sa kama.

"Arrggghhh. 5minutes pa baby, inaantok pa si Mommy" pikit mata kong saad sa kaisa - isa kong anak at walang kasing cute na si Iverson. Alam ko na kahit hindi ko siya tingnan alam kong kanina pa siyang naka - simangot. Ganito na kasi ang routine namin araw - araw palagi niyang akong ginigising kapag nauuna siyang magising.

Inaantok talaga ako medyo napagod kasi ako kagabi dahil nagtrabaho pa ako. Yes tama kayo ng basa nagta - trabaho ako sa gabi para may maipantustos sa pang - araw - araw namin ng baby ko. Kung itinatanong ninyo kung nag - aaral pa ako oo ang sagot ko. So bale pumapasok ako sa araw habang sa gabi naman ay nagtatrabaho ako. At kung itatanong ninyo din kung may anak na ako oo meron na akong anak at ang Daddy ng anak ko at saka na lamang natin pag - usapan kapag sinipag akong magkwento.

"But Mommy hindi ba po may pasok ka pa at pati na rin ako" habang hinahalikan ako ng baby ko sa buo kong mukha. Ganyan naman siya palagi kapag alam niyang ayoko pa na bumangon pinapaulanan niya ko ng halik niya sa buo kong mukha.

At dahil sa sinabi ng baby ko bigla na lang akong napabalikwas ng bangon. What the fudge naman bakit ko ba nakalimutan na Monday nga pala ngayon so meaning may pasok ako sa school. Ito namang baby ko pumapasok na rin siya at sa ngayon ay kinder pa lang siya. Kaya nga todo kayod ako kasi dalawa kami ng baby ko na pumapasok . Matapos naming maghanda ng baby ko para pumasok ay kaagad kaming nakarinig ng busina meaning nandiyan na ang bestfriend ko para sunduin kaming mag - ina.

Beep. Beep. Beep.

Hala! Nandiyan na ang kaibigan ko kaya dali - dali kong ni - lock ang bahay namin para maka - aalis na kami. Matapos namin maihatid ang baby ko sa school nila ay kaagad kaming nagtungo ng kaibigan ko sa school.

He's A Brutal Demon (GS1 - Second Generation) #MLTimes2018 #BBA2018 #TOA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon