Chapter 23: Chae Shin is BACK
Halos lahat ay walang makapagsalita sa kanilang nakikita ngayon. Ang kaninang Pauline na walang kasing bangis ngayon ay tila isang kawawang tuta.
"What the fuck. Sino ka ba bakit kamukha mo si Chae Shin?" Wika ni Pauline na tila naguguluhan na sa nangyayari.
Ngunit sa halip na sagutin siya ng babae, humagalpak lamang ito na para bang may nakakatawa sa kaniyang sinabi. Bukod kay Pauline tila natulos din ang mga tao sa loob ng kwarto ng pasyente.
"Huwag mo akong murahin na para mo ba akong palamunin. Sa tingin mo SINO nga ba ako?" Wika ng babae na tila nandidiri sa kaniya habang siya ay pinagmamasdan.
"Anong gusto mong gawin ko galangin kita, matapos mo akong barilin." Wika ni Pauline na nagpupuyos na sa galit.
Instead na sagutin siya ng babae lumapit ito kay Pauline at kaagad na sinabunutan ang buhok nito. Hindi pa siya nakuntento sa pagsabunot at kaagad niya itong pinaulanan ng suntok at sipa. Kalunos - lunos ang sinapit ni Pauline sa kamay ng babae. Halos kung pagmamasdan mo ngayon si Pauline tila hindi muna siya makikilala, putok ang labi at nangingitim ang kabilang mata.
"Sa susunod na may balak kang patayin siguraduhin mo na hindi ang mga ANAK ko." Wika ng babae kay Pauline sabay sipa ulit dito.
Walang umiimik kahit isa lahat ng tao sa loob ng kwarto. Bagamat makikita sa kanilang reaksyon ang pagtataka at tila naguguluhan sa nangyayari.
"Tsk. Kung sino ka mang babae ka na ginaya pa talaga ang mukha ng malanding si Chae Shin, puwes sorry na lang dahil sa mga oras na ito baka patay na ang mga magulang ni Vince." Wika ni Pauline na tila panalo na siya na sinabayan pa niya ng pagtawa.
Pero sa halip na matakot ang babae tinawanan niya lang ulit si Pauline. Tumawa siya ng tumawa ng tila ba nang - uuyam kay Pauline.
"What the Fuck Pauline. Anong ginawa mo sa mga magulang ko?" Vince said na akmang lalapitan na sana si Pauline ng pigilan siya ng babaeng kahawig ni Chae Shin.
"Inutusan ko lang naman ang------------"
"Do you think ganoon kadali mo kami mapapatay Pauline, mukhang nagkakamali ka yata ng kinalaban." Wika ng ina ni Vince na si Sofia, habang nakataas ang isang kilay.
Tila tinakasan ng kaluluwa si Pauline ng marinig niya ang boses ng ina ni Vince. Tila ba naguguluhan siya kung paanong buhay pa ang mga ito ngayon, gayong inutusan niya ang mga tauhan niya na patayin ang mga ito.
"P - Papaanong buhay pa kayo, hindi bas---------------"
"Tsk. For your information lang Pauline King and Queen of Gangsters ang parents ko." Vince said with the bored look on his face.
Hanggang sa nagulat na lang silang lahat ng may pumasok na armadong mga lalaki at kinuha si Pauline. Akmang pipigilan na sana ni Vince ang mga lalaki ng magsalita ang babaeng kahawig ni Chae Shin.
"Tsk. Hayaan mo siya si tita na rin mismo ang bahala sa kaniya, i'm sure sa torture room ang bagsak niya."
Nagulat na lang ang lahat ng tao sa loob ng bigla na lang yumakap si Iverson at Katie sa kahawig ni Chae Shin.
"Mommy, mommy, mommy ko, finally you're here." Katie said while hugging the girl with the same face of Chae Shin.
"Thanks God that you're safe mommy, did we succeed to our plan." Iverson said.
Wala kahit isa ang nagtangkang magsalita sapagkat pati sila ay naguguluhan na. Kung ito talaga ang totoong Chae Shin sino ngayon ang nakahiga at comatose sa ospital.
Vince POV
What the fuck. I'm so fucking confused right now. Ano ba talaga ang tunay sino ba talaga ang totoong Chae Shin. At kung itong babaeng ito nga si Chae Shin sino ang comatose ngayon. At saka anong plano ang pinag - uusapan nila ni Iverson.
"What the hell woman, why are you hugging my son and daughter?"
Ngunit sa halip na sagutin siya nito tumawa lamang ang babae na para bang may nakakatawa siyang sinabi. Sa hindi malamang dahilan tila may kumalabog sa kaniyang dibdib, dahilan upang tumibok ito ng sobrang bilis. Tila kasing bilis ng karera ng kabayo ang tibok ng puso niya. Sa hindi niya malamang dahilan tila ba isang musika ang tawa ng babae para sa kaniya.
"Tsk. You're still the same, just like the old Vince that I know." Wika ng babae ng tila ba may naaalala sa nakaraan niya.
Konti na lang talaga sasabog na siya bukod kasi sa naaasar na siya, naiinis na rin siya sapagkat gulong - gulo na siya sa nangyayari. Bakit ba kasi hindi na lang sabihin sa kanila ang totoo kung sino ba talaga sa kanilang dalawa si Chae Shin. Kung ito bang nasaharapan niya o itong comatose sa tabi niya. Akmang magsasalita na ulit siya ng bigla na lang silang magulantang ng bigla na lang bumangon ang comatose na babae.
"Ate naman kanina ka pang tumawa ng tumawa, baka akala mo hindi ko kayo naririnig." Wika ng babae na kanina lang ay nakahiga.
"Relax lang Ra Eun ito kasing si Vince nakakatuwa ang reaksyon."
What the eff. Akala ko ba si Chae Shin ang na - comatose. Lintik naman sino ba talaga sa kanila si Chae Shin. Dahil sinasabi ko na konting - konti na lang sasabog na ang utak ko sa kanilang dalawa. Mabuti sana kung ako lang ang nagugulahan pero hindi pati ang mga kaibigan ko nagugulahan na din.
"Fine heto sasabihin ko na ako talaga si Chae Shin at ang babae na iyan ang kapatid ko. Kung nagtataka kayo bakit magkamukha kami kasi kambal kami." Wika ni Chae Shin na para bang nagpapaliwanag sa bata.
So ibig sabihin ang kapatid niya ang na - comatose pero paanong nangyari ito na tila ba ang lakas - lakas naman ng kapatid niya. At saka akala ko ba wala ng chance na magising pa siya, hindi naman sa sinasabi ko na sana namatay na lang siya. Ang akin lang bakit sinabi ng doktor na himala na lang ang pag - asa kung pagmamasdan kasing mabuti tila hindi naman ito na - comatose.
Ano ba talaga ang totoo, at saka anong plano ang sinabi ng anak ko. Bakit parang wala ata akong kaalam - alam sa lahat ng nangyayari. Tapos malalaman ko na lang na may kambal pala si Chae Shin.
"Naku bayaw este Vince alam kong naguguluhan ka na talaga, pero ang totoo niyan ang planado talaga ang lahat." Wika ni Ra Eun na ngayon ay may kinakain ng mansanas.
Teka anong ibig sabihin na planado ang lahat. Bakit hindi ko ito alam, don't tell me isa na naman ito sa mga panloloko nila. Bakit ganoon, ganoon lang ba ako kadaling lokohin at ginagawa nila ito sa akin.
"W - what do you mean na planado ang lahat? I can't understand."
Akmang sasagot na sana ang kambal ni Chae Shin ng inunahan na ito ni Chae Shin na magsalita. Mukhang siya na yata ang magpapaliwanag ng lahat. Hanggang sa ikinuwento ni Chae Shin ang lahat, kung bakit siya nawala ng ganoong katagal. Pero ang pinagtataka niya bakit kailangan pang magpanggap ng kapatid niya bilang siya.
"Teka bakit kailangan pang magpa------------"
"Simple lang. Dahil kay Pauline kaya siya nagpanggap. Ang totoo niyan sa kaniya kita ibinilin para mabantayan ka niya habang wala ako sa tabi ninyo."
Fuck. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Nakakabakla man isipin pero bullshit kinikilig yata ako sa pinagsasabi ng babaeng ito. Hanggang sa nagulat na lang ako ng siniil niya ako ng halik sa mga labi. Di ko namalayan na tinutugon ko na pala ang mga halik niya.
"Ehem. Mahiya naman kayong dalawa sa harap ng mga anak ninyo. Dito pa talaga kayo nagtukaan." Alexis said with the disgusting look.
Shit. Ang gago ko talaga bakit hindi ko naisip na hindi lang nga pala kami ang tao dito. Buwisit naman nabitin yata ako sa halikan namin ni Chae Shin.
"The long wait is over because finally I'M BACK."
_______________________________________________________________________________________________________
A/N: Yiiiieeeeee natapos ko na din ang chapter na ito. So guys anong masasabi ninyo na muling nagbalik si Chae Shin. Papatayin na ba si Pauline o bubuhayin. HAHAHAHHA
Salamat sa mga nagbabasa, nagvo - vote at nagco - comment. I owe you one guys :)
Read. Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
He's A Brutal Demon (GS1 - Second Generation) #MLTimes2018 #BBA2018 #TOA2018
RomansaBook 2 of "The Childish King of Gangsters" He's Cold . . . He's Unbreakable . . . He's Brutal . . . He's Demon . . . in short . . . He's A Brutal Demon!!! May puwang pa ba sa PUSO niya ang sinasabi nilang PAGMAMAHAL o mananatili na lamang siy...