Chapter 15: Talk

1.3K 51 12
                                    

A/N: Ngayon lang ulit nakapag - update. By the way sino pong gustong magpagawa ng book cover message o comment lang po sa mga gustong magpaggawa. 

__________________________________________________________________________________________

Chapter 15: Talk

Chae Shin POV

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan gayong mag - uusap lang naman kaming dalawa ni Vince. Kinakabahan nga ba ako o natatakot lang ako na magalit siya sa akin dahil sa paglilihim ko sa kaniya tungkol sa anak namin. At salamat sa diyos na okay na ngayon ang anak namin. Ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon niya ngayon malaman niya na may anak na siya at malala pa nito ay inilihim ko sa kaniya.

"Sabihin mo sa akin ang rason kung bakit hindi mo kaagad sinabi na may anak pala tayo" Wika ni Vince na tila walang paglagyan ang pagkakanunot ng noo niya.

"Humahanap lang ako ng timing pa-------------------------------------------"

"Fuck that timing. Kung hindi pa nangyari ito hindi ko malalaman na anak ko pala siya. Tell me may balak ka bang sabihin sa akin na may anak tayong dalawa."

"Sasabihin ko naman sayo humahanap lang ako ng magan----------------------------"

"FUCK THIS SHIT."

Nagulat na lang ako ng bigla niyang sinuntok ang pader dahilan mapapitlag ako sa gulat. Bakit ba siya nagagalit oo alam ko naman na kasalanan ko, pero hindi naman niya kailangan na sigaw - sigawan ako dahil kung may naghirap sa aming dalawa ako iyon at hindi siya. Dahil hindi niya alam kung ano ang pinagdaanan ko para maitaguyod ko ang anak naming dalawa. Oo naglihim ako sa kaniya ginawa ko lang naman iyon para sa kaligtasan ng anak namin.

"Wala kang karapatan para tratuhin ako ng ganito dahil hindi mo alam kung ano ang pina---------------------------------"

"Tsk. Sa tingin mo ba matutuwa ako dahil diyan sa rason mo Fuck Chae Shin tinanggalan mo ako ng karapatan para magpaka - ama sa anak natin"

"Hindi kita tinanggalan ng karapatan sa kaniya natakot lang ako na baka hindi mo siya tanggapin at ipagtabuyan mo lang siya. Ayoko ko lang masaktan ang anak ko at para sabihin ko sayong gago ka wala kang karapatan na murahin ako"

Konti - konti na lang sasabog na ko sa sobrang inis sa lalaking ito. Anong karapatan niya na murahin ako. I admit na may pagkakamali nga ako pero hindi sapat iyon para murahin niya lang ako ng basta - basta. Oo hindi ko agad sinabi sa kaniya na may anak kami natakot lang ako na baka hindi niya tanggapin ang anak ko.

"Bullshit na takot na iyan. Kung paiiralin mo ang takot na wala kang mapapala. Ang akin lang SANA naman nag - try kahit isang beses lang na sabihin sa akin ang katotohanan. Kahit ISANG beses lang Chae Shin."

"Alam mo walang magandang kalalabasan ang pag - uusap nating ito kung parehong mainit ang ulo natin"

"Tsk. Kukunin ko sayo ang anak ko whether you like or not wala ka ng magagawa at pakiusap lang ayoko ng makita ang pagmumukha mula ngayon"

Hanggang sa tuluyan na niya akong tinalikuran kasabay ang pagbuhos ng mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit parang binibiyak sa sobrang sakit ang dibdib ko. Ganoon na bang kasama ang nagawa ko para humantong kami sa ganito. Pero paano ang anak ko ayokong mawalay siya sa akin. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin gayon na galit sa akin si Vince.

Vince POV

FUCK ALL OF THEM. THIS IS WHY I HATE LIARS ! ! !

Bullshit na takot na iyan. Oo aaminin ko tarantado akong tao pero iba ng usapan kapag anak ko. Sa tagal na naming magkasama in fact sa bahay pa siya nakatira pero ni minsan sinubukan man lang niya bang sabihin sa akin na may anak kami. Hindi ko tinatanggi na masama akong tao pero sana man lang sinabi niya sa akin ang totoo.

Kung hindi pa nangyari ang aksidenteng ito hindi ko malalaman na anak ko pala ang batang iyon. Kaya naman pala ang gaan ng loob ko sa kaniya dahil anak ko pala talaga siya. Sisiguraduhin ko na mapapasakin ang anak ko sa ayaw o sa gusto niya kukunin ko sa kaniya si Iverson.

Kaagad kong pinuntahan ang kwarto kung nasasaan ang anak at salamat sa panginoon at naging ligtas siya sa kapahamakan. At mabuti na lang ay gising na ang anak ko.

"Hey kiddo ayos kana ba may masakit paba sayo"

"Wala na po Mister okay na po at saka strong po kaya ako"

Thank God he's safe. Mapapanatag na ang kalooban ko dahil ligtas na siya sa panganib.

"Tsk call me daddy not Mister cause you're my son" Habang patuloy kong hinahaplos ang buhok niya at saka siya dinampian ng halik sa noo niya.

"Alam ko po kasi sinabi na sa akin ni mommy na ikaw po ang daddy ko."

Mabuti na lang at tanggap niya ko at hindi siya nagalit sa akin dahil ngayon lang niya ako nakilala at nakasama. Pero hindi pa rin mawala ang inis sa akin dahil sa ginawa ng babaeng iyon. Aaminin ko sa sarili ko na ayoko muna siyang makita ngayon dahil baka hindi ko mapigil ang galit ko at sa kaniya ko pa maibunton.

*****

Mabilis na lumisan ang babae matapos niyang makapagpaalam sa mga taong mahalaga sa kaniya. Kahit alam niyang masakit sa damdamin niya pinili niyang magpakalayo - layo upang isaayos niya ang lahat. Nangako siya sa kaniyang sarili na babalik siya at sa pagbalik niya ay tapos na ang lahat ng kaguluhang nangyayari sa kanila.

"Are you sure about this paa------------------------------"

"Yeah. Naipaliwanag ko na sa kaniya ang lahat at nangako ako ng babalikan ko sila kapag naayos ko na ang lahat."

Matapos ang kanilang pag - uusap ay kaagad silang umalis patungo sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. At sa pagbalik niya rito nangako siya na maghihiganti sila sa mga taong may kagagawan ng kaguluhan na dinanas nila noon.

BABALIK AKO PANGAKO.

___________________________________________________________________________________________________

A/N: Finally nakapag - update din. So anong masasabi ninyo guys about this chapter. Hello sa mga readers, voters and sa mga silent readers. 

Read. Vote. Comment.





He's A Brutal Demon (GS1 - Second Generation) #MLTimes2018 #BBA2018 #TOA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon