LIMANG araw na ang nakalilipas magmula nang mangyari ang bagay na hanggang ngayon ay ipinagtataka pa rin ni Erin Zeph. Pagkatapos kasi ng nangyaring iyon ay wala na siyang naramdaman pang kakaiba. Nawala na ang weird na pakiramdam niya. Ang tila may nakatingin o nakasubaybay sa mga kilos niya ay nawala na rin. Parang isang bulang nawala na lamang lahat ang mga iyon kinabukasan. Pero hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa kanya ang kaganapang iyon nang gabing naghihintay siya ng taxi sa harapan ng NACLOR CORP.
Ngayon ay papasok na siya sa malaking building ng NACLOR CORP. Ika-200 taong anibersaryo kasi ngayon ng kumpanya. Akalain mo, tumagal ng ganung karaming taon ang kumpanya. At inaasahan nilang lahat na sa pagkakataong ito ay maglalantad na ang may-ari ng kumpanyang pinagta-trabahuan nila. Talagang desperado na silang mga empleyado na makilala ang big boss kung sakaling magpakita man ito ngayon. Sana nga.
Pagkapasok niya sa malawak na lobby ay sinalubong kaagad siya ng best friend niyang bakla. Nakangiting lumapit sa kanya si Cherry. At parang may magandang mangyayari ngayon sa klase ng ngiti nito. Ang baklang 'to talaga.
"Zephy, my best friend!" patiling tawag nito sa kanya.
Zephy ang tawag nito sa kanya dahil cute raw ang tunog niyon. Eh, sa katunayan ay hindi naman. Para sa kanya, ang pangit ng tunog niyon.
"Ano ba bakla! Kung makatili ka naman sa pangalan ko. Nakaka-irita kaya ang pagtili mo," aniya at inikutan ito ng mga mata.
"I'm just happy yah know," he said. Hindi pa rin nawawala ang napakalaking ngiti nito.
"At bakit naman, aber? Bakit? May bago ka na namang jowa ano? Ikaw talaga, hindi ka na natuto. Hahampasin na talaga kita kapag umiyak-iyak ka na naman dahil sa walang kwentang mga lalaki," naka-irap na wika niya sa kaibigan.
"Ay, si ateng! Ang bitter talaga. And for your information, wala akong bagong jowa. Masaya ako kasi may pina-announced si Sir Ver kanina," anito at pagkuwan ay isnukbit nito ang kamay sa braso niya.
Si Sir Ver ay ang secretary ng big boss na hindi pa nila nakikilala at nakikita ng personal. Si Sir Ver lang ang tanging nakaka-kilala at nakaka-usap sa big boss. Ang alam lang nilang lahat ay ang pangalan nito. The owner of the company named, Stefan Cojocaru.
"Ano naman iyon at ganyan kalaki ang ngiti mo?" she asked while walking towards the elevator.
Naglakad sila papasok sa loob ng elevator at pinindot ang 10th floor. Sa 10th floor kasi gaganapin ang pagdiriwang.
"May surprise raw mamaya. Baka ang surprise ay magpapakilala na officially ang big boss."
Bumitiw ito sa pagkakahawak sa braso niya saka humarap sa makintab na dingding ng elevator at inayos nito ang buhok.
Sinulyapan niya si Cherry. "Paano ka naman nakakasigurong iyon nga ang surpresang sinasabi ni Sir Ver?"
Inikutan siya nito ng mata. "Haler! Eh, ano pa ba? Christmas bonus? Haler! Mayo palang 'no! Naku! Saka ilang pasko, bagong taon, araw ng mga puso at kahit ano pa mang okasyon ng kumpanya ang pinalampas ng misteryoso nating big boss? Aba, 2018 na! Mamaya Christmas na kaya dapat lang na magpakilala na talaga siya."
"Hay naku. Well, tingnan na lang natin kung totoo nga ang hinala mo na iyon nga ang surpresa mamaya," ani Zeph at nagpahid ng lip gloss sa kanyang mga labi.
"Talaga. Magkano pusta mo?" nakangisi nitong tanong sa kanya.
Tinaasan niya ng kilay ang matalik na kaibigan. "Mukhang pera ka talaga. Oh sige, pupusta ako. Sayo na ang dalawang libo ko kapag mali ako. Bibigyan mo naman ako ng tatlong libo kapag tama ako.
BINABASA MO ANG
Luna Blestem
VampireLorcan Cojocaru stayed mysterious until when he knew. Hindi siya maaaring magpakita at ilantad na lang bigla ang kanyang sarili. Masyadong mapanganib ang ginagalawan niyang mundo lalo na't maraming banta sa kanyang buhay. Ngunit sa hindi inaasahang...