Chapter 11: Pauline ? ? ?
Skye POV
Nakakatampo na talaga ang babaeng iyon biruin mo ba naman ayaw sabihin sa akin kung saan siya ngayon nakatira. Hindi niya ba alam na nag - aalala lang ako sa kaniya paano na lang kung mapahamak na naman siya kagaya ng dati. Bakit kasi ayaw pa niya sa bahay na lang tumira para naman may kasama ako bukod sa mga katulong namin.
Heto pa malupit rinig ko sa usapan ng mga estudyante dito na may bago daw na transferee ewan ko basta ako wala akong pakialam sa kaniya. Ang mabuti pa ay hanapin ko muna ang kaibigan ko para sabay na kaming pumunta sa classroom.
Fast Forward
Finally makakakain na rin ako este kaming dalawa pala ng kaibigan ko. Badtrip nga lang at naging kaklase pa namin ang Pauline na iyon mukha namang impakta. Ewan ko ba pero ang init talaga ng dugo ko sa kaniya akala mo kasi kung sinong maganda halata namang peke ang ilong niya. Paano ba naman samaan ba naman ng tingin ang kaibigan ko sa pagkakatanda ko naman ay walang ginagawang masama sa kaniya si Chae Shin. Ito namang kaibigan ko daig pa ang siraulo at nakipagtitigan rin sa Pauline na iyon.
Tapos ang landi - landi pa niya halata naman kasi na ayaw sa kaniya ni Vince lapit pa rin siya ng lapit nagmumukha tuloy siyang higad. Hindi ba niya alam na si Vince ay para lamang sa kaibigan kong si Chae Shin. Kaya wala kaming nagawa kundi ang huwag na lang siyang pansinin dahil nag - aalburuto na talaga ang mga alaga ko sa tiyan. Baka kasi mamaya sa sobrang inis ko sa kaniya ay siya ang kainin ko.
Kaya lang habang kumakain kami ng kaibigan ko ay nagulat na lang ako ng biglang lumapit sa amin ang Pauline na iyon. At ang malala pa ay bigla na lang niyang binuhusan ng juice si Chae Shin dahilan para mapaangat ito ng tingin. Sumusobra na talaga siya anong tingin niya sa sarili niya nananahimik kami dito tapos bigla na lang siyang manggugulo.
Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito sino siya para gawin iyon sa kaibigan ko. Tapos hindi pa siya nakuntento at bigla niyang sinampal ng ubod ng lakas ang pisnge ni Chae Shin hindi niya ba alam na masakit kaya ang ginawa niyang pagsampal. At ngayon ko lang napansin na marami na palang nanunuod sa ginagawa ng impaktang Pauline na iyon. Ano ba naman iyan kapag minamalas ka nga naman hindi man lang siya tinulungan ni Vince at nakaupo lang siya habang nanunuod sa ginagawa ng impaktang ito.
Chae Shin POV
Tahimik lang kaming kumain ni Skye ng may maramdaman akong papalapit sa amin at hindi nga ako nagkamali dahil papalapit sa amin ang Pauline na iyon. At talagang nagsama pa siya ng alipores niya akala niya ba na matatakot ako sa kaniya halata mo namang kulang lang siya sa pansin. Hanggang sa namalayan ko na lang na binuhusan niya ako ng juice na hawak - hawak niya at hindi pa talaga siya nakuntento dahil binigyan niya pa ako ng mag - asawang sampal. Namumuro na talaga siya hindi ba niya alam na masamang nag - aaksaya ng pagkain.
Tsk. Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang iniistorbo ako kapag kumakain. Talagang nakakuha na pala kami ng atensyon kita ko sa mga mukha nila na tila naaawa habang ang iba naman ay tila natutuwa pa sa nangyayari sa akin. Wala ba talaga silang alam gawin kundi ang manakit ng ibang tao para lamang sa kasiyahan nila at ito namang impaktang ito mukhang tuwang - tuwa pa na nasasaktan ako. At dahil hindi na ako nakapagtimpi ay tumayo ako dahilan upang mapaatras ang babaeng impaktang ito iyon palang ang ginagawa ko pero parang natatakot na ata siya.
"Sa tingin mo ba na nakakatuwa ang ginagawa mo." Sabay tingin ko sa kaniya na may kasamang nagbabagang tingin.
"Hindi ka naman siguro tanga para hindi malaman itong ginagawa ko. Gusto ko lang naman sabihin sayo na layuan mo si Vince kung ayaw mong masaktan pa ng sobra." Sabay tulak sa akin dahilan para mapaatras ako at mapaupo sa sahig.
![](https://img.wattpad.com/cover/95747946-288-k887353.jpg)
BINABASA MO ANG
He's A Brutal Demon (GS1 - Second Generation) #MLTimes2018 #BBA2018 #TOA2018
RomanceBook 2 of "The Childish King of Gangsters" He's Cold . . . He's Unbreakable . . . He's Brutal . . . He's Demon . . . in short . . . He's A Brutal Demon!!! May puwang pa ba sa PUSO niya ang sinasabi nilang PAGMAMAHAL o mananatili na lamang siy...