Kabanata 6

75 4 0
                                    

ABALANG-ABALA si Erin Zeph sa pag-e-encode ng mga reports nang bigla na lamang sumulpot si Cherry na ayon dito ay iyon daw talaga ang pangalan nito. Tumayo ito sa harapan ng cubicle niya. Hindi niya ito pinansin dahil abala siya sa ginagawa para matapos na iyon at maipasa na sa masungit nilang boss. Kung bakit ba naman kasi siya pa ang inutusan ng masungit din nilang supervisor na tumapos nitong walang hiyang napakaraming reports. Hay! Ang hirap namang magpag-buntunan ng sama ng loob sa universe, e!

"Hoy, chakang girlalu!" agaw pansin sa kaniya ni Cherry.

"Oh, ano naman ba baklang mas chaka pa sa chaka?" Hindi na siya nag-angat pa ng ulo para harapin ito.

Hindi na ito sumagot pa, akala niya umalis na ito kasi nakita niya sa kaniyang peripheral vision na naglakad ito. Pero ganun na lang ang gulat niya nang maramdaman ang kamay nito sa kanyang batok at kiniliti siya.

Napatili si Erin Zeph at napatayo. "Letche kang bakla ka! Ogag mo! Pakyu sagad!" Mura niya sa kaibigan.

Ayaw niya kasing nahahawakan sa batok dahil malakas ang kiliti niya roon at parang may nakakakilabot na pakiramdam siyang nararamdaman kapag hinahawakan ang batok niya. Hindi niya maipaliwanang kung anong pakiramdam basta sumasakit iyon. Kaya ayaw na ayaw niyang nahahawakan sa batok.

Tatawa-tawa naman ang baklita habang pinaghahampas niya ito.

"Walanghiya ka talagang bakla ka! Gigil mo si ako! Ipapagahasa talaga kita sa mga babae!"

"Yucks, girl! 'Wag ganun, bes. Baka iyon pa ang ikamatay ko," tumatawa pa ring sabi nito.

Pati na rin ang iba pang office mates nila ay nakikitawa rin. Sanay na rin naman ang mga ito sa kanila. Hindi na rin naman bago sa mga ito ang ganung eksena nilang magkaibigan. Bagkus ay nakikigatong at nakikisali pa ang mga ito. Pero kapag nasa malapit lang si Ms. Dinayot ay hindi nila nagagawa ang ganito. Pero ngayon malaya silang nakakapag-bangayang magkaibigan dahil may inasikasong meeting ang masungit nilang supervisor.

"Mas gusto niyan na si Mr. Cojocaru ang gumahasa sa kaniya," matinis ang boses na sabi ni Ella.

"Oo nga. Ganun ang mga tipo ng malanding frog na iyan," nakatawang gatong naman ni Cindy.

"Perfect, girls! Natumbok niyo. Oh nanana! Oh nanana!" sang-ayon naman ng kaibigan niya sabay kindat pa sa dalawa.

Naku! Naku! Siya yata ang matutuyuan ng dugo sa kaibigan niyang ito. Sabagay mukhang ang sarap sarap naman ng CEO nila. Erase! Erase! Naipilig niya ang ulo sa bagay na iyon. Ano ba naman ang naiisip niya? Kailan pa siya nagpantasya sa isang lalaki? Nahawa na yata siya kay Cherry.

"Sige, mangarap ka pa Christopher De Leon," aniya para inisin ito.

Tumikwas ang isang kilay nito. "Che! Kung makasabi ka naman ng pangalan. Hinay-hinay naman. It's Cherry Gil not Christopher De Leon."

Ay, taray! Artistahing pangalan ang nais.

Sasagot na sana si Erin Zeph pero hindi niya iyon naituloy dahil sa malakas na pagtikhim mula sa likuran nila. Halos lahat sila ay napalingon sa pinanggalingan niyon. Napa-awang ang mga labi niya nang makita na si Stefan Cojocaru pala iyon. Ang mga katrabaho naman ay napatuwid ng tayo at nagsi-yukuan sa kanilang boss. Tumango naman ang lalaki. Naglakad ito patungo sa gitna saka tiningnan silang lahat.

Luna BlestemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon