Warning: Medyo SPG siya. Hehehe
________________________________________________________________________________
Chapter 6: Concern
Steven POV
What the heck! Sa tinagal - tagal na naming kasama si Vince ngayon ko lang talaga siya nakita na sobrang galit na galit iyong tipo bang makakapatay na siya. Oo aaminin ko kapag may mga gang fight kami nagagalit naman siya pero hindi iyong tipong parang mangangain na siya ng buhay. Ang pinagtataka ko lang ay bakit ganoon na lang ang galit niya ng malaman niya kung sino ang binaboy at pinagsamantalahan ng mga bullies dito sa school.
Ano ang koneksyon niya sa babaeng nagngangalang Chae Shin Park?
Dahil kung hindi pa ako nakakalimot tandang - tanda ko pa na wala siyang pakialam sa ibang tao. Kaya nga hindi namin maiwasan na magtaka dahil sa inasal niya dahil kung makikita mo siya mismo para bang isang babasaging kristal ang babaeng iyon at lubos ang pag - iingat niya dito. Iyon tipong kung dati hahayaan niya lang na maparusahan ang mga bully puwes ngayon siya na mismo ang nagsabi na pinatatalsik na niya ang mga ito sa paaralan.
Kung hindi ninyo naitatanong pinsan ng daddy niya ang may - ari ng school na ito habang ang asawa naman ng pinsan ng daddy niya ay kaibigan ng mommy niya. So balik tayo sa story well kung tinatanong ninyo kung nasaan kami ngayon nandito pa rin naman kami sa likod ng gym dahil inaayos lang namin ang gulong nangyari. Ngunit halos manindig ang balahibo naming magkakaibigan ng makita namin si tita Sofia na pinapanood kami sa ginagawa namin at malupit pa nito kasama niya ang may - ari ng school. Patay na lagot kami ngayon. Inaasahan ko nang bubulyawan niya kami ngunit nagulat na lang kami ng biglang lumapit si tita sa babaeng may malay na ngunit hindi makagalaw dahil sa epekto ng lason.
Pak.
Pak.
0____0 <-------------------------- Itsura naming lahat.
Sino ba namang hindi magugulat kung bigla na lang pagsasampalin ni tita Sofia at nang may - ari ng school na ito ang mga nam - bully kay Chae Shin Park. Ano bang mayroon sa babaeng iyon at pati sila ang tila galit na galit sa nangyari sa kaniya.
"Sa susunod na may pag - initan kayo siguraduhin ninyo munang hindi malapit sa akin" wika ni tita sabay hawak sa panga ng isang babae na walang tigil ang pagbuhos ng luha niya sa kaniyang mga mata. Talagang may pinagmanahan talaga ang kaibigan naming si Vince.
"Hmm . . . Excuse po tita pero ang sabi po kasi ni Vince ay gusto niya daw pong patalsikin ang mga ito sa paaralan ni Mrs. Monteverde" wika ko sa kanilang dalawa habang nakayuko dahil kung hindi ninyo naitatanong takot lang naman kaming lahat sa kanilang dalawa.
"Don't worry iho kahit hindi mo sabihin talagang patatalsikin na ang mga iyan sa school na ito. At saka huwag mo na akong tawaging Mrs. Monteverde tita na lang tutal kaibigan naman kayo ni Vince" nakangiting saad sa amin ng may - ari ng school.
"Sige po tita. Salamat po. Mauna na po kami dadaan pa po kasi kami sa ospital para puntahan si Vince" wika ko sabay alis na namin sapagkat tapos na ang trabaho namin. Ngayon patungo naman kami sa ospital para tingnan ang lagay ng babaeng iyon. Nabigla nga ako ng malaman kong pupunta rin pala sina tita sa ospital mukhang mahalaga talaga ang babaeng iyon sa kanila. Inalok ko na nga si Tita na sumabay na lang sa amin kaso hindi siya pumayag sapagkat bukod sa may dala daw siyang sasakyan ay susunduin na muna daw niya ang baby boy niya. Sa pagkakatanda ko wala namang kapatid si Vince so sino ang tinutukoy ni Tita Sofia.
Vince POV
Tsk.
Tatlong oras na akong naghihintay dito pero hanggang ngayon hindi pa rin nagigising ang babaeng ito. Hanggang kailan ba niya babalaking matulog dahil kanina pa akong naghihintay sa kaniyang paggising.
BINABASA MO ANG
He's A Brutal Demon (GS1 - Second Generation) #MLTimes2018 #BBA2018 #TOA2018
RomansaBook 2 of "The Childish King of Gangsters" He's Cold . . . He's Unbreakable . . . He's Brutal . . . He's Demon . . . in short . . . He's A Brutal Demon!!! May puwang pa ba sa PUSO niya ang sinasabi nilang PAGMAMAHAL o mananatili na lamang siy...