Chapter 17: Two Deadly Queens
*****
Boom . . . Kabooom . . . Booooommmmm . . .
Tunog ng mga bombang sumabog kung saan - saang parte ng gusali. Mga nagbabagsakang pader mga nagkalat na kagamitan mga kalat ng mga pinagkainan.
Kadiliman.
Kadiliman ay mababakas sa gusaling kay liwanag lang kani - kanina lang ngunit tila isang delubyo ang dumaan dito para masawak ang iba't ibang parte ng gusali. Mga nagtatakbuhang tao na hindi alam kung saan patutungo kung lalaban ba o tatakas para isalba ang kani - kanilang buhay.
Galit. Isang salita pero maraming kahulugan kung iisipin mo. Iyan ang nararamdaman ngayon ng taong sumugod sa gusali ng grupo na kumakalaban sa kanila.
"Sa susunod pipiliin ninyo kung sino ang kinakalaban ninyo."
Pagkatapos pabagsakin ang grupo nina Mr. Ong ay kaagad silang lumisan para isunod ang grupo na pinamumunuan ni Mr. Chan na isa rin sa kinatatakutan sa mundo ng Mafia. Pero kahit ganito tila walang mababakas sa takot ang dalawang babaeng may puti at itim na kulay ng maskara. Tila ba parang naglalaro lamang sila at nagkataon nga lang na sa halip na laruan ang laruin nila ay tao ang pinaglalaruan nila.
Nang makarating sila sa sunod nilang pakay walang sabi - sabing sinipa ng babae ang pintuan dahilan para mapatingin ang mga tao sa gawi nila. Akmang bubunot ng baril ang isa sa kanila ng unahan na sila ng dalawang babae at sabay na nagpaputok sa gawi ng mga armadong lalaki and then bulls eye walang natira sa limang bantay dahil kapwa naliligo na sila sa kanilang sariwang dugo.
"Maghiwalay muna tayong dalawa diyan ka sa kaliwa dito naman ako sa kanan" Wika ng babae na hindi man lang kababakasan ng takot.
"Sige Queen mag - iingat ka magkita na lang tayo sa bandang dulo nito"
Nang maghiwalang ang dalawang babae kaagad na sinalubong ng mga armado ang tinatawag ng isang babaeng Queen. Ngunit tila hindi man lang gaano pinansin ng Queen ang armadong mga lalaki at kaagad niyang insinta ang dalawa sa noo sabay baril nito sa mga ito. Habang ang iba naman niyang nakakasalubong ay pinapaulanan niya ng suntok at sipa dahilan para mawalan ang mga ito ng malay.
Sa kabilang dako naman walang tigil sa pagsipa at suntok ang kasama ng Queen habang pinipilipit nito ang isang kamay ng armadong lalaki. At dahil wala siyang oras makipaglaro sa mga ito kaagad niyang pinagbabaril ang mga ito sa bandang dibdib ng mga ito at sentro sa puso niya pinatama ang bala ng baril niya.
Matapos ang sadya ng dalawang babae kaagad silang nagtungo sa kwarto ng pinaka - leader ng grupo. At tingnan mo nga naman walang kaalam - alam sa mga nangyayari sa labas niya dahil patuloy parin ang pag - angkin nito sa babaeng bayaran. Dahil sa nandidiri na ang dalawang babae sa kanilang nakikita kaagad kinalabit ng Queen ang baril niya at inasinta ang noo ni Mr. Chan dahilan para bawian kaagad ito ng buhay. Bakas ang takot ng babaeng katalik nito pero hindi pa diyan natapos dahil kaagad din itong binaril ng kasama ni Queen sanhi ng pagkamatay rin nito. Alam nilang pareho na kapag hindi nila pinatay ang babae baka sumabit pa sila at malas na lang ng babae dahil nadamay siya at kaagad na nilisan ng dalawang babae ang lugar at pagkatapos ay pinasabog nila ito gaya ng ginawa nila sa ibang pinaghigantihan nila.
Alexis POV
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para bisitahin ang website ng Mafia World kung saan kami kabilang. Halos mabilaukan ako ng aking sariling laway sa aking nabasa na panibagong announcement sa website kaya kaagad kong tinawagan ang mga kaibigan ko para sila na mismo ang bumasa.
Mafia World Website
ANNOUNCEMENT ! ! !
THE TWO DEADLY QUEENS ARE BACK. SO BE CAREFUL TO THEM IF YOU DON'T WANT TO DIE IN AN EARLY AGE ! ! !
![](https://img.wattpad.com/cover/95747946-288-k887353.jpg)
BINABASA MO ANG
He's A Brutal Demon (GS1 - Second Generation) #MLTimes2018 #BBA2018 #TOA2018
RomansBook 2 of "The Childish King of Gangsters" He's Cold . . . He's Unbreakable . . . He's Brutal . . . He's Demon . . . in short . . . He's A Brutal Demon!!! May puwang pa ba sa PUSO niya ang sinasabi nilang PAGMAMAHAL o mananatili na lamang siy...