Kabanata 4

472 17 3
                                        

NAGISING si Erin Zeph dahil sa mahinang pagtapik sa kanang pisngi niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at agad na bumungad sa kanya ang mukha ni Cherry at Ella. Napakunot noo siya nang mapansing nakahiga siya sa may sahig.

"Anong nangyari?"

"Hay jusko, girl! Ba't kami tinatanong mo? E, natagpuan ka na lang naming nakahandusay sa sahig," hindi maka-paniwalang sagot ni Cherry sa kanya.

"Ha?" pinilit niyang tinandaan ang dahilan kung bakit nakahiga siya ngayon sa sahig.

Bumangon si Erin Zeph at gano'n na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata sabay tutop sa kanyang bibig nang maalala ang rason kung bakit nawalan siya ng malay at nadatngan siya ng mga kaibigan niyang nakahandusay sa sahig.

"Oh my god! My god! May b-bampira! May bampira! May bampira akong nakita kanina, k-kinagat niya 'yong b-babae. P-pinatay ng bampira 'yong babae!" hysterical na sabi niya.

"Ano? Hoy, babaita! Naka-drugs ka ba? Kung ano-ano pinagsasabi mo e. Jusko, Erin!" nakatawang saway ni Ella sa kanya pati si Cherry ay gayundin.

May nakakatawa ba sa sinabi niya?! Wala!

"Totoo 'yon! Maniwala kayo! May bampira talaga kanina. Sigurado ako, bampira 'yon. May mahahaba siyang pangil at pula rin ang kanyang mga mata. Pinatay niya 'yong babae!"

"Hay naku, Zephy my bestfriend. Walang bampira rito sa Pilipinas, kung aswang sana ang sinabi mo maniniwala pa ako. Tara na nga sa loob, uminom ka muna ng tubig para mahimasmasan ka at matauhan ka sa mga pinagsasabi mo," yakag sa kanya ni Cherry.

Nagpatianod na lang si Erin Zeph kahit lutang pa rin ang isip niya sa nakita kanina. Oh god! Hindi 'yon isang panaginip o halusinasyon lamang. Talagang totoong-totoo! Kung hindi lang sana siya nahimatay sa takot e. Ayaw man niyang paniwalaan ang nakita pero sigurado talaga siyang bampira ang nakita niya kanina.

Totoo ba talaga sila? Hindi na lang ba sa mga Hollywood movies? Oh shit! At paanong magkakaroon ng bampira rito sa Pilipinas? Ano 'to? Nag-evolve na ba ang mga aswang at manananggal at naging bampira na? Oh, please Lord. Sana hindi totoo.

Naramdaman na lamang niyang pina-upo siya ng matalik na kaibigan sa kinauupuan niya kanina saka binigyan siya ng tubig.

"Oh, uminom ka muna."

Tinanggap ni Erin Zeph ang isang baso ng tubig at diretsong nilagok ang laman niyon. Napapikot siya ng mariin at ipinilig ang ulo. Wala iyon. Hindi totoo ang nakita ko. Pagkumbinsi niya sa sarili. Napamulat na lamang siya ng mga mata nang tumigil ang musikang pinapatugtog at pinalitan ulit iyon ng boses ng emcee.

Sasabihin na yata 'yong big surprise.

"I'm here again everyone! I will not take it long already for the big surprise I was talking about earlier. Are you ready?" maganang pahayag ng emcee.

Lahat naman ng naroon ay nagsigawan ng 'yes', maliban sa kanya dahil hindi talaga maiwaksi sa isipan ang nasaksihan kanina.

Nagsalitang muli ang emcee. "Okay ladies and gentlemen. Let's count 1 to 3."

"1..."

"2..."

"3..."

"Let's welcome the President and CEO of NACLOR CORPORATION, Mr. Stefan Cojocaru!"

Awtomatikong napapigil ng hininga si Erin Zeph nang lumabas ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Bakit gano'n? Parang kakapusin siya ng hininga. Paulit-ulit siyang nagpakawala ng malalim na hininga para manumbalik ang normal na paghinga.

Luna BlestemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon