Chapter 8: New Home
Chae Shin POV
Akala ko ayos na ang lahat pero may panibago na namang problema. Matapos kong magpagaling ay kaagad na kong umuwi sa bahay kaya lang kapag minamalas ka nga naman. Nadatnan ko na lang ang apartment na tinitirhan namin ng anak ko na sobrang kalat at puro basag ang mga gamit namin. Sa madaling sabi daig pa ang may dumaang delubyo sa bahay namin.
Ano bang nagawa kong kasalanan kung bakit naging ganito na yatang kamalas ang buhay naming mag - ina. Una na - kidnap ang anak ko. Pangalawa ay nang ma - ospital ako. Ano bang nagawa kong kasalanan kung bakit nangyayari sa amin ang kamalasang ito. Saan na kami titira ng anak ko gayon kulang pa ang pera ko ngayon. Nahihiya naman akong magsabi sa kaibigan ko dahil alam kong madami na siyang naitulong sa amin ng anak ko.
"Mommy anong nangyari sa bahay natin bakit ang gulo - gulo ng gamit natin. Pinapalayas na ba nila tayo." Tanong ng anak ko na nakatingin sa akin na wari mo'y nag - iintay ng kasagutan sa mga tanong niya.
Kahit ako ay hindi ko alam ang isasagot ko sa anak ko. Kaya minabuti ko na lang na kunin ang mga damit namin upang maghanap ng panibagong matutuluyan. Ngunit habang naglilipit ako ng mga dadalhin namin ay may napansin akong isang lukot na papel at ganoon na lang ang pagkabigla ko ng mabasa ko ang nakasulat dito. At sa tingin ko ay dugo ang pinangsulat dito na nagsasabi na IISA - ISAHIN KO ANG MGA MAHAL MO SA BUHAY ! ! !
Tsk. Namumuro na talaga sila. Konting - konti na lang talaga ang pasensiya ko. Konting - konti na lang. Malaman ko lang kung sino ang nasa likod nito ay sisiguraduhin kong hindi na siya sisikatan pa ng araw. Magkakamatayan muna kami bago nila masaktan ang taong mahahalaga sa akin lalong - lalo na ang aking anak. Siguraduhin lang nila na hindi madadamay ang anak ko sa kagaguhan nila dahil AKO mismo ang tatapos sa buhay nila tandaan ninyo yan. Dahil sa galit ko hindi ko napansin na nilalamukos ko na pala ang papel na hawak - hawak ko kanina pa.
Paalis na sana kami ng anak ko ng makarinig ako ng ingay ng sasakyan sa labas ng apartment namin. At ganoon na lang ang gulat ko ng malaman ko kung sino ang nasa labas nito. Ano na naman ba ang kailangan niya at nandito na naman siya.
Vince POV
Pupunta na sana kami ng mga kaibigan ko sa bar ng mabasa ko ang text ni mommy na sinasabi lang naman NA SUNDUIN KO SI CHAE SHIN AT ANG ANAK NIYA DAHIL SA BAHAY NA SILA TITIRA.
Ano na naman bang pumasok sa isip ni mommy at sa bahay niya patitirahin ang mag - ina na iyon. Sa pagkakaalam ko kasi hindi naman ganyan kabait ang mommy ko para sa bahay pa namin patirahin ang mga iyon. Ano ba talaga ang gusto ni mommy na mangyari at sa bahay namin sila patitirahin.
If I know mahilig lang talaga si mommy sa mga bata kaya gusto niyang patirahin sa bahay ang Chae Shin na iyon pati na rin ang anak niya. Kaya no choice ako kundi sundin ang mga utos niya dahil ayokong magaya sa daddy kong isip - bata na binitin ni mommy ng patiwarik, dahil sa sobrang kulit daw nito. Pero totoo naman talaga na isip - bata pa rin hanggang ngayon ang daddy ko. Minsan nga naiisip ko na parang ako ang ama sa aming dalawa.
Talagang kay daddy pa siya nakulitan hamak naman na mas makulit ang batang anak ng babaeng iyon. Pilitin ba naman akong maging daddy niya, bakit hindi niya hanapin ang walang kwentang tatay niya at hindi iyong ako ang pinipilit niya sa kalokohan niya. Akala niya madadaan niya ako sa paiyak - iyak niya puwes diyan siya nagkakamali dahil hindi uubra sa akin ang padali niya. Hindi ako katatakutan ng lahat kung sa simpleng iyak lamang ng bata ay madadala na kaagad ako.
Kahit labag man sa loob kong sunduin sila wala rin naman akong magagawa dahil ayokong sawayin ang kagustuhan ni mommy. Matapos kong mai - park ang sasakyan ko sa labas ng mansyon namin ay kaagad na akong bumaba and guess what? Ang mukhang tagumpay na mukha lang naman ni mommy ang sumalubong sa amin na para bang nagsasabi na ako ang masusunod sa bahay na ito.
Tsk. Kung hindi lang naman ni mommy sinabi na igagaya niya ako kay daddy ay hindi ko susundin ang kagustuhan niya. Mabuti lang sana kung ibibitin lang akong patiwarik paano kapag naisip niyang paulanan kami ng bala saan na ako pupulutin. Hindi naman sa natatakot ako mabuti sana kung bala lang ang pinapaulan ni mommy kaya lang pati ba naman alaga naming mga tigre ay pinapakawalan niya.
Celena POV
Hey guys nais ko lang sabihin sa inyo na ako nga pala ang PINAKAMAGANDANG KABABATA ni Vince. Kung iniisip ninyo na may gusto ako sa kaniya puwes wala dahil parang magpinsan na rin kami dahil ang daddy ko at daddy niya ay magpinsan meaning magkamag - anak na rin kami. Actually hindi pa dapat ako uuwi galing California kung hindi lang binalita sa akin ni tita na may gusto na siyang babae para sa anak niya. Kung naitatanong ninyo isa lang naman akong sikat na model at tinitingala ng lahat dahil sa taglay kong kagandahan at kaseksihan.
At dahil close nga kami ni tita ay pumayag na rin ako para makilatis ko naman siya. Hindi na lang ako sumama sa labas ng mansyon para salubungin sila dahil tumutulong ako para maghanda ng dinner namin. Matapos kong tumulong ay narinig ko silang nasa loob na at kung hindi ako nagkakamali ay may naririnig akong ingay ng bata na para bang tuwang - tuwa sa kaniyang mga nakikita. Teka akala ko ba papakilala sa akin ni tita yung babaeng gusto niya para kay Vince pero bakit may bata akong naririnig.
Kaya nga napagdesisyunan ko nang lumabas sa kusina para malaman kung sinong bata ang nag - iingay at ganoon na lang ang pagkagulat ko ng makita ko na buhat - buhat ni tita ang bata. Kung hindi ako nagkakamali hindi basta - basta si tita natutuwa sa mga bata. Oo mahilig siya sa bata pero alam ninyo ba na NAMIMILI rin siya ng batang gugustuhin niya. Pero kanino namang anak ang batang ito don't tell me anak ito ng babaeng sinasabi sa akin ni tita. Anong nangyayari sa mundo at bakit tila mukhang bumait na yata si tita. Hindi naman sa sinasabi kong hindi mabait si tita kaya lang huwag na huwag mo lang siyang gagalitin kung gusto mo pa na mabuhay ng matagal sa mundong ibabaw.
0_________0
Mukha ko iyan guys. Nagtataka siguro kayo kung bakit ganyan ang mukha ko. Malamang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko nang humarap na sa akin ang babae. At bakas ko rin ang pagkagulat sa kaniyang mga mata ng makita niya ang maganda kong mukha.
Ibig sabihin siya ang sinasabi ni tita na gusto niya para sa anak niya. Dahil mukhang napansin ni tita ang pagkabigla naming dalawa kaya inagaw niya ang atensyon namin upang makakain na kaming lahat.
Ito namang si Vince daig pa lagi ang nabagsakan ng langit. Akala mo naman pasan na niya ang mundo sa pagkaka - nguso niyang iyon. Hindi niya ba alam na nagmu - mukha lang siyang aso sa ginagawa niya gusto ko mang matawa pero baka akalain nina tita na nababaliw na ako.
_______________________________________________________________________________________________________
AN: Sa wakas nakapag - UPDATE na rin ako. Pasensiya na kung natalagalan ang update. Mayroon pa bang nagbabasa nito. Hahahahaha
Read. Vote. Comment.
Gusto ko lang malaman ang mga saloobin ninyo tungkol sa chapter na ito. Hahahaha
BINABASA MO ANG
He's A Brutal Demon (GS1 - Second Generation) #MLTimes2018 #BBA2018 #TOA2018
RomanceBook 2 of "The Childish King of Gangsters" He's Cold . . . He's Unbreakable . . . He's Brutal . . . He's Demon . . . in short . . . He's A Brutal Demon!!! May puwang pa ba sa PUSO niya ang sinasabi nilang PAGMAMAHAL o mananatili na lamang siy...