Kabanata 8

66 2 0
                                        

MABILIS NA BUMABA si Erin Zeph sa kotse at patakbong binuksan ang gate saka pumasok sa loob.

"Mommy! Mommy! Nasaan ka?" Kaagad niyang hinalughog ang buong bahay para hanapin ang ina.

Una siyang nagtungo sa second floor sakaling nandoon ang mommy niya pero walang tao roon. Hinugot niya ang cellphone na nasa bulsa at tinawagan ito pero walang sumasagot. Nagkukumahog naman siyang bumaba at tinungo ang kusina pero wala rin ang kanyang mommy roon. Nasaan ba ang mommy niya? Bigla siyang kinabahan, baka kinuha ito ng mga gustong pumatay sa kanya. Oh, God! Huwag naman sana.

Bumalik siya sa sala at sakto namang papasok si Stefan sa loob ng kanilang bahay. "Hep! Hep! Diyan ka lang. Walang may sabing pumasok ka. Just stay there."

Napakunot naman ito ng noo. "Okay. Chill. I'm not gonna hurt you. You're over reacting."

Kinakabahan niya itong nilapitan. "Wala si Mommy. Baka may nangyaring masama sa kaniya."

Hindi siya nito sinagot bagkus ay iniksamin nito ang buong kabahayan nang hindi pumapasok. Nanatili lang ito sa may pintuan, pumikit ito pagkatapos ay hinarap ang gate. Huminga ito ng malalim na para bang nilalanghap ang hangin.

"No. Hindi sila nagpunta rito at hindi rin nila kinuha ang Mommy mo," sabi nito sa siguradong-siguradong boses.

"Paano ka nakasisigurado? Sinasabi ko sa 'yo kapag nadamay ang Mommy ko sa mga hindi ko maintindihan na pangyayaring ito, susunugin kita ng buhay!"

Humarap ito sa kaniya at walang buhay siyang tiningnan. "If you don't believe me then that's not my problem anymore."

Hindi na ito pinansin pa ni Erin dahil abala na siya sa pagtipa sa kaniyang cellphone.

"Hello, Mommy. Nasaan ka ba?" pagka-usap niya sa ina sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag.

"Nandito na ako sa bahay. Papasok na ako. Bakit? May nangyari bang masama, anak?" sagot ng kanyang mommy.

Sakto namang narinig niya ang pagbukas ng gate. Malalaki ang mga hakbang niyang lumabas ng bahay at sinalubong ang ina nang makitang papasok na ito sa loob. Kinuha niya ang dala nitong groceries. Mabilis niya itong hinila papasok.

"Oh, ano bang nangyayari at parang natataranta ka?"

"'My, may mahalaga tayong pag-uusapan."

Napatigil ang kanyang ina nang makita si Stefan na prenteng nakatayo sa may pintuan. Nagtataka namang tiningnan siya nito.

"Ano ang ibig sabihin nito, anak? Sino ang lalaking 'to?" Nanlalaki ang mga mata nitong tumingin ulit sa kanya. "Ngayon ka lang nagdala ng lalaki rito sa bahay. Huwag mong sabihing buntis ka?!"

Ha? Ano raw?!

Napatampal sa noo si Erin. "Mommy, ano ba?! Huwag ka ngang OA! Hindi ako buntis, okay? Grabe naman ang imagination mo."

Tiningnan niya lang si Stefan saka sinenyasan itong huwag sumunod. Mahirap na, baka kapag pinapasok niya ito ay makakapasok na ang lalaki kahit ano mang oras nitong gustuhin. Gano'n naman sa mga vampire series 'di ba? Kapag hindi inimbitahang pumasok ay hindi makakapasok? Ewan niya! Basta gano'n. Period!

Nang makapasok sila sa loob ay kaagad niyang pina-upo ang kanyang ina sa sofa. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago seryosong tumingin dito.

"'My, may itatanong lang ako tungkol kay Lola Andreea."

"Ano naman iyon?"

Mataman niyang tinitigan ang ina. "Luna Blestem."

Natigilan ang ito. "Ano? Ano ba ang sinasabi mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Luna BlestemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon